last april pa nangyari ito sa akin pero share ko pa rin dahil balita ko hanggang ngayon modus pa rin diyan

sa may tapat ng chinese general hospital kung pabalik ka ng del monte ave. ay left turn ka, kasi one way yung aurora blvd. dun wala naman nakalagay na "no left turn on red light" at ilang beses na ako dumadaan dun pero may nanghuhuli mga pulis at "mmda". swerte rin nila nung time na hinuli ako di ko dala yung videocam. na dala ko palagi tuwing nag-ddrive ako. so nakunan tuloy ako ng pang-tanghalian. last june napanood ko sa imbestigador kasi may nagreklamo, yung "mmda" di pala mga MMDA kundi NGO na parang affiliated sa MMDA. share ko lang kasi baka may mapadaan dun and di alam yung sistema nila dun baka isa kayo sa makuhaan nila ng pang-meryenda, tanghalian, o hapunan.