mali naman din ako dude, kaya wag mo na ipamukha
sya ang nauna nagtrip sa akin kaya pinagtripan ko din :D
dont worry tinuruan ko lang ng leksyon
mangiyak ngiyak nga eh sana nakita mo kung pano sya
magkandarapa sa pagharurot after ng humps kasi tinutukan ko sa gulong
haha
parang wala pang lisensya yun parang nasa 18 to 20 palang hahahay!
Ha,ha. Nangyari na din sa akin yan d2 sa dulo ng Macapagal, likod ng Coatal Mall. Nagmenor na nga ako dahil me baha tapos etong isang kotse derederecho. Sa dami ng tubig na tumama sa akin, namatay yosi ko eh. Gusto ko sana habulin kaso papunta siya Coastal Road tapos d2 naman ako sa access road ng Dongalo. Moral Lesson, wag ipilit magyosi pag umuulan at may mga baha.![]()
di naman yung pagtrip yung sinasabi ko. di ko lang gets san yung motor nakapwesto at saan mo siya pinapaovertake. para sakin kasi, delikado ang pagovertake sa kanan, mas safe pag sa kaliwa nagovertake pag 2-way. pag sa kanan kasi may blind spot, pag sa kaliwa kitang kita.
ay tsuri boss nalito lang sa kaliwa pala sya nagharurot
nasa gitna sya mabagal takbo palingalinga sa akin ayaw tumabi
kita ko sa side mirror mukha nya troll face , maluwag sa kanan d sya dun tumabi
nantitrip sya bagal bilis andar nya so pinagbigyan ko sya at pinagkatuwaan
kaya halos magdikit na bumper ko at gulong nya sa loob ng 200m na takbo namin
clear ang bintana ko kita ako sa loob panay ang tawa namin sya naman halos di alam gagawin
swerte nya may humps, pagdating sa humps biglang humarurot sa kaliwa at nagovertake na
sa mga trike.halos kainin na nya lahat ng daan sa kaliwa..sa sobrang taranta nya,
yan na ok na ba ;)..
Nakakaasar isipin na madaming barumbado o kaskasero na motorcycle drivers pero hindi din natin masisisi yung iba kung bakit sila ganun dahil kadalasan sa kanila, may hinahabol din na oras. Kagaya na lang dito sa office namin, 5 and messenger namin eh kadalasan na utos namin sa kanila urgent dahil sa nature ng business namin. Lagi kaming naghahabol ng oras dahil pag inabot kinabukasan yung trabaho, penalty ang katapat buti sana kung mura eh kaso kadalasan libo ang additional na babayaran. Ang nakaka-asar lang na mga riders is yung tuwing uwian na akala mo, hinahabol yung telenobela na My Husband's Lover sa sobrang bilis magpatakbo at sumingit-singit.
May kakaiba at maganda ako nakita today. I saw one motorcycle rider while on my way to work. Kakabilib. He uses his signal lights and side mirror. Hindi rin siya bigla lumilipat ng lane or umoovertake. He make quick glances pa to check the vehicle behind him then dagdag pa ng hand signal. very educated motorcycle driver. sana ganito lahat. Sayang lang kasi nagiisa siya na nakita ko na ganito today. The rest e wala modo o pakialam sa ibang motorist.
oo nga sir. sana ganun sila lahat ngayon. yun iba kasi basta matuto lang makapagpatakbo ng motorcycle e ok na. hindi nila alam na may kaakibat na responsibilidad ito. I have no problem naman with good mc riders. I myself drive an MC minsan sa probinsya. Ayun lang mas madami na talaga pasaway ngayon.
*$$holes on two wheels occupying the Pedestrian lane along Makati Ave cor Paseo de Roxas. Another pet peeve.
![]()
kasali ako sa isang local mc forum sa facebook. i brought up the topic re: road legal bikes (lights etc), helmets, and running from apprehending officers. binura ang thread ko kasi madami daw nawawalan ng gana.
told them na di naman ako naninita, i was just trying to help improve the bike community in our place. sabi nila safety gears lang daw set-up ng makina, porma at fun runs ang dapat andun. sinabi ko naman na kasama sa safety ng bikers ang mga yun at matatanda na sila para malaman ang mali at tama. um-oo naman. labo ng utak.