confusing nga to. one time nung nagduduty pa ako sa Camp Crame hospital dumaan yung convoy ni Bayani na MMDA Chair pa noon dun sa intersection ng santolan. nakastop kami, e ako yung nasa una ng pila, kaya tumabi ako para palampasin, kasi nasa likuran ko convoy nila. biglang kumaway yung enforcer na mag go na ko, tapos sinunod ko, pero nung nakalampas na ko sa intersection at nadaan na sa tabi ko yung hagad ni bayani, pinahinto ako at hinuli, bakit daw ako nagbeat ng red light? e syempre ipaglalaban ko yung karapatan ko. nagtalo kami hanggang pinatawag ni Bayani yung nagmamando dun sa intersection. Inamin naman ng enforcer na pinaGO nya nga ko, ayun si Bayani pa mismo nagsorry.