New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 12 FirstFirst 12345678 ... LastLast
Results 31 to 40 of 113
  1. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    611
    #31
    pumila ako sa cashier para magbayad ng mga pinamili ko. yung lalakeng nasa harapan ko, walang cart, basket or any grocery items na dala pero nakapila sya kaya nagtaka naman ako baket sya nandun. so tinanong ko siya:

    me: boss, nakapila po ba kayo?
    guy: oo baket?
    me: e nasaan po yung mga pinamili nyo?
    guy: paparating na

    WTF? pati pala pila sa cashier e nirereserve na ngayon? sa inis ko e lumipat na lang ako ng pila at baka kung ano pa masamang masabi ko dun sa lalake. eto ang matindi. umabot sya sa cashier na nde pa dumadating yung mga grocery items nya

    sorry for the rant...
    eto po ang aking opinion: ok lang syang pumila, right nya yun, pero pag turn ko na, sorry sya, i have the right to palce my groceries to the cashier. and kailangan na nyang tumabi... hindi naman po sa nabastos ko sya, but right ko yun bilang isang mamimili, hindi ko inaalis ang right nya, kaya po ako pumayag na pumila sya. now kung abutan na ng turn nya, at 2 or more than carts ang dala nya. siguro meron syang konsensya at konting kahihiyan. sa lahat ng nakapila

  2. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    2,053
    #32
    How about this naman:

    Two of you fall in line at different queues. Tapos, when one of you reaches the cashier first, the other one leaves the queue and merges his/her stuff with yours.

  3. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    360
    #33
    If nakapila na walang dala cart ok lang baka isang item lang at hawak nya lang, if may dumating na kasama na konti lang ang dala pweding palampasin.. but pag dating ehh 3 cart ang dala ibang klase na yan he has to go to the end of the que.. Im sure maraming mag protesta sa mga naka pila and isa na ako dun.

  4. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    699
    #34
    Quote Originally Posted by weremanok View Post
    i guess it's an eye opener for me to see that there are people who sees nothing wrong with this naalala ko tuloy yung enlistment period sa up. walang reserve-reserve. kung gusto mong matapos ng maaga at makuha mga subjects na gusto mo, pumunta ka ng 4am para siguradong ikaw ang nasa unahan ng pila, minsan nde pa nga hehehe. taong may death wish lang ang magtatangkang sumingit sa pila during enlistment period :D
    OT: hahaha mga galing UP ang makaka-relate sa iyo sa ganyang example. lalo na yung mga galing diliman. pero nung panahon namin meron nang "priority list." yung mga maaga sa enlistment, gumagawa ng "priority list' para malaman talaga sino ang uunahin. ang problema, kanya kanyang gawa ng priority list. may kakilala ako, 5 minutes before buksan ang registration, nang walang nakatingin, pinagpupunit ang mga priority lists tapos gumawa siya ng sarili niya. ginawa niyang no 3 ang pangalan niya sa listahan para hindi halata. ayun lusot ang kumag haha

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,068
    #35
    Quote Originally Posted by v6dreamer View Post
    Sa U.S embassy ang daming raket na ganyan. Pumipila sila para ibinta doon sa mga taong may appoinment sa loob. Sa haba kasi ng pila at para hindi ma late sa appoinment mo babayaran mo yong tao na malapit na sa gate.
    your talking about the old system wherein it was first come first serve, by appointments na po ngayon sa US embassy

  6. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    728
    #36
    imho, it's ok to do that, if you don't care about other people.

    i think it's how you value respect. it's same as with the parking lot people who stand in the slot and wait for their car to come in.

    i call this a shortcut.

    we're a land of shortcuts. that's the problem.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,075
    #37
    Alam mo diskarte naman lang ito, just because pwede nya gawin dahil may kasama sya. Similar to the diskarte na dalawa ang queue at dalawa sila sabay pumila. Unahan na lang umabot sa cashier. All just to save time.

    Point is, it is his right to fall in line there, with or without goods. No ifs or buts about it. Another point is, di naman sya namemerwisyo dahil mas nauna pa rin sya pumila kaysa sa iyo. So isipin mo lang na may goods sya, ganoon rin.

    Now kung umabot sa kahera wala pa syang gamit, nasira na diskarte nya at magiging perwisyo na sya sa mga nasa likod. He has to give way na. Again, no ifs or buts there. If I was the guy, pipila ulit ako all the way sa likod at hindi ko pa pipilitin na mauuna ako. Sira na nga diskarte mo, pipilitan mo pa ba? Of course, there are some considerations if you plan to do this, such as nga na dapat konti lang bibili mo at hindi tatlong carts na isisingit mo.

    I don't think that this is parallel to the diskarte sa parking na may nakatayo sa parking slot na libre na hinihintay dumating ang kotse, dahil matinding perwisyo ito talaga sa mga iba. Parking slot ay para sa kotse at hinde sa tao. Kahera, ang pumila doon tao.

    Be aware of your rights but be considerate of others. Opinion ko lang po.

  8. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #38
    Quote Originally Posted by ess View Post
    How about this naman:

    Two of you fall in line at different queues. Tapos, when one of you reaches the cashier first, the other one leaves the queue and merges his/her stuff with yours.
    may gumawa nya kasabay ko pa sa Hongkong Airport sa immigration.

    yun nanay pumila sa isa, tapos yun anak nya na dalawang babae sa kabila.

    noon bumilis ang linya ng isa, lipat si nanay tapos tinawag si tatay si tita saka mga anak nya

    nagalit yun dalawang mukang Arabo, as in kinalabit pa yun nanay at pinagsabihan. pero wala sila nagawa, ang taray nun nanay


    nakakahiya nga asal ng pamilya na yun.

  9. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    315
    #39
    Kaya mayroong basket lane/10 items or under cashiers, para ito sa mga taong konti ang dala.

    Kaya mayroong cart lanes, para ito sa mga taong maraming kinuhang items gamit ang mga gorcery carts.

    Ang lanes na ito ay para lamang sa mga taong may kinuhang items. No ifs or buts, kung wala kang dala, you have no business whatsoever being in either of those lanes. Pumila lamang kapag meron ka nang kinuha.

  10. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #40
    Hehe ok lang naman yan. Sa Unimart ganyan lagi nangyayari, pero pag wala pa ung kasama, tumatabi at umaalis na sa pila. Ako din ganyan, pero ang difference, nakapila na ko with the cart pero wala pa yung tagabayad (mommy ko hehehehehe). Minsan ok din, you get to talk to some people -- ok kasi mga chics na naggrocery sa Unimart, be it a girl or a single mom. Kaya ako, before palang i-punch in ung items ng nasa harap na ko, tawagan ko na mom ko para bilisan nya kumuha ng iba pang items.

Page 4 of 12 FirstFirst 12345678 ... LastLast
pila sa cashier