New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 3 FirstFirst 123
Results 21 to 25 of 25
  1. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #21
    Sir benta mo na lang Trooper mo pag nagpapaservice ako sa casa puro Trooper nakakasabayan ko hindi yata maubus-ubos ang problema sa Trooper.

  2. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    209
    #22
    hay nako.. dati pa yan isuzu dealership na yan.. un trooper namin pag dinadala dyan pag soli panay grasa na un loob, ng nagkadent ayaw din nila aminin kasi wala naman daw pwedeng makalagay ng dent dun sa pinto ng sasakyan. release lang ng kotse inaabot ng tatlong oras( eto un pinaghintay ako ng ganun katagal kasi daw wala daw driver maglalabas ng sasakyan mula dun sa isa na lang service center na halos katapat rin lang mismo ng entrance ng pasukan ng reception area nila ng mga sasakyan) , dati may lumalagatok sa sa loob ng sasakyan, iroad test daw nila para malaman san nanggagaling un tumutunog, sabi ko umiingay lang un pag isa o dalawa lang un nakasakay, ng papaalis na ako nakita pinuno nila ng tao un sasakyan.. mukang magjojoyride ang dating nila..pati pag claim ng parts na under warranty grabe patagalan, one time un maplamp nasira un pindutan, kulang kulang one year bago dumating un replacement tapos wala pang 3 months sira na naman kagad, hanggang ngayon un inorder na replacement di na dumating..

  3. FrankDrebin Guest
    #23
    Quote Originally Posted by jkill View Post
    ako naman sa Isuzu Commonwealth lagi kami don nagpapachange oil kahit medyo mahal. pero one time dinala ko ung Crosswind namin for 20,000 kms change oil,

    pagbalik ko sabi ng kausap ko kailangan na daw palitan ung break pads ko at ung rotors ko dapat i reface sabi ko wag mo muna gawin consult ko muna sa dad ko. pero ung lalaki sa tono ng salita nya gusto nya ng ipagawa ko nanakot pa "sir baka bumigay yan d natin alam delikado yan" sabi ko gano katagal yan bago bumigay tancha mo? mga 3 days sir.

    ayaw ko pa din pagawa kasi ang quote nya sakin 5,500 1 set ng breakpads 1,800 refacing of rotors and 1,600 for the labor sayang ang pera d porket casa 100% ang performance ginawa ko nagpunta ako don sa kakilala naming mekaniko sa may petron malapit samin sabi nya ang break pads ko daw pwede pa kahit 2 months sabi nya bili nalng daw ako sa labas ng pads sya magkakabit.

    then after 2 months bumalik ako sa mekaniko sa petron nagpakabit ako ng new pads 1 set of pads costs 650 + labor 100 sa tuwa ko sa mekaniko binigyan ko ng 70 pesos imagine 820 lang nagasta ko sa breakpads sa casa almost 9k so far ok naman performance walang negative feedback sa bago kong pads.
    Bilis namang masira niyan? Baka defective?

  4. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    49
    #24
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    Sir benta mo na lang Trooper mo pag nagpapaservice ako sa casa puro Trooper nakakasabayan ko hindi yata maubus-ubos ang problema sa Trooper.
    wag naman. kawawa naman bibili, idemanda mo na lang ang dealer mo at lumapit ka na rin media para maexpose ang bad practice nila.

    minsan isip ko, helpless talaga buyers sa mga dealers. halos lahat ng brand at dealer may horror story. mukhang obvious din na di talaga focus sa servicing ang mga dealers kundi sa sales lang talaga. parang token lang ang service nila.

    i had similar experience with wheels e rodriguez qc. pathetic service talaga as in tumitirik kotse ko sa daan 3x after several backjobs! . pres and vp na kausap ko niloloko pa ako. kesyo, bibigyan daw ako ng service car habang ginagawa ang car ko pero few days later nang tanong ko kailan makuha service car, nagkaamnesia ang bombay na vp nila. pathetic organization. hinarap pa sa akin ang lawyer nila at ang sabi sa akin, may ibang lawyer customer sila dati na nagcomplain, walang nangyari sa kaso. as in, tinanatakot pa akong magdemanda. kaya when i pass their showroom at kita ko dala nila pati range rover at bmw, isip isip ko, panu nila maservice yun, e korean cars lang di sila marunong.

    i really sympatize with you paulchua. naging victim na rin ako ng mga bwitreng iyan at hanggang ngayon pagnaalala ko nangyari sa akin gusto kong bigyan sila ng malaking rebentador. pero, theyll have their due. usually naman, ang mga dealer na nandadaya ng customers, palubog na, kasi nga angas ang pagpatakbo ng kumpanya nila. kaya ngayon, ganyan silang parang talyer sa kanto na nagnanakaw ng piyesa pagtalikod mo.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,842
    #25
    Quote Originally Posted by jkill View Post
    ako naman sa Isuzu Commonwealth lagi kami don nagpapachange oil kahit medyo mahal. pero one time dinala ko ung Crosswind namin for 20,000 kms change oil,

    pagbalik ko sabi ng kausap ko kailangan na daw palitan ung break pads ko at ung rotors ko dapat i reface sabi ko wag mo muna gawin consult ko muna sa dad ko. pero ung lalaki sa tono ng salita nya gusto nya ng ipagawa ko nanakot pa "sir baka bumigay yan d natin alam delikado yan" sabi ko gano katagal yan bago bumigay tancha mo? mga 3 days sir.

    ayaw ko pa din pagawa kasi ang quote nya sakin 5,500 1 set ng breakpads 1,800 refacing of rotors and 1,600 for the labor sayang ang pera d porket casa 100% ang performance ginawa ko nagpunta ako don sa kakilala naming mekaniko sa may petron malapit samin sabi nya ang break pads ko daw pwede pa kahit 2 months sabi nya bili nalng daw ako sa labas ng pads sya magkakabit.

    then after 2 months bumalik ako sa mekaniko sa petron nagpakabit ako ng new pads 1 set of pads costs 650 + labor 100 sa tuwa ko sa mekaniko binigyan ko ng 70 pesos imagine 820 lang nagasta ko sa breakpads sa casa almost 9k so far ok naman performance walang negative feedback sa bago kong pads.


    Iyang refacing na iyan ang isa sa pinakamalaking pinagkakakitaan ng mga SA at mekaniko sa loob ng CASA. Pansin ko may pag ni reface iyan sa labas dinadala, kaya ingat sa mga alok na iyan na refacing ek ek na iyan

    Hindi lang sa Isuzu iyan, gawain din sa ibang CASA iyan. Inalok na ko niyan sa toyota Alabang May lumapit pa sa aking mukhang Asungot na nanakot about what can happen pero Hindi naman siya taga toyota

    May komisyon din kasi mga mekaniko dyan

Page 3 of 3 FirstFirst 123
Isuzu Quezon Ave. INTECO