New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Results 11 to 15 of 15
  1. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    832
    #11
    This has been reported before on radio, to prevent any vendors beyond the pink line to give some space for pedestrians.

  2. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    1,214
    #12
    > i just read an article regarding this matter Pink Lane sa bangketa



    Habang nakasakay ako sa MRT last week eh may napanasin akong pinturang kulay PINK sa may sidwalk, at dahil kulay pink ito eh naisip ko kaagad na MMDA ang may pakana nito(lam niyo naman!). Akala ko eh puputulan nila ang bangketa para lalo pang lumawak ang kalsada ng EDSA, yun pala eh linya ito kung saan hanggang duon lang ang mga sidewalk vendors, at yung kabilang side eh para naman sa mga maglalakad sa bangketa. (at binigyan pa nila ng espasyo!) Kapag lumampas sila (yung mga nagtitinda) sa guhit na yun eh huhulihin na sila ng mga MMDA. Malamang sa sobrang tigas ng ulo ng mga sidewalk vendors eh ito ang naisip nilang solusyon para pabor ito sa nagtitinda at naglalakad sa bangketa.
    Kung makikita niyo lang ang kalsada sa may BICUTAN market lalo na pag gabi eh grabe ang dami ng tao na naglalakad sa kalsada, paano grabe din naman ang dami ng nagtitinda sa bangketa. Yung mga taong naglalakad naman sa kalsada eh sinakop na ang isang lane para sa sasakyan, hindi mo din naman sila masisi dahil nga may mga nagtitinda sa bangketa. Nunng nakalipas na December eh, dalawang beses ng nagclearing operation ang MMDA dun dahil nga sa mga reklamo ng ibang tao. Nagkadramahan, Nagkainiisan, Nagkapikunan, at Nagkabarilan pa ata. At kahit dalawang beses na silang nag clearing operation duon, ang Good News eh naandun ulit sila!
    Maganda din ang naisip ni Bayani (Kahit Papaano) dahil nga pabor ito sa parehong gagamit ng bangketa. Tingnan na lang natin kung susunod ang mga tao dito sa bagong kalokohan batas ni Bayani.
    Aba dapat lang dahil muntik ng may suntukin si Bayani sa Pasay kahapon! hehehe! Iba talaga tapang ng tao pag alam mong marami kang kasama eh!

  3. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    51
    #13
    MMDA lavander lines - isa na naman pong pakana ni BF para sa mamamayan dito sa kalakhan maynila na masasabi kong meron magandang layunin para matulungan ang mga tao, pero sablay na naman po ata sa IMPLEMENTASYON. Sa las pinas po, casimiro going to evacom meron pong lavander(?) o pink(?) line pero wala lang, kahit na sabihin bawal paradahan meron pa rin pong MATITIGAS ang ulo at di marunong sumunod sa regulasyon, nakakainis lang po, sayang po ang pondo na ginastos.Sana naman po maipatupad ng maayos ang regulasyon so that it will serve its purpose.

  4. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    171
    #14
    Quote Originally Posted by M Eight View Post
    MMDA lavander lines - isa na naman pong pakana ni BF para sa mamamayan dito sa kalakhan maynila na masasabi kong meron magandang layunin para matulungan ang mga tao, pero sablay na naman po ata sa IMPLEMENTASYON. Sa las pinas po, casimiro going to evacom meron pong lavander(?) o pink(?) line pero wala lang, kahit na sabihin bawal paradahan meron pa rin pong MATITIGAS ang ulo at di marunong sumunod sa regulasyon, nakakainis lang po, sayang po ang pondo na ginastos.Sana naman po maipatupad ng maayos ang regulasyon so that it will serve its purpose.


    hintayin nyo muna bago magreklamo, malay nyo, malay lang naman hehe...

  5. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    681
    #15
    dito samen sa magallanes nakapark mga sasakyan ng company namen pero hindi naman tinotow, sabi ng mga mmda officers, ok lang daw kahit lumapas ang bumper nyo sa pink line basta hindi kayo nakaparallel sa pink line o sasakupin nyo yung banketa.

    nagkagulo sa evangelista dati dahil yung truck nung isang hardware store dun eh sakop na yung labas ng pink line eh kaya pinapatow nila yung mga truck. ayun nagkagulo na hehehe

Page 2 of 2 FirstFirst 12