New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 21 to 30 of 37
  1. Join Date
    May 2007
    Posts
    27
    #21
    Makikisagot na po.
    FIRST: Pag pinasok yan sa insurance, kailangan ng Police report, doon nakasaad ang nangyari. Sa blotter rin makikita ito, doon din mababasa ang pinag-usapan ng 2 panig: like; sasagutin ba ang deductible or participation ( 3.5k), nakasaad din kung ang ibang gastos ( 6.5k) kung sa bawat insurance na ninyo ang mag-uusap o wala na syang hahabulin pa sa iyo matapos mong magbayad ng deductible.
    SECOND: Puwedeng magbayad ng deductible, automatic sya ang maglalakad nyan sa insurance nya. Advantage nito ay ang mabilis na pag-process ng documents at pag-repair. Puwede rin namang di ka magbayad ng deductible at insurance nyo na ang mag-uusap pero dis-advantage yun sa nabangga mo dahil maraming kuwento at follow-up syang gagawin bago magawa ang car nya.
    THIRD: Karapatan ng nabangga mo na maghanap ng gusto niyang talyer maliban sa casa or accredited shop ng insurance na papasukan nyan kasi sya naman ang nagpasok sa insurance, depende kung papayag yung insurance nya. Kung nagbayad ka na ng deductible, siya na ang magpapasok sa insurance nya at insurance to insurance ang mag-uusap.
    FOURTH: Depende sa type ng insurance policy, comprehensive o TPL lang, sa pag-rerepair, pag may pinalitan, hahabulin yung gastos ng insurance nya sa insurance mo. Pag walang pinalitan, ok lang.
    FIFTH: Huwag naman sanang maliitin ang KIA PRIDE, mahal din yun ng may-ari.
    and SIXTH: Kahit na Kia Pride pa yan, pag dinala yan sa repair shop, ang ni-repair ay dapat parang bago ang quality, you pay for quality, hindi purkit Kia pride lang yan ay puwede na yan, puwede na ito.
    Please put yourselves in his feet.
    PS: Depende talaga yan sa usapan, walang kulang, walang sobra at kung ikaw ang nakabangga, makiusap ka at magpakumbaba, lahat ay mapag-uusapan ng maayos.
    PEACE PO.

  2. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    630
    #22
    I get your point sir mbenz! Lalo na po yung sa wag maliitin ang kia pride, at kapag papalitan yun bumper at yung signal light, dapat naman po talaga good quality (kahit na fade pa ito), kasi ang mangyayari po parang consequence na sa nakabangga yun, at hirap naman ata pag mag hahanap pa ng faded signal lights.

    For the TS. Just be responsible next time, ok na yung pa-ikot ikot tayo sa manibela para mag park, kaysa naman sa mamali yung tancha natin di ba?

  3. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    204
    #23
    bat kapa magpa-comprehensive insurance kung sa 10k babayaran lang nila 3,5k??? gusto kapa pagkakitaan nung kia owner at that price... be realistic!

  4. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    2,341
    #24
    may question lang po ako:

    if both signal lights are faded, but since you only break one. diba dapat isa lang ang papalitan mo kase yun lang naman ang nasira mo? seems unfair kung pati yung isa na hindi mu nasira papapalitan ng may-ari dahil sa faded na iyon.

    and about sa bumper, total wreck ba? unrepairable na ba? common sense ko lang huh. kahit wala kang karapatan mag-demand dahil kasalanan mo, diba dapat kung kaya pa irepair, repair lang gagawin ng talyer na yon?

    my impression about the story of TS is, may mga hidden agenda yung may-ari. since may magshou-shoulder ng gastos(si TS at ang kanyang insurance), e papapalitan na niya yung bumper(its old but i think repairable) and the unbroken signal light(hindi nasira ni TS). and parang gusto pang perahan since pinababayaran pa yung 6.5k.

