sa akin kahapon lang galing kami ng libingan sa balintawak so lalabas ako ng bonifacio kaso nag text sis-in-law ko na yung anak ko daw eh hinahanap kami kasi doon sa kabilang sasakyan sumakay kaya ayun nag hazzard ako sa gilid papuntang bonifacio habang unti unti unaamandar kaso di ko napansin na yung area na ginapangan ko eh para sa mga kakanan papuntang monumento eh di ginawa ko nag signal ako para mapunta ako sa left kaso may nakita akong enforcer at pinara ako.

syempre paliwanag ko ng una eh yun nga yung anak ko gusto lumipat sa amin at tinuro ko yung isang sasakyan nga kaso pinag pilitan na swerving nga daw ako kaya ayun binigay ko nalang license ko para wala na talo sabi ko cge ikaw na bahala.

pagkatapos matingnan license ko sabay tanong kaano ano ko daw si annie susano eh di sabi ko hindi ko kamag anak at tiketan nalang nya ako.

pero ayun sinoli nalang sabay sabi na next time ingat nalang :D

eh di thank you nalang ako sa kanya :P