New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 622 of 881 FirstFirst ... 522572612618619620621622623624625626632672722 ... LastLast
Results 6,211 to 6,220 of 8801
  1. Join Date
    Mar 2017
    Posts
    655
    #6211
    Finally got my OR/CR. After 3 weeks.

    Parang yung feeling na pag nakita mo payslip mo na may 13th month and christmas bonus.


    Sent from my iPhone using Tapatalk

  2. Join Date
    Mar 2017
    Posts
    655
    #6212
    Question,

    Nakuha ko na OR/CR ko plus yung Plate with Conduction Number tsaka MV No.
    Pero wala kasama na sticker. Kasi diba pag registered na sasakyan mo dapat may sticker man lang na ibigay na ididikit mo sa windshield mo.
    Normal lang ba yun?
    Kasabay ba sya ibibigay along with the Plate (only God knows when dadating)?

    And pwede ko na ba ibyahe ng outside ng region yung sasakyan kahit OR/CR lang hawak ko, without the sticker and plate?

    Salamt sa sasagot po.

  3. Join Date
    Apr 2015
    Posts
    61
    #6213
    Tapos na yung Sagada Trip namin Ang saya magdrive! Grabe lang. O baka dahil automatic kotse ko... Pero almost all the time naka 2nd or 3rd gear ako.

    Average Fuel Con.: 13.7 km/l
    Trip A: 802.1 KM
    Date: May 1-2, 2017 (oo, nagovernight lang kami sa Sagada, wahahahahahahaha!)

    Bocaue, Bulacan to San Jose, Nueva Ecija: 1:09 AM - 3:35 AM (2:26 Duration)
    Nag-entry kami sa Bocaue NLEX 'tas exit sa Victoria TPLEX. Mabilis lang kasi madaling araw biyahe.

    San Jose, Nueva Ecija to Bambang, Nueva Viscaya: 4:00 AM - 5:39 AM (1:39 Duration)
    Grabe yung kalsada dito sa Nueva Viscaya. Unang patikim sa zigzag road. Dito may naaksidente na bus e. Madilim pa nung andito kami kaya sobrang ingat. Maraming super heavy trucks, mga tipong 20-wheeler.

    Bambang, Nueva Viscaya to Banaue, Ifugao: 5:49 AM - 8:26 AM (2:37 Duration)
    Nagpa-gas kami sa Petron bago umakyat pa-Banaue. Around 1,200 ang gas na naubos namin so-far. Full tank kasi nung umalis sa Bulacan.

    Banaue, Ifugao to Sagada, Mt. Province: 9:18 AM - 11:35 AM (2:17 Duration)
    Chill-chill lang yung kalsada dito. Grabe, nung huli ako dumaan dito e 12 years ago at rough road pa noon at sa tuktok kami ng dyip nakasakay. Ngayon e sementado na siya lahat. Hindi masyado matarik ang kalsada at hindi masyado paliko-liko. Siguro e parang mas mahabang Kennon Road lang, pero mas matarik pa nga ata Kennon Road.

    ---

    Around 11 hours na byahe bale from Bulacan to Sagada kasama ang stopovers. Kumain lang kami sa McDo sa San Jose N.E. 'tas CR breaks yung iba. Medyo matagal lang kami tumigil sa Rice Terraces View Point kasi may nakausap kami na galing din sa bayan namin kaya medyo napatagal kwentuhan. Nagkape na rin at konting miryenda.

    Saglit lang kami sa Sagada. Dalawang senior kasi ang kasama ko kaya di sila pwede maglakad-lakad. Yung Church, Danum Lake at Kiltepan lang ang nakita namin. YUng kotse ko e inakyat namin sa Kiltepan. WAHAHAHA. Rough Road pero kinaya naman ni Whitebeard. Bago naman lahat ng gulong ko kaya medyo kampante pero parang mas ok na mag-park na lang sa may Petron 'tas hike na lang paakyat. Issue ata ang parking sa taas kapag masyado maraming tao. Siguro yung paakyat galing petron e mga 20-30mins kung chill na lakad lang.

