New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 9 of 9 FirstFirst ... 56789
Results 81 to 86 of 86
  1. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    247
    #81
    ok thanks =) malinaw na saken ang lahat. sana same applies to pedestrians crossing the street na nakaplug ang mp3 players or nagt-text at wala sa tamang tawiran

    judoman, nagp-public apology. di na mauulit. *saludo

  2. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    71
    #82
    that is a different scenario. yung mga tumatawid kasi, kahit mali sila, "right to life" and mangingibabaw kaya hindi pwede basta basta sagasaan. yung mga may sasakyan kapag nagkabungguan, mahaba pang usapan yan. sa case ng halimbawang head-on ng nagovertake at SUV, kailangang patunayan na sinadya ng SUV na sumalubong. pero dahil nasa tulay kayo at may double yellow line, tapos convoy pa yung inovertakan, tapos sumunod ka pa sa nagovertake, tapos sa dulo ng tulay e crossing.... e malamang kesa sa alabang. siguro lusot kayo kung coding yung SUV, walang license, di nakarehistro, lasing, me kargang bakal o droga...madami pa possibilities

  3. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    935
    #83
    *TS: tanong ko lang, ilang taon ka na ba nagmamaneho? Kasi sa tingin ko yung mali ay nagiging tama para sau eh. Yang attitude mo kasi ang nakikita ko sa mga baguhang nagmamaneho ngayon yung tipong kahit mali na ay ipipilit pa rin na tama dahil iyan ang ginagawa ng nakakarami sa ngayon. Naiintindihan naman kita kung nagiging tama sa iyo ang mga maling paraan ng pagmamaneho sa kalsada dahil sa panahon ngayon halos lahat ng nagmamaneho ay puro sablay na, syempre sila yung mga magiging halimbawa mo at iisipin mong tama db. Sa totoo lang dapat hindi ka na nagtatanong tungkol sa ganyan kasi napakalinaw naman na kapag sinabing no overtaking sa isang kalsada/portion ng kalsada eh no overtaking dapat talaga dito. Tsaka yung paraan ng pag-iisip mo na dapat ay mag-yield sa iyo yung opposite lane dahil umobertake ka ay isa pang pag-iisip na dapat mong baguhin. Tapos bumuntot ka pa sa swift(tama ba?) nakita mo na nga na hindi clear yung kalsada eh sinundan mo pa at umobertake pa.

  4. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    188
    #84
    Judoman: I'm not a lawyer but legally, liability-wise, I would think that the SUV CAN be held liable if it were proven without doubt that it was his intention to cause the accident. Pero proving that IS VERY DIFFICULT (lalu na if he's found to be mentally stable and not under the influence at that time).

    Kahit may witnesses pa kayo. He could always say he avoided a cat or something that caused him to change lanes. If the accident happened and you cannot prove without doubt that he did it intentionally. You will be held liable for the accident in the eyes of the law because of the violation that you did.

    Sa mga pedestrians naman, kahit na jaywalking ang tao, if you hit a person, hassle sobra yan, intentionally or not. Kahit mali nila, it's a right to life.

    You can't leave the scene of the accident. Dadalhin mo pa yan sa hospital, then syempre dun na sisimula ang sakit ng ulo mo kasi even if it was their fault in the first place, kotse ka parin and you could've stepped on the brakes to stop the car. Mahabang process yan of proving it again (because main argument is that you could stop the car anytime, and ang argument mo naman is that you couldn't stop it on time), kaya baka in the end ikaw parin ang may kasalanan even if you hit a person that is jaywalking.

  5. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #85
    blame game na naman..... Sa totoo lang ang may kasalanan dyan eh yun LTO.... bakit binibigyan ng lisensya ang mga ganyang drivers.... simpleng lane markings hindi alam ang ibig sabihin....

  6. Join Date
    May 2007
    Posts
    27
    #86
    Quote Originally Posted by roninblade View Post
    good one dude. this made me laugh.
    Meron ding matapang kahit mali na sya, takutan baga...., ewan ko ba, malimit, ang maling ginawa ng matanda na nakalusot ay nagiging tama sa mata ng bata.....commercial ito noon.....nakatagpo ako nyan, salita ng salita naghanap pa ng kadamay, tahimik lang ako, pagdating ng patrol saka ako nagpaliwanag, tapos ang usapan...........legal baga...

Page 9 of 9 FirstFirst ... 56789
Old SUV na sinasalubong ang mga nag-oovertake