New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 31 to 40 of 41
  1. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #31
    Quote Originally Posted by orly
    Share ko lang po, last monday nahuli kami ni misis sa may kanto ng buendia at makati ave. going to zuellig. Si misis ang driver at nasa unahan kami ng traffic then pina GO ng MAPSA yung mga going to Ayala. Kala ni misis kasama kami so GO din sya at nabigla rin ako at napasigaw ng stop, kaso medyo malapit na kami sa gitna nung huminto sya so nakita kami ng MAPSA at nilapitan kami at sabi itabi raw namin. Lapit sya samin pag katabi namin then hiningi license nya at nakita student permit palang hiningi rin license ko tapos punta ulit sya sa mmotor nyan den balik ulik samin at patawa-tawa medyo nag worry ako kc kala ko expire na license ko. Pag lapit nya samin sabi nya "Sir sige po next time ingat nalang" so nagtaka kami at tanong namin kung bakit? sabi nya "Sir kc po di kami nanghuhuli ng taga MAKATI" ...... tadaaaaann!!! Galeng ah!
    Tanong sakin ni misis kung totoo ba yun sabi ko ewan ko ngayon ko lang narinig hehehehe. sabi ko nalang ala kc sya mapapala sayo dahil student permit ka pa lang hehehe..
    baka naman dahil botante kayo ng makati

  2. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    38
    #32
    For me tamang ireklamo ang mga abusadong ito, king pababayaan lang lalo dadami yang mga yan!

  3. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    68
    #33
    Pepper spray lang yan!

  4. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    104
    #34
    Quote Originally Posted by squala
    Di ba dapat i-override na ni GMA yan? Can't the Supreme Court strip the mayor of police power? Those own rules of Makati are indeed a mockery of the country's motoring system. Why does Binay reserve the right to impose his own traffic fines, which are by the way much more expensive than usual? We're not a federal type of government, you know.
    you're right, why does binay wants to have his own set of traffic rules and regulations, they're just confusing the motorist. maganda na nga yung idea ni Bayani na single ticket for all at no confiscation of license, tapos etong makati ayaw sumunod at makisama.

    ako din one time nabiktima ng mga mapsa, na-tow naman sasakyan ko sa may greenbelt. sa makati kasi may mga lugar dun na no parking between x:xx am - x:xx pm. so ako pagtingin ko ng relo ko, nakita kong pwde ko ng ipark sasakyan ko kasi lagpas na sa oras, nanuod ako ng sine at kumain. aba laki gulat ko pag labas ko wala na sasakyan ko, at naksulat nalng sa sidewalk na iclaim ko daw sasakyan ko sa buendia (yung bagong pulis station ngyon). ang nakalagay sa ticket nagpark daw ako before the allowed time, sabi ko lagpas na nung nagpark ako. ayun nagtalo kami nung personnel sa towing, banda huli la ko magawa, binayaran ko nalang. 1,500 din yun.. grabe ang sakit sa bulsa. may sariling orasan din ata mga mapsa eh...

  5. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    6
    #35
    buwaya talaga yang mga yellow MAPSA na yan.. watch out din yung Paseo corner Buendia andaming nakakalat dyan... nagaabang ng mahuhuli kasi confusing ang go signal dyan eh.. hindi sabay ang "left" ang "go" naiiwan yung deretso ng buendia so yung iba lumiliko without knowing na di na pala left... ayun dudumugin ka dun.. dami nila laging huli... at namimili pa!!.. tapos pag tutubusin mo daming fixers din sa makati and mga MAPSA din!!! nagaantay sa mga parking.... hehehe buhay!!!

  6. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    345
    #36
    well it happens kahit saan naman, basta kung trip ka nilang huliin, maghahanap at maghahanap ng dahilan yun, once pinakita mo na di ka nila madadaan sa sindak, pagbibigyan ka rin... i suggest din kahit paano meron kayong mga ID na media or PNP, kahit pagawa niyo lang, makakatulong din yan...

    nangyari na sa akin yan, isang police na nakamotor mismo ang naghuli sa akin, dahil natamaan ko daw siya slightly thru my side mirror while in the line of duty daw siya (flinag down niya kasi yung isang jeep sa may kanto ng g.araneta cor magsaysay, tapat ng sm sta. mesa to...) biruin mo, nung pag left turn ko from magsaysay going to g. araneta, natamaan ko daw siya... ang labo no? kung mag eexecute tayo ng left turn, eh di ba obvious naman dapat malapit ka sa center island? sabi ko sa kanya, kung tatamaan man kita dun sa lagay na yun, eh di tepok ka na kung truck ang dala ko? grabe sa sobrang pangungulit niya na natamaan ko siya, uminit ang ulo ko sabay tinaas ko na rin ang boses ko... ginigiit nya talaga na tinamaan ko siya, lalo akong deny to the max, kasi sobra na siyang unreasonable, biro mo sagot nya ok lang daw sana siya banggain kung nanggagago daw siya sa kalsada, eh dahil nagtratrabaho siya, hindi ko daw dapat gawin yun... sa isip isip ko, loko pala to eh, naghahanap talaga ng maidilensya, tama ba mag sabi ng ganun? na bad trip ako lalo, at binigay ko na lang yung isang ID ko from TMG, sabi ko ilista niya ang pangalan ko kung gusto niya, at dun tayo sa crame mag usap... ayun, wala rin siyang magawa at binalik ang lisensya ko... buti na lang hindi sa gabi nangyari to, baka pagbabarilan na niya ako :D