    ---

    Sagada, Mt. Province to La Trinidad, Benguet: 8:15 AM - 1:04 PM (4:49 Duration)
    Graaaaaaaaaaaaaaaaaaabe. Grabe lang, ito na ang pinaka-grabeng highway na nadaanan ko. Sobrang daming hairpins, as in 360-degree hairpins. kakapiraso yung diretso na kalsada 'tas liko na naman. Matarik pa *_* Sobrang delikado grabe, nakakatakot. Deadliest highway talaga, as in. Pataas, pababa, tas pataas ulit tas pababa. yung kalsada e dadaan sa di mabilang na mga bundok, sunod-sunod na parang walang katapusan. Kelangan e mahaba ang naging pahinga mo bago ka magdrive dito, grabe.

    Sabi nung tito ko, kapag maulap daw e huminto na lang at hazard para safe dahil dadalhin naman ng hangin yung ulap kaya lilipas din. Buti na lang at hindi umulan nung dumaan kami dito *_* nakakatakot. napakataas. pinaka-mataas na highway sa Pinas o__O Yung sinusundan namin na fortuner e at one point e huminto bigla sa gilid tas yung pasahero e bumaba at sumuka.

    Maraming bayan ang madadaanan dito kaya no prob ang gasolinahan. Huli kaming nagpagas e nung nasa Nueva Viscaya pa kami o boundary na siguro ng Isabela yun at naaalala ko e lampas pa kalahati yung gas. Basta alam ko, pagdating namin sa Baguio e kalahati pa yun gas kaya sa Pangasinan ka ang next na top-up namin.

    Medyo mahirap lang mag-overtake sa Halsema. Maraming delivery trucks/jeepneys na may dalang gulay. Medyo matrapik din kapag dumadaan sa mga palengke, pero saglit lang yun. Marami kami na magkakasabay na pickups, urvans, grandia, fortuner at mabibilis kami pagpatakbo, hahaha. Mapepressure ka kapag nasa likod ka nila e. Pare-pareho naman na gusto makauwi nang maaga.

    Pero sobrang ganda nung view sa highway na 'to. Gusto ko nga ulit-ulit ang pagdadrive dito, kung hindi lang malayo. Kung naglalaro kayo ng Need For Speed Carbon, parang Canyon Road. Ganun eksato yung kalsada dito, hahaha. Pero Grabe talaga ang view. Sobrang taas nung kalsada at kapag tumingin ka sa baba e kita mo LAHAT. Sobrang lawak. Unreal. Mga bahay sa maliliit, rice terraces, mga bundok. Grabe, SOBRANG GANDA ng view. Yung parents ko, e buti hindi mahiluhin pero ayaw na daw nila bumalik dun. Pero ako, grabe, gusto ko magdrive dun mga tipong once a year.

    Ang saya magdrive :D

    Humihinto rin nga pala kami kapag gusto ko namnamin yung view, hahaha. Pero mahirap huminto dun sa ibang parts kasi nga puro paliko, kaya unsafe magpark sa gilid kasi wala naman shoulder.

    Nakakatakot nga rin pala yung mga landslides tsaka maraming parts na debris hazard. Nakakatakot kung may bigla bumagsak na bato *_* nung dumaan kami, may nakikita ako na bumabagsak na mga bato pero maliliit lang. Nakakatakot na baka bigla na lang mabasag ng bato yung windshield ko.

    I highly recommend na dry season pumunta dito.

    Baguio, Benguet to Bocaue, Bulacan: 3:25 PM - 8:18 PM (4:53 Duration)
    Eto, siguro familiar naman na ang karamihan dito. Nagpagas kami sa Pangasinan pagkababa ng Kennon at dito pinakamura yung gas, hahaha. 40+ pesos yung Xtra Advance sa Petron. Yun nga lang pala ang gamit ko na gas sa kotse ko, hehehe. Kumain lang kami ng dinner sa NLex kaya siguro around 4:30 minutes ang byahe.

    ---

    Around 12 hours ang pauwi. Pero antagal nung food na inorder namin sa Calajo sa La Trinidad na hindi naman masarap. Namili pa kami ng gulay sa palengke malapit sa Strawberry Farm at namili ng halaman sa Mines View Park. Pumapatak mga 10 hours ang byahe mula Sagada to Bulacan via Baguio.

    Ito ata yung mas mabilis na ruta ata kesa dun sa Nueva Viscaya.

    All in all, around 2k ang nagastos namin sa gas. Not bad. sa 40-42 pesos per liter. Results may vary. Aggressive po ako na driver at mabilis magpatakbo as much as possible. Ako nga lang pala ang nagdrive. Kinaya naman. Achievement Unlocked! Sisiw na pumunta ng Ilocos o kaya Bicol after ko gawin 'to, wahahaha.

