New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 12 FirstFirst 12345678 ... LastLast
Results 31 to 40 of 111
  1. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    1,540
    #31
    mugen good thing your safe na! buti na lang hindi ka lumaban! God bless na lang sa lahat ng tsikoteers!

  2. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    653
    #32
    sir mugen, sorry din sa revo mo..ganyan lang ang buhay lalo na sa atin..expect the unexpected..kung dumating 'yan only HIM knows..wala tayong complete control..importante you are ok though the trauma will last for awhile..insured naman ang revo either you get a replacement or the money's worth..baka pag complete ang documents 1 month kaya..?!

    hmmm..kalentong-shaw..mataong lugar 'yan but it happened mga 11pm narin..kanto ng vargas st? saan ba'ng addition hills..?! right side if going to st mesa? part na ng san juan..?!

    keep you mind rested for now..ok 'yang rural settings..

  3. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #33
    kapag sakin nangyari un..iiyak na lang ako..waaahh


    well, still glad to hear your okay..!! inum na lang natin yan!!

  4. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    4,241
    #34
    Ungas - 90days fafa.... oo nga eh may pandagdag na ako... kailanangan pwedeng pambanggaan para ayus....

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #35
    Have you seen the latest scratches from my bumpers?

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    816
    #36
    take it easy bro.. at least your safe

  7. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,140
    #37
    Ingat na lang pre ulit sa susunod... although kahit ako wala na din sigurong magagawa kung naipasok na nila ako sa kotse. Pero we can lessen or avoid chances on experiencing that by way of being alert always when you're driving, keep your peripheral vision always on and be paranoid sa mga car na dumidikit o sumusunod sayo. Its better to have that kind of mental alertness during that kind of condition. But nonotheless, the best thing na nagawa mo is to keep your presence of mind and coolness... biruin mo nakipagkwentuhan ka pa pala!!! hehe..... :D God Bless You!!

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,614
    #38
    ewan ko lang ha... pero siguro kahit naka ARB or TJM bullbar ka at binangga mo yung kotse, baka paputukan ka ng mga yon ng M16 (at ijustify na police operation yon as stated above)...

    haaaay buhay sa pilipinas

  9. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4
    #39
    mga bro,
    di ko na sana idadagdag sa thread na 'to pero para na rin malaman nang marami at makapag ingat.
    Marami talaga ngayon ganyan kaya ingat na lang.


    Nangyari rin sa 'min similar kay Mugen,siguro isang grupo lang ito o kundi ay magkapareho ng modus.
    Sa kin,white Mitsubishi adventure naman '02.

    Nung Feb 15,umuwi ako from HK,at nagpasundo sa utol ko sa Centinneal Airport.Siguro mga 8:00pm,nasa immigration pa ako ay tumawag ako sa utol ko sabi nasa CCP palang daw kaya sabi ko hwag nang magparking at dumeretso na sa loob.

    medyo na delay ako ng paglabas kaya naka tatlong ikot na pala sya .Nang mareceive ko text nya,malapit na akong lumabas sa gate na hintayan.Nun time na yon,may nangyari na pala pagbaba nya mismo ng Centennial para umikot ulit.huminto muna sya diyan sa may side ng Nayon Pilipino at nag text sa 'kin,mga 200 meters away lang sa check point na papasok ng Centennial.

    Biglang bigla na may 6 na naka uniform pulis tumawid bigla galing sa kabilang side (papasok ng airport) at sinita utol ko.
    Naka uniporme kaya kinausap naman ng utol ko pero sabi medyo kinabahan na talaga sya that time.
    Biglang sabi ng isa na sa kanya na meron daw nag inform sa kanila sa (me dala rin 2 -way radio) na naka ilang ikot na raw sya at sino ba susunduin.
    Yun lang at mabilis na binuksan na pinto sa driver seat at yon lima umikot na sa likod pumasok na rin .
    Pareho kay Mugen,siniksik muna sya sa gitna ng front seat tapos nung nakuha na manibela tinulak sya gitna.
    pinayuko sya at pinatalukbong ang ang shirt nya.
    Nung tumakbo na,sabi rin sa kanya di sya sasaktan basta wag na lumaban.Hihiramin lang daw sasakyan at ibabalik rin after three days.
    Me sinabi pa sa kanya na tunkol sa goyerno na kaya raw nila ginagawa ito dahil me mga pangako daw si pres Gloria na di tinupad etc.etc.

    Sa madaling sabi,ibinaba rin nila utol ko pero dyan naman sa isang parte saTondo(di ko maalala exact place)sabi rin wag na magtangka sumunod.
    nareport rin kaagad at na feature pa nga sa Channel 7 ang interviw sa utol ko that evening.

    Next morning,me nagsama sa amin Fort Bonifacio para na ri ireport at inimbitahan ang airport police para ipa identify sa utol ko kung makikilala na kasama sa anim na abductors nya.Wala naman.

    So dahil naka insured naman yun sasakyan,hintay na lang kami para mapalitan,
    after 3 days,me tumawag sa min from Navotas police at na recover daw sasakyan namin.Di kami sure kung ano ba talaga ,baka kasi eto rin yung dumale sa kapatid ko at kunwari papapuntahin kami sa station.

    So,nagsama kami ng kapitbahay namin na pulis rin w/c so happen na kilala rin Nang station commander (navotas police).

    Walang nasira sa sasakyan maliban sa nawala stereo at mga tools .
    So back to normal kami pero wala na plaka ng sasakyan kaya lost plate muna kami ng lost plate .


    Eto ngayon,kung nabalitaan nyo tungkol dun sa dumale sa Ford Balintawak,1-2 months after nangyari sa min.
    Next morning after that incident,me tumawag sa min at nakuha ang plate namin nakakabit sa Corolla na ginamit na get away car ng mga pumasok sa Ford Balintawak.

    So ,para na rin maraming maka alam at mag ingat na lang ,sa lahat ng members dito.

  10. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,515
    #40
    titan so di chopchop boys ang nakadali sayo mga holdaper na kailangan ang plaka mo. grabe ............

Page 4 of 12 FirstFirst 12345678 ... LastLast
my car was forcibly taken by highly armed men