New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 5 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
Results 41 to 50 of 69
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    1,008
    #41
    di kaya taga bangko sir?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #42
    Quote Originally Posted by d'flash View Post
    mga 6 footer siya boss, dame tattoo, at skin head pero balbas sarado, naka labas pa kamay niya sa window at may yosi. ano ba napapala ng mga yan pag nangbubully sila?
    psychological issue ang bullying. hehehehehe.
    malamang mali pagpapalaki sa kanya ng magulang nya....
    tapos baka first time naka pag drive ng F150 kaya power trip.

  3. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    1,465
    #43
    Quote Originally Posted by fireblade View Post
    di kaya taga bangko sir?
    kahit taga bangko yan, dala ko resibo na paid na ako.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,339
    #44
    Quote Originally Posted by 1D4LV View Post
    psychological issue ang bullying. hehehehehe.
    malamang mali pagpapalaki sa kanya ng magulang nya....
    tapos baka first time naka pag drive ng F150 kaya power trip.
    Kaka-straight swap lang niya sa sulit.com ng Civic niya to F150. Magkano lang naman F150 ngayon? 200K? 250K? 300K? :D

    Pampalaki ng bird daw yung F150 niya.

  5. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    1,465
    #45
    Quote Originally Posted by vinj View Post
    Kaka-straight swap lang niya sa sulit.com ng Civic niya to F150. Magkano lang naman F150 ngayon? 200K? 250K? 300K? :D

    Pampalaki ng bird daw yung F150 niya.
    2003 Ford F150 Supercrew Philippines - 8159588

    ang mahal pa pala ng pampalaki ng bird niya.

  6. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    1,945
    #46
    ang sarap siguro dikitan nyan sabay hampas ng tubo sa body.. tapos speed away with all lights off.. hehehehe.. but then again let me share you this story circulating sa FB:

    "BASURA"

    "Habang nakasakay ako sa taxi... masaya kaming nagkukuwentuhan ng driver... nang may biglang tumawid sa aming dinadaanan... hindi agad nakapreno ang driver... pero iniwasan niya ito para hindi mabangga ang tumawid... at sa di inaasahang pagkakataon... may kasunod pala kami na mabilis ang takbo... at muntik na niya kaming mabangga... Salamat sa Diyos at walang nangyaring masama... pero bumaba ang driver na muntik ng bumangga sa amin at pinagmumura niya ang katabi kong driver... Ang ipinagtaka ko lang... hindi ko kinakitaan ng galit ang katabi kong driver... sa halip nakangiti pa rin ito at panay ang hingi ng paumanhin... at higit sa lahat yung taong tumawid na pinagmulan ng lahat ay tinanong pa ng katabi kong driver kung OK lang ba ito... at sinabihan pa na mag ingat ka sa pagtawid... sa mahinahong salita at may ngiti sa labi... at nagpatuloy ang aming paglalakbay... Tinanong ko ang driver kung bakit hindi siya nagalit at kung bakit hindi niya pinatulan yung taong nagmura sa kanya...

    eto ang sagot niya.....

    " alam mo masyadong maikli ang buhay para lang ilaan natin ito sa lungkot at pighati... dapat magpakasaya tayo... iyon naman ang gusto ng bawat isa sa atin ang maging masaya... ang mga PROBLEMA, LUNGKOT, INGGIT, SAMA NG LOOB, HINANAKIT, at GALIT ay para yang mga BASURA... dala-dala ng bawat isa sa atin ang mga basurang yan... at minsan itinatapon at inilalabas yan ng tao... so kung minura man niya ako kanina, ibig sabihin itinapon lang niya mga basura sa akin... eh bakit ko naman iyon pupulutin... hindi ko naman siya kailangang patulan... ayokong mapuno ako ng basura at mabulok ang pagkatao ko... Dapat kasi pinupuno natin ang ating sarili ng mga magaganda at masasayang bagay... hindi tayo dapat nag-iipon ng basura at lalo na huwag mong dadamputin ang mga basurang itinapon na ng iba."

    -from Jensen
    Like www.facebook.com/silentaris

  7. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    2,113
    #47
    Power trip yan at baka bangag o lasing or first time lang nagkaroon ng big car feeling rich na, F150 eh tyak luma na yun sana man lang new ranger o raptor. Mura nalang kaya mga ganon wala kasi bumibili lakas lumamon ng gas.

  8. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,407
    #48
    may nagmomotor na nagalit sa akin dati. ganyan ginawa. tumabi sa akin tas minura ako. tinignan ko din sya, sabay inom ng milk tea then relax driving ulit. Hindi na ako hinabol. LOL.

    *stickers, ganda ng sinabi na yan. relax lang, aminin ang pagkakamali at iwas gulo.

  9. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    674
    #49
    Quote Originally Posted by d'flash View Post
    mga 6 footer siya boss, dame tattoo, at skin head pero balbas sarado, naka labas pa kamay niya sa window at may yosi. ano ba napapala ng mga yan pag nangbubully sila?

    Paano mo nalaman na 6-footer? Alam mo na ba yung exact height maski nakaupo sa driver seat?

  10. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #50
    ^ :hysterical:

    Power trip lang yan. Pampalaki ng itlog.

    Katulad nung na-experience ko dati. Nasa lane na ako pero merong FD (Civic talaga eh 'no) na biglang nag-cut saakin. Pero hindi natuloy yung cut niya, naudlot for some reason. So ang nangyari, parehas namin tinututukan yung bus sa harap namin. Tinututukan ko para hinde siya makapasok, tinututukan niya para mas mang-inis pa. Funny thing is, ang luwag dun sa lane niya at pilit niya talaga pumasok sa lane ko na mabagal ang takbo... para mang-inis ba. Sorry nalang siya mas kabisado ko yung length ng hood ko kaya mas nakakadikit ako sa bus. Siya hinde. Kaya in the end, umalis na siya sa tabi ko. Take note, iisa lang pupuntahan ng daan kaya nonsense yung pag-cut niya sakin. Hinde ko alam ba't ang lakas ng trip ng tao ngayon hahaha

Page 5 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast

Tags for this Thread

maangas/bully na F150 driver