ganyan talaga mga sa, mostly ala alam sa specs ng binebenta, hehe. pero depende din siguro sa location mga bro, dito kasi sa amin sa iloilo tig iis lang casa eh, so if you want toyota isa lang pupuntahan mo, hehe. wala ka na mapagpipilian eh. kaya accomodating mga sa dito, prob is ala alam sa product nila minsan. remember nung tumingin kami ng kakalabas lng na hyundai accent m/t 1.6. nag uusap kami ng father ko about sa specs ng accent, sabi ko malakas hatak nito kasi crdi, sabi nung sa ng hyundai kung ako sir i would get accent 1.6 na gas, mas malakas arangkada nito kumpara sa crdi. ano daw? mas malakas humatak yung gas compared sa diesel?