    kaya ingat lang tayo, kahit saan naman may mga ganung pangyayari

  7. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,528
    #37
    ...buti na lang night shift ako dito sa makati. pagsikat ng araw, sibat na agad ako.

  8. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    1
    #38
    Mag-ingat sa traffic light dyan sa Ayala cor. Geronimo (first traffic light ng Ayala after buendia, malapit sa makati med parking lot) Nahuli ako dyan last week.

    Akala ko di gumagana yung traffic light kasi Sunday ng hapon at walang gaanong sasakyan sa Makati. Nung malapit na ako sa intersection, biglang umilaw yung dilaw, tapos naging pula! Sira pala yung green na ilaw! Naka-GO pala yun nung patawid ako. E medyo alanganin na kaya di na ako nakahinto. Ayun may wang-wang kaagad, pinara na ako ng MAPSA. Beating the red light daw. P2500 ang multa, tutubusin ang lisensya sa kanilang office, may half-day seminar, at kung ano-ano pang mga magiging abala. Nakipagtalunan ako, sira yung traffic light e! Hanggang sa hinamon akong bumalik daw kami at tingnan ulit kung sira nga ba. Ayoko ngang sumama sa kanila, baka kung ano nanamang violation ang ibibintang sa akin pagdating doon. Ayaw naman nila akong pakawalan kasi unfair daw sa mga iba nilang nahuli. Pinakita pa sa akin yung mga 6 or 8 na lisensyang na confiscate from same violation. Kaya ayun, babaan na lang daw nila sa P2,000 yung multa para di na mag-issue ng ticket at di kukunin yung aking lisensya. Halatang pera lang talaga ang habol! E wala akong pera... P1,500 na lang daw, tapos naging P1,000 hanggang sa umabot sa P500. Ang gagaling nila sa tawaran, halatang sanay na sanay!!! May style pa sila para di halatang inaabot mo yung pera. Ibigay nila sa iyo yung booklet ng ticket tapos iipit mo na lang daw dun yung pera para di halata. ANG KAKAPAL TALAGA NG MGA P#T*NG1+*NG MAPSA NA YAN!! Nakakainis!

    Sana yung mga taong katulad nila ang tina-target ng mga NPA! O kaya magkaroon ng vigilante group kagaya ng Davao na sina-salvage yung mga abusadong pulis at drug pushers!

    Btw, dumaan ulit ako dun kahapon, doon ko lang napansin na dalawa pala traffic light sa street intersection na yun, isa sa left side at isa sa right. Sa right side pala ako nakatingin nung nahuli ako at yun yung may sira. Hanggang kahapon ay sira pa rin! Isang lingo na ang nakalipas pero di pa rin inaayos. Kaya mga fellow Tsikoteers, magingat kayo sa dyan sa milking cow ng mga hinayupak na MAPSA na yan!

  9. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    961
    #39
    Sa tingin ko parte ng collection pupunta kay negro e. I mean, bkt di sya pumayag na di na coconfiscate yun licensya at sa bangko na lang ang bayad. Sa bangko kasi sigurado sa gobyerno pupunta yun pera e, pero pag kinonfiscate, dun kay negro tsaka sa mga yellow boys napupunta yun pera.

  10. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    85
    #40
    mga tsikoteers;

    Isa pang warning. Pag galing kayo ng kalayaan ave from d' fort or c5 going to edsa/pasay, wag na wag kayong magkakamaling mag change lane while going down from the kalayaan-edsa flyover. May mga buwitreng MMDA naman ang nagaabang sa kanto ng buendia and edsa. paparahin ka at kakasuhan ka ng swerving samantalang nagmemerge naman talaga yung lane sa edsa. Ang assumption nila(?), gusto mo mag right turn sa buendia kaya ka nag change lane, bawal na kasi yun.

    Pansin ko tinatarget nila yung babaeng driver o kaya kahit na lalake na may kasamang babae. Lalo na pala pag sunday! Sarap kutusan mga buwitreng kotongnappers.

    Ingat lang mga duds!

Page 4 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Mga Bwitre ng Makati