    my two cents

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,084
    #25
    Quote Originally Posted by mbenz204 View Post
    Makikisagot na po.
    FIRST: Pag pinasok yan sa insurance, kailangan ng Police report, doon nakasaad ang nangyari. Sa blotter rin makikita ito, doon din mababasa ang pinag-usapan ng 2 panig: like; sasagutin ba ang deductible or participation ( 3.5k), nakasaad din kung ang ibang gastos ( 6.5k) kung sa bawat insurance na ninyo ang mag-uusap o wala na syang hahabulin pa sa iyo matapos mong magbayad ng deductible.
    SECOND: Puwedeng magbayad ng deductible, automatic sya ang maglalakad nyan sa insurance nya. Advantage nito ay ang mabilis na pag-process ng documents at pag-repair. Puwede rin namang di ka magbayad ng deductible at insurance nyo na ang mag-uusap pero dis-advantage yun sa nabangga mo dahil maraming kuwento at follow-up syang gagawin bago magawa ang car nya.
    THIRD: Karapatan ng nabangga mo na maghanap ng gusto niyang talyer maliban sa casa or accredited shop ng insurance na papasukan nyan kasi sya naman ang nagpasok sa insurance, depende kung papayag yung insurance nya. Kung nagbayad ka na ng deductible, siya na ang magpapasok sa insurance nya at insurance to insurance ang mag-uusap.
    FOURTH: Depende sa type ng insurance policy, comprehensive o TPL lang, sa pag-rerepair, pag may pinalitan, hahabulin yung gastos ng insurance nya sa insurance mo. Pag walang pinalitan, ok lang.
    FIFTH: Huwag naman sanang maliitin ang KIA PRIDE, mahal din yun ng may-ari.
    and SIXTH: Kahit na Kia Pride pa yan, pag dinala yan sa repair shop, ang ni-repair ay dapat parang bago ang quality, you pay for quality, hindi purkit Kia pride lang yan ay puwede na yan, puwede na ito.
    Please put yourselves in his feet.
    PS: Depende talaga yan sa usapan, walang kulang, walang sobra at kung ikaw ang nakabangga, makiusap ka at magpakumbaba, lahat ay mapag-uusapan ng maayos.

    PEACE PO.
    wala naman nagmamaliit sa Kia Pride pero over charging ginagawa ng owner taking advantage of the situation when I said for 10k pwede ng makabili ng buong Kia Pride it's just to drive a point na over estimate yun ginawa ng nabangga ng TS.

    2.5k-3k lang naman per panel with painting ang minor repairs then magkano lang ba ang isang tailight Kia Pride?

    *TS, huwag mo na kausapin yun nabangga mo, yes it was your fault aminado ka naman and you're willing to settle it, so ginawa mo naman ang part mo pinasok mo na sa insurance mo at bahala na sila magusap.

    yun namana ng tamang process eh, you have a comprehensive insurance so sila na bahala makipagusap sa nabangga mo.

    pag tumawag saiyo sabhin mo insurance mo na lang ang kausapin niya.

  6. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    121
    #26
    Just replace the parts with surplus items, kasi more than five years naman yung kia. Baka quotation nila brand new items?

  7. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    89
    #27
    overpriced po yang estimate na yan! grabe naman.. magkano lang ang replacement na tail light ng kia pride! punta ka sa BANAWE mga 350-500 pesos lang yan 1 piece. yung bangga naman, eto lang masasabi ko - nabangga yung Corolla ko 3 days ago sa bumper. as in lubog. dinala ko sa paborito kong talyer at inayos nila. 3,000 asking kasama repaint pero natawaran ko ng 2,500. so 2,500 + 500 = 3,000 total. yan ang tamang estimate. ngayon kung walang pintura ang bumber na binangga mo, ipa-pukpok mo lang yan mas mura pa. pag hindi satisfied ang owner, ipa-repaint mo.

  8. Join Date
    May 2007
    Posts
    27
    #28
    Dear All, good morning again.
    Siguro, talagang nagkalabuan sila sa usapan, kasi kung maayos ang usapan sa umpisa, wala nang habulan, added opinions:
    FIRST: Masyadong mataas ang deductible nyan, halimbawa kung ang existing insurance ng Kia Pride ay 150,000 ( tama ba yan? ), then nasa mga 800 - 1,000 pesos lang ang deductible nyan. Yung sinasabing 3.5K na deductible, pang mga 750,000 price na yan, kasi normally ( paki check nyo ang mga policy nyo mga sirs ), deductible is 0.5 - 1% of the insured amount, mas mataas kung mga luxury cars and suvs.
    SECOND: Papalitan lang ang tail light na nasira, hindi puwedeng pareho, charge na sa kanya yun kung gusto nyang pantayin, kahit itanong pa nya yan sa insurance ( kaya nga dapat may pictures ang TS ng mga damages ).
    THIRD: Yes, sa tingin ko medyo mahal yung assessment ng damage ( pero di naman natin nakikita ang pictures di ba? ).
    FOURTH: Charge to experience na lang. PEACE TO ALL.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,084
    #29
    ^hinde mo rin naintidihan...

    walang deductible na pinaguusapan dito...hinde rin insurance ng Kia Pride and magbabayad insurance ng TS.

  10. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #30
    yan lang talaga ang consequence pag nakabangga ka.
    *yung ride ko na nasagi ng balasubas na kokakola sa likuran, isang bagong oem tail light lang yung ikinabit. wala ring problema sakin kung surplus basta maayos at gumagana at kamukha rin nung nasira. mahirap mag malabis.

    ***uy may mga nasasaktan dahil sa "PRIDE"!

Page 3 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
A newbie that needs your advice on swipe accident...