New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 52 of 65 FirstFirst ... 24248495051525354555662 ... LastLast
Results 511 to 520 of 646
  1. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    57
    #511
    I have this experience. One time may pupuntahan kami event ni GF para sa zumba class niya. Upon our way sabi ni gf daan daw muna kami sa studio kasi may kukunin siya. So pagdating namin I waited in the car habang pumasok sa studio si gf. Pag balik ni gf sabi sasabay daw yung mga kasama nia. So okay lang naman sakin kaya we waited for a while, Pag labas nila 4 pala yung sasabay at ang laki pa nung dalawang babae (as in sobrang taba). Pinagkasya sila dun sa likod. Sa isip isip ko kawawa kotse ko sa mga toh given na mid size sedan lang naman yun. So nung paatras na ako eh mejo inclined yung parking, biglang sumayad yung likuran ko talagang tumunog ng malakas.

    After nun nung nasa highway na kami ang ingay pa nila magkwentuhan at tawanan sa likod. Ako tahimik lang. Si GF naman mejo nakikipag kwentuhan pa sakanila. Ayun pagdating namain sa event at pagkababa nila nakahalata na si GF na badtrip ako at muntik pa kami mag away.
    Kaya sabi ko nalang hindi na makaka ulit yung mga taong toh. Halos bumigay kotse ko sakanila eh

  2. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    505
    #512
    may ganito palang thread. hehe

    i have two experiences, una yung relative nakisuyo magpasabay ng tandang (rooster) nung pauwi kami to manila. okay lang kahit loaded na kami, magaan lang naman yung manok tsaka behave sa byahe. di nagtiktilaok hehe. kala namin patay na.

    second umattend ng bday party. yung bayaw ko nakisuyong isabay yung preschoolers nyang pamangkins (5 ata yun) on the 10-seater AUV, since 4 lang kami ng ate ko with her kids okay lang sakin. yung ate ko ayaw, sabihin ko daw sira yung rear jumpseats. eh mga bata naman kawawa tanghaling tapat tirik ang araw. pagdating sa destination i swore ill never let those rascals in the vehicle im driving ever again. kala ata nasa playground, lahat ng pwede kalikutin dudukutin kahit sa ilalim ng upuan.

  3. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    505
    #513
    buti sa office namin walang voluntary nakikisabay. tsismis only goes like "uy naka-kotse ka pala ha, yaman!"

    anyway, we have this ambulance driver though (which btw drives his own bestseller ladder-frame SUV to work, go figure) who voluntarily invited me for a ride home since my drop-off point is along the way to his destination. dahil past 10PM na nun kahit nakakahiya eh sumabay na ko. onting kwentuhan lang, di kasi kami close tapos dalawa lang kaming sakay. nung bababa na ko medyo nilayuan nya ng 50 meters or so dun sa medyo madilim na portion ng q.ave, baka daw kasi sitahin kami ng pulis...




    ...ambulance kasi gamit namin.

    okay na rin yung ganun, nakakahiya sa mga commuters baka isipin nila ginawa kong personal vehicle yung government vehicle.

    --------------------------------

    then there's this officemate. nung after office may pupuntahan kaming event ang sinabi nya walang gas yung SUV niya (gas-fed talaga). ginawa namin nag-tricycle kami with him papunta sa venue. dumaan lang naman ng sta mesa, araneta ave at 2 more major highways yung trike. di ko alam kung tinatamad lang siya dahil traffic o la talaga pang-gas. pero bilib din ako sa kanya, wala kasi sa itsura niya yung sumakay ng public transpo. okay din yung ganun, maiba naman ng roadtrip. hahaha

  4. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    186
    #514
    Sa office 2 or 3 tao ang laging sumasabay sa akin pauwi. Matindi yung 1, gusto ibaba siya mismo sa pinakamalapit sa inuuwian niya, mas mapapabilis ang byahe ko kung sa bridge ang daan ko, gusto e palagi dun sa baba na super traffic.

    Minsan naman 1 or 2 hrs earlier ang out ko, aba e gusto pa e hintayin ko, ang matindi pa hindi siya sure kung anong oras siya magout.

