In reality, mas affected naman kung tutuusin ang mga matitinong riders kaysa sa mga balasubas (term from mcp) na nakamotor, dahil nadadamay pa rin sila kahit sabihin natin hindi nilalahat,etc. At yung mga tunay na "peste", "barubal", "balasubas", "pampam", "hotdog" at kung ano pa man ay hindi maapektuhan dito, dahil ganun na talaga sila eh, yun na ang naging "breeding" nila sa kalsada. Isang pangyayari lang ang magpapatino sa kanila at alam na natin kung ano yun. Hindi yung affordability or kakayahan sa buhay na makabili ng sasakyan kung bakit sobrang dami ng motorsiklo sa kalsada. "Affected" ang isang tao kung ang pinaguusapan ay ang kinabibilangan niya (na mode of transpo) dahil marahil sa personal or emotional attachment sa kanyang ride (bike, mc, kotse, jeep , etc).
Kung nagiging malaking perwisyo na ang pagdami nila, ano ang gagawin ng isang cager na matino ,sumusunod sa batas trapiko at palaging nasa tama? Anong adjustments ang maaring gawin para maiwasan masagian ng side mirror, makaskasan ng bumper, magulat o mabulaga sa mga umi-ekis-ekis at bumabangking na mga riders? Kung cager ka na mas nakakaangat sa buhay, professional (engineer, manager, etc)- wag sanang ibagsak ang pagkatao sa pamamagitan ng panlalait / pagaalipusta sa mga riders bilang kupal, utak ipis, hotdog, etc kahit sabihin "hindi naman nilalahat". Kahit opinyon lang ay nagiging descrimination din ang dating. Dapat may magawa tayo para kahit isa man lang ay mabawasan ang pasaway.
Bilang isa ring rider, naiinis din ako sa mga ganyan. Nito lang kasi ako nagmotor nung kumuha kami ni misis ng sariling bahay- hassle talaga ang trapik. Nung una sobrang kabado ako, hindi ako sanay magmotor sa city. Member din ako sa mcp. Nung nagpost ako ng video ng hindi tama at takaw aksidente na pagovertake ng isang asal-scooter, aba kinuyog ako ng ibang myembro. Hazard daw ako sa kalsada, sensitive at maselan ayon sa kanila. Pero tuloy pa rin sa pagpost lalo na ng pics ng mga walang helmet, naka stop sa pedestrian lane, nakamotor na nasa sidewalk. Then may isang member na magtitino na daw sya- hindi na titigil sa pedestrian lane at sasampa sa sidewalk baka daw machambahan ng isang rider na may video at ibalandra ang hitsura nya sa forum. (ako yata yung tinutukoy nya).. O diba, nakatulong ako makabawas ng isang pasaway.
Eto, isang bagong thread sa mcp. Basa-basa din pag may time..
Should we line in traffic jams or go to the inner/outer-most lane?