THREAD:"ASAL MIO" totoo palang meron nito

Share ko lang experience ko, medyo madami na rin akong nabasa na tungkol sa ilang
mio owner na kala mo kung sino o mas yadong mataas ang tingin sa sarili na parang langaw na nakatungtung sa ibabaw ng kalabaw at ang tingin nila sarili nila mataas pa sila sa kalabaw.

Kagabi before 9pm, pauwi galing sa work. Medyo nagmamadali dahil b-day ng father in law ko at medyo late na talaga ako at bukod don nakakahiya sa naghihintay sa akin na BOARD MEMBER ng lugar namin.

Pag dating ko sa stop light sa may fairview mall, may dumikit na MIO na black may back ride pa at may hawak na box, sabay sumigaw " DRE TESTING LANG KUNG AABOT" hindi ko pinansin dahil unang una hindi ko alam para sa akin yun,
eto na pag green hang bilis FT yata agad sya, pero ako tuloy lang kaylangan ko talagang mag taas ng RPM dahil nag mamadali ako, pag tapat namin sa TOTAL tinaas ng back ride nya yung kanan kamay nya at sumenyas ng BILISAN KO DAW, may sigaw pang " woooooo" amf kala siguro nila hinahabol ko sila, medyo madaming sasakyan pano kitang hahabulin,

eto pa nakaka inis at don ko talaga napatunayan na kikipag gauge nga sila, pag dating sa next stop light, medyo umabante sya dahil mukhang kakaliwa, bago sya tuluyang lumiko sumigaw pa " 150CC TO DRE " napa iling nalang ako gusto ko sanang isigaw na "ANO NGAYUN"

para sayo na mayabang na mio owner, suggestion ko lang ibalik mo kung saan mo pinagawa yan, dahil sa itsura ng takbo mo kagabi malata o mukhang wala sa tamang tono,mukhang sa kargadong xrm 125 di yan aabot, kahit alam natin na malakas sa arangkada ang mio pero sa takbo mo kagabi tsk tsk tsk

kung gusto mong maki pag gauge friendly o may pusta wag sa public road, pm mo lang ako kung gusto mong ma test yang bagong set up mong 150cc, wala akong mio pero kaya kitang bigyan ng magandang laban, kung nangangarera ka siguro naman hindi na lingid sayo na maraming nagbibitaw na taga maligaya at zabarte mag PM ka lang at pag bibigyan ko yang hilig mo, tutal may malapit dyan na pwedeng pag bitawan


Sa matitno at ibang Mio owner, pasensya na hindi po kayo ang tinutukoy ko o hindi ko nilalahat ang mga naka mio,