New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    122
    #1
    Nagfulltank ako last week. Tumakbo na ako ng 200 Km pero halos full pa din gauge ko. Is there something wrong with my fuel gauge? Iniisip ko kasi baka ganito lang talaga pag full tank. Ngayon lang kasi ako nagfulltank sa buong buhay ko. hehe

  2. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    14
    #2
    Ganyan din yung civic ko nung umuwi ako ng probinsya, hehe. first time ko din nagpag full tank. afaik, matagal siya sa full na mark, tapos pag bumaba na, mabilis na pagbagsak, hehehe.

  3. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    2
    #3
    hehehe..same experience here...two weeks ago...pinafull tank ko din civic ko...umabot ng P19++...taka din ako 3 days ko na ginagamit...ayaw pa din bumaba sa FT gauge...pero after a while...ayan na...tuloy tuloy na pagbaba...siguro lang...after the max gauge may room pa for gas yung tank, kaya siguro ganon...

  4. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    234
    #4
    nag automatic shut off ba yung pump sa station nung nag full tank kayo?
    meron pa kasing ilang litro sa filler neck na kailangan maubos bago lumutang sa ibabaw yung fuel gauge sensor.

    Ganyan din ako nung bagong kuha kko yung accord ko and nag pa full tank ako sabay byahe ng tagaytay ... kala ko matipid sya sa gas ... hindi pala HEHEHE

  5. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    122
    #5
    Quote Originally Posted by sleepsus View Post
    nag automatic shut off ba yung pump sa station nung nag full tank kayo?
    meron pa kasing ilang litro sa filler neck na kailangan maubos bago lumutang sa ibabaw yung fuel gauge sensor.

    Ganyan din ako nung bagong kuha kko yung accord ko and nag pa full tank ako sabay byahe ng tagaytay ... kala ko matipid sya sa gas ... hindi pala HEHEHE

    Hindi nag auto ahut off yung akin. Sinabi lang sa akin ng gasoline boy na kung gusto ko daw punuin. Sabi ko ok na yun. Almost full naman daw. Pero ngayon back to normal na.

  6. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    15
    #6
    prehas pala tayo ng mga expreriences hehehehe..kala ko nga din sira kasi ayaw rin bumaba pero normal pala ung ganun.. hehehe

  7. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    94
    #7
    Ganun talaga un... I have my car for 10 yrs matagal talaga bago bumaba ung indicator... pero kung sobrang tagal na talaga tapos biglang bagsak e pacheck nyo na ung ball float nyo... kasi ung sakin after 8 years mula nung nabili un out from casa nasira na ung ball float...

    ang usual sign na sira na ung ball float hindi nababa ung gauge kahit sa tingin mo dapat kalahati na ung nabawas sa pinagas mo... hindi naangat ung gauge pag nag papagas kayo... at ang isa pang sign e ndi nailaw ung empty fuel light pag sa tingin nyo e empty na kayo at ung gauge nyo e halos lagpas na sa red

    piece of advice kung kaya nyo naman ma maintain ung gas nyo na palaging full gawin nyo... healthy sa oto un... iwas un sa pagkakaron ng moisture sa loob ng fuel tank nyo... pero sa panahon ngayon mahirap imaintain un hehe! pero dapat once in a while magpafull tank kayo un lang

99 Civic Fuel Gauge