  4. Join Date
    Dec 2014
    Posts
    1,161
    #6214
    Yung problem kaya ng stock tire na madaling magka bukol is sa VX lang? Parehong Turanza yung E and VX pero I wonder if it has something to do with the size.

    Parang puro VX ang nakikita kung laging may bukol agad ang tire. Mine is E CVT and medyo kinakabahan ako.

  5. Join Date
    Jul 2015
    Posts
    1,177
    #6215
    Quote Originally Posted by arvs18 View Post
    Question,

    Nakuha ko na OR/CR ko plus yung Plate with Conduction Number tsaka MV No.
    Pero wala kasama na sticker. Kasi diba pag registered na sasakyan mo dapat may sticker man lang na ibigay na ididikit mo sa windshield mo.
    Normal lang ba yun?
    Kasabay ba sya ibibigay along with the Plate (only God knows when dadating)?

    And pwede ko na ba ibyahe ng outside ng region yung sasakyan kahit OR/CR lang hawak ko, without the sticker and plate?

    Salamt sa sasagot po.
    Yung sticker kasabay po ng license plate.
    With or/cr on hand, you're good to go. Drive safe.
    ------------------------------------
    rvn,
    PMS agad, sunod nyo pong tahakin Baler or Bicol.

  6. Join Date
    Mar 2015
    Posts
    143
    #6216
    Quote Originally Posted by dhisky View Post
    Yung problem kaya ng stock tire na madaling magka bukol is sa VX lang? Parehong Turanza yung E and VX pero I wonder if it has something to do with the size.

    Parang puro VX ang nakikita kung laging may bukol agad ang tire. Mine is E CVT and medyo kinakabahan ako.
    yun kaibigan ko, VX, nagkabukol din yun Turanza. ang pinalit ng casa Westlake.

    kaya ayun, hindi pares gulong nya sa likod. sabi ko palitan nya ng perahas kaso hindi nakinig hehe

    Sent from my SM-N910C using Tapatalk

  7. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    38,470
    #6217
    Quote Originally Posted by dhisky View Post
    Yung problem kaya ng stock tire na madaling magka bukol is sa VX lang? Parehong Turanza yung E and VX pero I wonder if it has something to do with the size.

    Parang puro VX ang nakikita kung laging may bukol agad ang tire. Mine is E CVT and medyo kinakabahan ako.
    one common reason for "bukol", is over-inflation. i am told, that those gasoline station air pumps, sometimes suffer from gauge mis-calibration.
    another reason, is our roads' lunar-landscape-ness.
    still another, is intentional overinflation. mas magaan kasi ang manibela kapag over-inflated ang tires.

    but yes, there is always that "build quality" issue.
    Last edited by dr. d; May 4th, 2017 at 09:24 AM.

  8. Join Date
    Mar 2017
    Posts
    655
    #6218
    Quote Originally Posted by makyong View Post
    Yung sticker kasabay po ng license plate.
    With or/cr on hand, you're good to go. Drive safe.
    ------------------------------------
    rvn,
    PMS agad, sunod nyo pong tahakin Baler or Bicol.
    Salamat Sir

  9. Join Date
    Feb 2017
    Posts
    65
    #6219
    Question po mga sir -

    1.) Ano-ano chinecheck sa free na 1k PMS?
    2.) Nagkaron kasi ng white stains/spots yung Taffeta White namin, pano kaya tanggalin yun? I suspect bird poop yung culprit kasi sa labas lang naka-park. Parang bumaon na sa paint, kasi pag hinahawakan wala ka mararamdaman sa surface.

    Thanks!

  10. Join Date
    Apr 2017
    Posts
    63
    #6220
    Quote Originally Posted by jamazi View Post
    Question po mga sir -

    1.) Ano-ano chinecheck sa free na 1k PMS?
    2.) Nagkaron kasi ng white stains/spots yung Taffeta White namin, pano kaya tanggalin yun? I suspect bird poop yung culprit kasi sa labas lang naka-park. Parang bumaon na sa paint, kasi pag hinahawakan wala ka mararamdaman sa surface.

    Thanks!
    1. fluids, suspension, belt, boots, filter and battery
    2. i think sa bird poop you would require some compound to remove. better consult a detailer.

    Sent from my SM-G930F using Tapatalk

Tags for this Thread

2014 Honda City (Gen 4)