New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 49
  1. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,743
    #1
    Ayaw ko na sanang ikuwento at hindi ko naman matandaan pangalan nya. Anyway gusto ko lang na kahit papano e maibsan pagkamuhi ko sa taong to. Pasensya napo kayo at napakahaba nito.

    Kaninang umaga, maaga ako nagising. Gusto ko kasi gumawa ng ikatutuwa ng mga kasama ko dito sa bahay . So what I did pagkagising ko is naglampaso ng sahig ng bahay namin. As in buong bahay. Natapos ako ng mga 9:00am. pahinga konti. Then pumunta na ako ng shop ko.

    Palabas ako ng village naming bandang 10:00am. As usual. Naka motor lang ako. Naku super traffic. Literal na bumper to bumper both lanes. So wala naman ako magawa kundi maghintay. Aba eto na. may isang mama na naka polo at safety hat na dilaw na lumapit sakin sabay sigaw ng “PI mo”. Wag ka sisingit! Lumingon ako kung may katabi ako. Nung makita kong wala aba e ako nga yung sinigawan. Sira araw ko. Minura ko na lang din ng “PI mo din”. “Sumisingit ba ako? At wag ka maninigaw.” Eto na. nagsisigawan kami sa tabi ng kalsada. I know it is not a good thing to do. Pero sa lahat ng ayaw ko is yung dinuduro ako. Lalo pag alam kong wala akong kasalanan at nasa tama ako.

    Maya-maya may lumapit sakin na isang tao. Sabi sakin “brod wag ka sumigaw. Wag mo sigawan yan. Di mo ba kilala yan?” Kako, “ako nga sinisigawan e”. then ulit na naman sya ng tanong. Di mo ba kilala yan? Kako, “bakit sino ba yan?” “Colonel yang sinisigawan mo”. (malay ko ba e naka civilian at naka safety hat. Akala ko engr. or foreman ng manila waters since may naghuhukay ngayon dito samin. Ni hindi naka labas tsapa nya or ID man lang na naka sabit). Nung marinig nung colonel yung sinabi ng tao nya biglang humarap sakin. Sabay sabi ng, “bakit? May problema?” Kasabay nun yung pag taas nya ng polo nya para makita ko baril nya. Kunin daw lisensya ko. Sabi ko on what grounds? Gusto kunin nung inutusan nya sakin. Kako, sige para matuwa ka. Ibibigay ko lang kung may paniket ka. Hindi sya naka sagot. Napailing ako. Sabi ko dun sa tao nya na naka civilian din. “Akala ko ba colonel kamo. E bat tila PO1 kung maka asta?”. Wag na daw ako sumagot at colonel daw yun. Kako, “brod, kayo di pwede sumagot siguro dyan kasi opisyal nyo yan. Ako, di ko nga kilala yan e”. yung mga tao na dumadaan sa likuran ko nagsasabi sakin na mayabang yan tao na yan. Kanina pa sigaw ng sigaw. Malamig na yata ulo ni colonel. Kasi pinahinto nya mga sasakyan at sinabihan akong “o kaibigan. Tawid na”. pag daan ko sa tabi nya sinabihan ko na lang ng “salamat kaibigan” .

    Nakalayo na ako ng konti ng may naalala ako. nakalimutan ko camera ko. So balik na naman ako ng bahay. Paglabas ko uli ng village hindi na ako pinansin ni colonel.

    Eto pa magagandang kwento. May huminto na FX sa bandang dulo dahil may bababa na pasahero. Sumigaw si colonel. Wag daw magpapahinto. E since nakahinto nga yung fx, e hulihin daw. Then may isang matandang lalaki na bumaba ng jeep. Tumawid ngayon. Aba hinila ni colonel at sinigawan ng “wala ka karapatang tumawid hangat hindi ko sinasabi na tumawid ka!”. E pedestrian lane yun. At bumper to bumper nga trapik. Sinagot din sya nung matanda. Sabi nung matanda, “e nasa gitna ako ng kalsada ano gagawin ko? Papasagasa?” Napansin ko naglapitan na naman yung mga amuyong nya at kinausap yung matanda.

    Kung sa inyo mangyari na sinigawan kayo ng isang tao na hindi ninyo kilala at naka civilian lang. papasigaw ba kayo? Komo colonel sya at ako e isang nagmomotor lang at naka sando e mumurahin na ako?

