hello, I'm ayosakodito from MCP. I'm a rider syempre at cager as well..
ang stand ko dito at dun narin sa kabila(kahit di pa nakakapagreply duon) eh yun lang, wag sana lahatin ng mga nandito ang mga nagmomotor..
*karamihan ng mga nagmomotor eh labor sector, working sector etc.. lahat yan may work, at syempre karamihan sa kanila e nagmomotor para makaiwas sa traffic, makamura sa gasolina etc.
*karamihan sa mga nagmomotor ay mga walang disiplina sa daanan(totoo ito, karamihan mga walang disiplina, walang tamang proseso sa pagkuha ng lisensya, hindi dumaan sa tamang seminars at trainings sa wastong pagmomotor)
*ang ibang mga nagmomotor ay minsan more on passion, may mga rider na nagmomotor lang every weekends pampawala ng stress.. kadalasan sa mga ito ay mga naka higher displacement bikes.. ang iba eh talagang passion lang ang pagmomotor
*ang ibang nagmomotor naman ay hindi naman dukha at walang pinagaralan o hindi disiplinado, may mga sektor ng riding community na dumaan sa wastong seminars, trainings, at iba pa.. na sad to say eh mas maliit ang porsyento kesa sa karamihan..
*ang ibang riders eh mahahalintulad din sa mga cagers.. ang cage ay kalimitang mahal.. ang ibang motorcycles ay minsan mas mahal pa sa cage.
*ang mga ibang riders eh may mga mamahaling mga gears na pwede ding maihalintulad sa mga naka cage dahil ang iba ay iniisip na dukha/walang pinagaralan/walang disiplina etc ang mga riders. ang ibang gears namin ay nagkakahalaga ng 65k pataas sa riding suit palang, as much as 20k sa boots, 20k sa gloves, at as much as 50~60k naman sa helmet at iba pa
* ang ibang mga riders ay may mga modifications din na maihahalintulad sa mga nagkokotse na magkasing mahal din naman..
lahat yan ang inputs ko lang as a rider(mas lamang kasi sa akin ang pagiging rider kesa mag cage..passion ko kasi)
pero pinagmamalaki ko na dumaan ako sa tamang proseso ng pagkuha ng lisensya, pagsailalim sa mga trainings, wastong pagmamaneho sa kalsada kasama ang mga riders at mga cagers at iba pa...
yun lang sana, wag nalang natin igeneralize, may mga sektor sa riding community ang naaapektuhan sa mga ganitong diskusyunan
respetuhan nalang po sa kalsada.. thanks po
