Quote Originally Posted by jvnj View Post
Sir's,

Same dilemma here. Actually, every time na nababasa ko yung tag line nila lalo lang ako naiinis, parang insulto kasi dating. I think sila din yung gumagawa along Alabang-Zapote road, which is perfectly "Executed" ... Very unsafe, Unstrategic, Inconvenient, Unconsistent, not carefully planned and most of all, very irritating! Sorry but sobra kasi talaga and abala, pati sasakyan mo masisira sa kondisyon ng kalsada. Kahit sa restoration, parang tinapalan lang. Public Roads need careful planning prior actual works (kesyo small or large scale works pa). I don't know kung dumadaan ba ito sa local government, but I think dapat namo-monitor din yung mga ganitong activities. Kung walang malinaw na plano dapat di pinapayagan, or kung di man tumutupad sa plano or correct execution dapat i-hold din ang trabaho para matuto.

Pahayag ko lang po
Same sentiments, bago nila bungkalin ang ganda ng kundisyon ng kalye (not all pero yung service road ganun ang kaso), then after bungkalin palpak gawa.

Quote Originally Posted by obet_carlos View Post
ang alam ko ginawa na nila yan before diba? bat binungkal na naman nila? d na natapos? gagawa sila palpak, tapos uulitin ulit.. buti na lang, pag dumadaan ako, mga hapon sa c5 lang kaya d masyado trafic.. d na natapos yung mga ginagawa dito sa pilipinas.. palagi na lang may road repair.. nung july lang pumunta kami ng malaysia at singapore, wala man lang akong nakitang sira kalye, or ginagawang kalye... bat ganun, sa araw araw na pagdrive ko, simula p'que hanggang diliman, wala pang araw na wala akong dinaanan na ginagawang kalsada.. dito ata sila kumikita eh..
Pabalik-balik naman sila sa buong stretch ng service road chief e. Kahit nga nung bagong rehabilitate ng buong stretch ng service road, nagbungkal agad yang mga yan eh tapos tapal-job na naman pagkatapos. Sayang ang ganda pa man din ng pagkaka-rehabilitate ng kalye. Talagang pulpol ang gawaan - di mo alam kung sinasadya para di maubusan ng trabaho e. Di ko alam kung walang taga-Maynilad mismo na nagmomonitor ng gawa ng subcon nila o talagang marami lang silang pera para magpaback job ng magpaback job. Basta walang kamatayan repairs dito, lagi na lang may binubungkal.

Quote Originally Posted by shadow View Post
Ang gumagawa yata dati eh yun skyway hind Maynilad.
Chief Maynilad pabalik-balik po. Yung rehabilitation ng entire stretch ng service road alam ko joint DPWH at management ng SLEX (correct me if I'm wrong). Then iyon nga kakarehabilitate pa lang itong mga magagaling na taga-Maynilad bungkal agad, tapal, bungkal, tapal, walang katapusan.

Noong tinrabaho ng Skyway yung removal ng temporaray on/off ramp maganda po pagkaka-execute ng trabaho, hindi naapektuhan yung traffic. By patch / section ang gawaan on off-peak hours (10PM onwards), by the time na rush hour na tapos na yung section at pwede na daanan. Minor inconvenience kasi mas madali ring i-manage yung traffic pati (mas onti compared pag whole day magtatrabaho). Talagang walang bakanteng oras, laging nagta-trabaho hanggang ngayon na nasementohan na yung mga binungkal nila doon. Kumpara sa mga gawa ng Maynilad aysus, palpak kung sa palpak, walang pondo magbubungkal, tengga yung nabungkal hanggang bayaran, tatagal, abirya.