    Pag uwi ko ng lunch time sabi ng village guard namin sa akin. Sir ang tapang mo naman. Nakikipagsigawan ka sa colonel. Dami pa bataan. Kako, “akala ko kasi taga manila waters lang. napasubo ako. pinangatawananan ko na lang.” dinaan ko sa biro. Pero kung mangyayari uli sakin isa lang ang sigurado ko. Hinding-hindi ako magpapaduro ng alam kong wala naman akong ginagawang kasalanan. Hindi ako pinalaki at pinag-aral ng magulang ko para hindi ipaglaban karapatan ko. At magpamura at magpasigaw sa kapwa ko tao. Ang pagkakamali ko lang siguro is pinatulan ko sya. Anyway pag nakuha ko complete name nya post ko din kagad dito. Salamat po sa tyaga ninyo na basahin ito.

  2. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    172
    #2
    Ano'ng gagawin ko? Kukunin ko pangalan nya ng malaman ko kung colonel talaga. Baka naman tanod lang yun :lol:

    Yun lang ba trabaho ng colonel? Mag bantay ng traffic? :question:

  3. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    172
    #3
    oooppss.. double post

  4. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    191
    #4
    Baka retired(or retarded or both) na yan? Ang yabang kung umasta eh (O floating kasi wala siyang makuhang posisyon). Daming freetime ng taong iyan kung pati sa kalye nanggugulo pa. Colonel kuno siya pero nasa kalye? Parang pipitsuging opisyal lang yan.

    Bayaan mo na yan. Iyan yung mga taong umabot sa rank na yan lumaki na ang ulo.

    Mukhang matanda na ba? Baka naging colonel noong magretire yan. Walang kwenta yan kung retired na. Wag mo nang pansinin.

  5. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,743
    #5
    Quote Originally Posted by rai2k8 View Post
    Ano'ng gagawin ko? Kukunin ko pangalan nya ng malaman ko kung colonel talaga. Baka naman tanod lang yun :lol:

    Yun lang ba trabaho ng colonel? Mag bantay ng traffic? :question:
    sure ako na hindi sya ang hepe ng PNP dito sa antipolo. at lalong hindi station commander dito sa amin. baka provincial command tapos sinermunan at pinag trapik. dami sya bataan na kasama. pati mga yun hindi ko kilala. even yung mga naka uniporme sa dulo.

    Quote Originally Posted by city_hunter View Post
    Baka retired(or retarded or both) na yan? Ang yabang kung umasta eh (O floating kasi wala siyang makuhang posisyon). Daming freetime ng taong iyan kung pati sa kalye nanggugulo pa. Colonel kuno siya pero nasa kalye? Parang pipitsuging opisyal lang yan.

    Bayaan mo na yan. Iyan yung mga taong umabot sa rank na yan lumaki na ang ulo.

    Mukhang matanda na ba? Baka naging colonel noong magretire yan. Walang kwenta yan kung retired na. Wag mo nang pansinin.
    mukhang di pa naman ganun ka tanda sir. super yabang talaga. nakakapanglumo na isipin na kung sino pa opisyal e sya pa ganun.

  6. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    191
    #6
    Floating yan sigurado. Yung mga tipong ayaw bigyan ng posisyon kasi di mapagkakatiwalaan (hindi malakas sa mga mas nakakataas sa kanya o ayaw sa ugali nya o bobo lang talaga o lahat ng ito). Kung yan ang inaatupag niya siguradong walang assignment yan. Yan yung mga tipong sinusuka ng militar o pulisya. Napopromote kasi napag-iiwanan na(napipilitan lang silang ipromote kasi matanda na).

    56 ang retirement ng mga opisyal kaya kahit mukhang bata baka retired na yan. Parang walang ginagawa kundi sa kalye lang.

    Inis din ako sa mga yan eh. Yung mga taong ginagamit posisyon sa kalokohan. Pero yan yung mga walang kwenta na opisyal.

    Hintayin mong magretire, babalik sa kanya lahat yan.

  7. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    6,099
    #7
    colonel ba? baka naman colonel burger, mascot ng kfc

  8. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    172
    #8
    hhmm.. me naisip ako. maraming bataan? ilang pulis ba kelangan para mag-ayos ng trapik? sana kinunan mo ng video tapos padala mo kay tulfo.

  9. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    832
    #9
    Sir Lex na-extend yata yung sipag nyo, pati si Colonel nilampaso n'yo hahaha

  10. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #10

    Bro LexTer (with a BigT),- ingat ka lang.... Ang puso mo.... ang puso mo....

    Kabado sigurong magasgas ang kanyang bagong(?) sasakyan.... O baka ebak na ebak na e trapik...

    5606:jazzysax:


Page 1 of 5 12345 LastLast
Sino lumabas na nakakahiya sa amin?