Muntik akong makabannga ng MC kahapon, ganito ang nangyari, I was coming from Q.Ave going to the lane for the u-turn slot under the Q.Ave bridge when this MC coming from my blind side (driver side, coverred by pillar) tried to squeeze in front of my car, buti na lang sinabi nung wife ko na may parating na motor so buti na lang nakapag preno ako nung nakita ko na MC sa harap ko, siempre wala na akong magawa kundi businahan siya ng malakas. If napansin ko siya na parating na siya, I would certainly slow down to give way, maingat po akong magmaneho pramis hehehe. The MC rider is coming from my blind side and for sure nakita niya na ako could have slowed down to let me pass para wala ng disgrasya pero siguro naisip niya na maliit lang siya and pwede niya ng isingit yung motor niya. Sabi nga nung wife ko nung nakita niya yung MC parang nagdadalawang isip dumiretso but in the end decided to just go straight ahead. Buti kung laging muntikan lang at di nadidisgrasya e paano kung makatsamba siya na barumbado rin yung driver ng kotse at banggain siya di disgrasya and much worst mamatay siya. To some MC riders, kala niyo ba bakal ang katawan niyo na hindi kayo nasasaktan pag binangga kayo? buti kung one or two times lang may nakikita akong ganito pero everyday sa EDSA pa lang kung makapagpatakbo kayo para kayong laging may hinahabol e, pag di kayo nagbago sa pagmamaneho nyo ng MC (again im not pertaining to all riders) malamang ang hahabulin nyo si kamatayan. Advise lang po, ingat sa pagmamaneho at wag utak talangka sa kalsada.