Honda City 2005 (idsi pa, yong avatar ko hehe) Casa recommendations/remarks:
1. Clutch assembly replacement
2. Underhassis: rear wheel bearings, lower arm assembly, shock absorber, stabilizer link
Sa casa mga 30ish k yan.

Tanong ko lang mga bro, meron na ba sa inyo ang naka try na ng repairs/replace ng mga piyesang yon sa third party shop? At satisfactory ang service at presyo (meaning di nman sobra mahal)? Ty sa kung anu man info. Baka naman makatipid ako uli o baka di ko pa naman talaga kelangan palitan yon mga yon. Wala naman akong kakaibang nararamdaman sa ride at handling ko eh, pero mejo matigas na nga ang clutch pedal.

Just a back story, noon nagkaroon din ako ng AC problem sa same City 2005 ko, sa casa ay palit compressor daw na costing 30k. Sa Shop na na-diskubre ko dito sa forums http://tsikot.com/forums/aircon-temp...problem-77549/
tanggal washer lang na wala pa atang 3k kasama na general cleaning. I'm sure you get my point Minsan talagang negosyo talaga ang mga casa.

Thanks again.