kung converting matic to manual medyo madugo yan. inisip ko na din gawin yan before sa esi 95 ko eh. pero na realize ko na hindi rin worth it ska malaking risk ang kapalit. there are a lot of things to consider when converting matic to manual, check my other post, andun lahat reply ng mga experts regarding conversion of matic to manual. sakit sa ulo lang for me. para sakin benta mo oto mo or swap ka sa same model with manual transmission, kng makaka chempo ka ng may gusto ng matic sila pa magdadagdag sayo. kelangan lang mahusay ka pumili at baka mag end up ka na mas maganda pa yung kundisyon ng oto mo sa pinalit mo.

pero kung desidido ka talga na gawin yan. i know one shop in pasig blvd who have done a lot of matic to manual conversion. AMS Turbo located at 102 shaw blvd kapitolyo pasig. katabi lang siya ng jade palace and malapit sa mga motels sa canley. look for bash, sabihin mo ni refer kita (Mikki name ko bro). malinis at maayos gumawa yun kaya lang may kamahalan lang ng konti pero sulit naman kung ganyan mga delikadong trabaho na ang gagawin. my suggestion in this case is to buy an engine with transmission tapos padeliver mo sa AMS para sila na gagawa ng lahat. labor na lang babayaran mo sa kanila. pero baka iniisip mo 5k lang babayaran mo sa conversion ah... take note medyo may kamahalan ang shop at ang labor nila. pag pinuntahan mo naman yung shop malalaman mo na may kalakihan at magagarang oto ang andun. bale bili ka ng engine sa evangelista, banawe, pampanga o kung san man ang may pinaka sariwa at mura tapos sa kanila mo pakabit.