
Originally Posted by
FMJ JHP
para sa mga matitino na riders dito bakit hindi niyo gayahin ang ginawa ko sa mga kapitbahay ko na mga teenage riders. tinuruan ko sila ng tamang disiplina sa pagmotor nung una kasi nakita ko silang magmotor ang nasabi ko sa sarili ko may madidisgrasya dito sa mga ito panigurado. unang sama ko sa kanila inaya nila ako mag sierra madre aba nagulat ako paglabas namin ng highway kanya kanyang harurot ang mga loko kala mo nagtatahi ng kalsada, kaya sabi ko hindi pwede ang ganito kung isasama nila ako ulit susubukan kong baguhin ang ugali nila kung ayaw nila bahala sila atleast sinubukan ko. sumunod na plano nilang biyahe infanta quezon ang sinabi ko ako ang mag-organize lahat pwede sumama basta maayos ang kondisyon ng bike nila may lisensya at may riding gears(helmet,jacket,hi-cut shoes,knee/shin guard,maong pants) yan ung min requirements. pagtapos may pre-ride meeting kami sinabi ko sa kanila na walang magkakarera sa daan at wag papatol sa ibang grupo na maangas. lahat naman sila sumunod sa akin, ang isang bilin ko pa sa kanila dahil 2 1 2 formation kami sa ride at madami kami kaya mahaba ang pila ay kung may cage na gusto magovertake may 2 mashall ako naka assign una pagnakita ng marshall na may nakabuntot sa amin na cage na gustong mauna sisingit ang marshall sa gitna para mahati ang grupo yung isang marshall naman senyas sa cage kung pwede na magovertake. ngaun natutuwa ako sa mga kapitbahay namin na nagmomotor kahit sa kanto lang pupunta nakahelmet na sila at naging marespeto sa mga ibang motorista.dati kasi may makasabay lang ang mga mokong na panay ang rev ayun papatulan na at kakarerahin sa daan pero ngaun hindi na. Hindi na rin sila nakakahiya isama sa ride ng grupo ko kasi alam ko displinado na sila, yung huling ride namin sa bicol talaga naman lahat nag enjoy dahil naging guest sila ng grupo ko sa ride. Pero may sadyang pasaway talaga yung nasa loob na ng subdivision kung makaharurot kala mo malaki pusta sa karera