Talagang marami nang mga walang disiplinang drivers ngayon, mga drivers na di nga ata alam kung ano purpose ng sideview at rearview mirrors. Meron ding hindi alam kung para saan yung mga guhit sa kalye. Mostly, mga PUVs ang naeencounter kong mga ganito, meron diyan na pilit na makikipag unahan sa iyo at pag naunahan ka naman ay bigla2 na hihinto sa harapan mo para makakuha ng pasahero. Pag talagang mainit ulo ko talagang bumababa pa ako sa sasakyan para komprontahin ang mga ganito, pero minsan naiisip ko mahirap na rin, kailangan talaga mahaba pasensya. Siguro nga kung talagang hihigpitan ang pagkuha ng lisensya lalo na sa mga professional drivers, taasan pa ang mga penalties sa mga violators at lastly dapat may proper implementation ng mga traffic rules ang regulations e mababawasan ang mga barubal sa kalye.