New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 4 of 4
  1. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    125
    #1
    Ano nagiging epekto ng bagong palit na spark plug at air cleaner element? ang kotse ko ay honda city 2008 model. napansin ko kasi parang lumakas sa gas ang kotse ko kasi nagpafull-tank ako then after 2 days napansin ko bumaba kaagad ang gauge ko. pero dito lang naman ako sa amin at di pa ako long distance. kasi kaya ako nagtataka kapag lumuluwas ako manila simula dito sa amin sa cavite yung gauge ko kapag nasa may macapagal na ako di pa din bumaba ang gauge. nagpa-gas tuloy ako kanina para macheck kung ilan ang nabawas sa gasolina. bale almost 10L din ang nabawas sa kaunting takbo na yon, may epekto ba pagpapalit ng bagong spark plug at air cleaner element. please advise,

  2. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    4,078
    #2
    Mas maganda siyempre ang bagong palit na sparkplug mas maganda ang sunog ng gasolina at bagong palit ng air filter para nakakahinga maigi makina . Pag long driving kasi mas maganda dahil nasusunog maigi ang gasolina . obsebahan mo lang kung kundisyon makina mo tignan mo sunog ng tip ng muffler mo o tail pipe pag maputi ayos iyon pag maitim at ma carbon hindi masyadong nasusunog gasolina kaya aksayado.

  3. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #3
    *sir Enrikez, Sir tanong lang kasi newbie ako magkakotse.

    A/T ba transmission mo?San ka nagpapalit ng sparkplug at air filter element, sa casa ba?at magkano?.

    Salamat.

  4. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    125
    #4
    Quote Originally Posted by chrismarte View Post
    *sir Enrikez, Sir tanong lang kasi newbie ako magkakotse.

    A/T ba transmission mo?San ka nagpapalit ng sparkplug at air filter element, sa casa ba?at magkano?.

    Salamat.
    M/T bossing, bumili lang ako sa casa ng air filter element then pinaservice ko sa shop ng kapatid ng byenan ko! ;) well update ko lang, gumanda ang batak ng kotse at kanina galing ako manila pero mukhang nakapag-adjust na yung kotse ko at balik na ulit sa normal.. nanibago lang ako siguro,

Ano epekto ng bagong palit na spark plug at air cleaner element?