  5. Join Date
    Jul 2013
    Posts
    593
    #515
    nung student ako lagi ganito, dami nakikisabay HAHA

    pero nun nagka-gf na ako hindi na sila makasabay dahil mataray si GF :D
    gusto nya siya lang sakay ko

  6. Join Date
    Feb 2014
    Posts
    133
    #516
    ahaha nakakarelate ako,, minsan ang hirap tumanggi sa mga nakikisakay akala yung sasakyan aandar sa pagkakaibigan,, sabi ko ang kotse kinakargahan ng gas para umandar hindi pweding puru friendship lang,, tawanan mga barkada ko pero game naman sila lalo na malayo ang lakaran namin yun nga lang ako magdudusa mag long drive habang sila ay masarap ang upo minsan makatulog pa,, yung isa kasi hindi marunong mag drive ng m/t, at ayaw din niya ng malayuan na byahe, natatakot daw, ako naman inip sa pagmamaneho nia kaya walang choice kundi ipagdrive silanh lahat



  7. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    505
    #517
    ............
    Last edited by nori; April 13th, 2014 at 01:45 PM. Reason: double post

  8. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    505
    #518
    i remember earlier this year lang, may night out si gf with her officemates at dahil di ako kasama nagcommute lang ako to work. i suddenly get a last minute invitation from her friends, meet and greet ata so sumunod ako sa venue. yung isang officemate niya dala rin pala bf so dalawa kaming guest bf but only he brought a car. 7 kami total, nung uwian nagtanungan na kung saan ang way ng bawat isa. her bf was kind enough to drop us off about 5 blocks away or so. ang siste subcompact ang kotse nya. awang awa ako sa kotse niya, pag may humps pinagdadasal kong wag sumayad. tsk tsk.

    -------------------------------

    eto naman barkada. si tropa nakabili ng brand new subcompact entry level hatch, nung nag road trip kami tinaga nya yung isa naming tropa sa gas, 500 ata hiningi niya for a 30km roadtrip. etong isa naman walang alam sa gas mileage so nung sinabi ko at most dapat 250 lang yun (40+ lang gas that time). sa inis niya ginantihan yung may tsikot, kinayod ng house keys yung hood ng auto. hehehe although sanay kaming mag-g*guhan eh ibang level yung ginawa niya. asar talo yung may auto, di na nakaulit makasakay sa kotse niya yung yumari ng hood niya. may hangin rin naman kasi sa katawan yung may-ari ng auto, ingatan daw yung pag apak sa floormats baka daw magasgas. i checked, rubber mats naman. dahil nung sinakay ko sila before and after that incident behave naman sila sa backseat.
    Last edited by nori; April 13th, 2014 at 01:51 PM. Reason: grammar

  9. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    1,465
    #519
    kaya ako pag may events, gathering , etc. kinakabahan ako pag uwian na. ang diskarte ko na lang is nagpapahuli na lang ako. ang mahirap na lang kung talagang inaantay ka, at nakaplano na sila na sasabay sayo.

    kagabi galing kami antipolo outing kasi ng team, summer eh. huli ako dumating so safe walang sumabay, at may nakita ako na dalawang urvan, nag rent sila (kala ko ok na kasya) 40+ kami. at nung pauwi na may tatlong hindi kasya, so no choice ako baka sabihin anong klaseng TL naman ako, ayun sumabay sila, ang tarik at liblib pa naman ng lugar puro lubak at inclined tlaga talaga ung lugar, naging pang off road ung kotse ko at ung mag jowa na sumabay sa likod, magkayakap na tulog pa,

  10. Join Date
    Feb 2014
    Posts
    133
    #520
    naexperience kong lahat yan sa work ko dahil 3 lang kami may sasakyan ang nangyayare nakikisabay pag labasan minsan magiiwan ng kalat o buhangin pa sa loob minsan naman ipipilit kahit hindi na kasya. i remember 2 days old pa lang ang kotse ko gusto ba naman makikisaky daw pinapakiusap kung pwede 4 sa likod. sabi ko bigyan ko na lang sila ng pamasahe,, di bale sana kung close friends mo eh. kaso hindi,, pag di mo napagbigyan ikaw pa madamot, pero ke sehodang tawagin akong madamot,hindi naman sila magpapagawa pag may nasira alam lang nila makisakay.bwisit na bwisit ako sa mga katrabaho kong puro orocan lahat



Tags for this Thread

pasabay naman hanggang kanto lang