New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 31 to 40 of 45
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #31
    kung MO iyan dapat may back up sia sa mga ganyan operation .

    pinaulanan mo na ng suntok ay wala man lang responde

    kung sakali may mga kasama niya,malaki swerte mo at wala nga nag bigay ng

    Gripo sa tagiliran mo gaya ng sabi ng ibang poster

  2. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    725
    #32
    Salamat guys sa mga concern. Siguro nga wrong judgement call kasi puwede ako mapahamak. Naalala ko kasi ang nangyari sa friend ko kaya siguro ganun ang reaction ko. Kung di nakuwento sakin yun ay siguro walang kibo lang ako at nagulat lang ako. Pero galit ako sa ginawa sa friend ko kaya siguro lumabasa ang Freudian instincts ko. Pero totoo ang sarap nga manapak ng masamang loob... first time pa!

    Yung diver at conductor? WALA! Lahat sila walang ginawa kahit ang lakas lakas na ng talak ko.

    Ang advise ko nalang is do what my friend did: Free yourself and run to the nearest authorities or safest place.

    Here are other moduses na naikuwento sakin ng friends ko:

    - Bubblegum/Dura/Laway: Eto may magkakabut ng bubble gum sa may pantalon mo tapos sasabihan ka na may ganun ka (concerned effect) so tendency mo yumuko at tanggalin. Di mo pala yung isang katabi mo, unti unti na makukuha ang cellphone or wallet mo. Lumipat ka kaagad sa ibang pwesto. Better yet baba ka na... tantsahin mo lang na di ka nila masusundan.

    - Dikit dikit sa Bus/LRT/MRT: Yung classic pickpocket! Huwag magsuot ng loose para maramdaman mo ang mga valuables mo. Better yet try having alternative pockets na di makikita.

    - Huwag ilalagay ang valuables sa backpocket ng backpack. Nangyari yan sakin. Pagtawid ko galing sa kabilang kanto samin wait ako ng mga one min tapos nakasakay ako ng jeep. Pagkaupo ko lang wala na wallet ko. Baba ako kaagad pero may nagturo na mga tao kung sino ang mga magnanakaw: Dalawang babae. Pero di ko naman mahabol dahil di ko kilala. Sumakay daw kaagad sa isa pang jeep pagkasakay ko.

    - Holdup sa Jeep/FX: May pupuwesto na isa sa harap at at least dalawa sa may likod at gitna. Pag alam mo na may masama na mangyayari bumaba ka na. Pabayaan mo na ang binayad mo. Pero bumaba ka sa lugar na deterrent tulad ng well lighted area or may security guards. At kapain mo na hindi ikaw ang target nila. Ang isa kong dating office mate dinidikita siya sa jeep kaya bumaba siya. Sumunod naman ang mga gago eh buti nakasakay kaagad sa ibang jeep yung friend ko. Nagtry pa na humabol ang mga gago!

    Ang pinaka effective just give them what they want. Pero kung buhay na ang paguusapan defend yourself! Effective ang scream effect sa crowded places para scandaloso. Give some distance also from the assailants. Also the most effective way to disable a male assailant is hitting the groin area. Then run like hell to safety.

  3. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    725
    #33
    Quote Originally Posted by BoEinG_747 View Post
    kung MO iyan dapat may back up sia sa mga ganyan operation .

    pinaulanan mo na ng suntok ay wala man lang responde

    kung sakali may mga kasama niya,malaki swerte mo at wala nga nag bigay ng

    Gripo sa tagiliran mo gaya ng sabi ng ibang poster
    Naisip ko nga din after... bad call talaga... pero halatang MO... naunahan ko lang siguro sila... yung last person na kumausap sakin ang malamang second person. Instinct mo na din kasi na malalaman mo na masama ang balak ng isang tao kaya unahan mo kaagad. God still loves me.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #34
    Quote Originally Posted by mazdamazda View Post
    eh anong ginawa ng driver & conductor?
    naku walang gagawin ang driver at konduktor ng mga bus sa ganyang sitwasyon...AFAIK minsan kilala nila sa mukha ang mga grupong ganyan...wala naman silang magagawa kung umakyat ng bus at makisabay sa ibang pasahero...kapag kumibo din sila baka sila naman ang pagdiskitahan at saksakin..

    nalala ko nga pala na talagang ang galing ng mga iyan...mabibilis ang kamay at parang pating na nakakaamoy ng dugo...
    naalala ko dati na papasok ako noon sa Urban Bank at may ipinadedepositong pera utol ko...isa sa mga technique ng mga iyan eh dadaan sa iyo, didikit at habang sumasayad sa iyo eh nakapasok na sa slacks mo yung daliri ng kamay...buti na lang hawak ko yung bundle ng pera mula sa labas ng bulsa ko dahil kung hindi classic story ng, "ate, nadukutan ako sa bus eh" ang nangyari sa akin...di na ako kumibo at tiningnan ko na lang nang masama yung babae...yep babae pa!...bumaba sa buendia-taft area at ang dami nga nila

  5. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #35
    Bro Josh thanks din sa info

    ingat na lang uli hindi lang sa bus pwede mag yari yan,
    basta nasa public places ka doble ingat na talaga ngayon sa PInas

    Good karma ka Bro .kita mo niligtas ka ni LORD ,sa posibleng kapahamakan

    Quote Originally Posted by mazdamazda
    eh anong ginawa ng driver & conductor?
    may mga situation na involve din ang driver at conductor sa mga holdapan or ano man MO sa loob ng BUS ,kaya wag na natin asahan na gumawa pa sila ng mabuti ,kung tutulong man ang iba (Driver & Conductor)marami salamat

  6. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    4,866
    #36
    buti na lang okay kayo josh.

    kala ko rin hinubaran ka ng pantalon. just trying to cheer the mood up. :D

  7. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,849
    #37
    pambihira. thanks for sharing all the other MOs. Buti na lang alert ka.

    kala ko na kung ano yung title.

  8. Join Date
    May 2004
    Posts
    3,221
    #38
    ano ba nasa isip mo tsinits?

  9. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    732
    #39
    sir thanks sa info. dami na my kalawang ang utak ah wala ng magandang magawa

  10. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    235
    #40
    =Josh0027;615380]
    Ang nakakbuwisit din wala isang PULIS o MMDA sa lugar na yon! Sa araw araw na ginawa ang Diyos wala sila kung kailangan mo! Magaling lang sila sa manghuli ng motorista! Tuloy pumunta pa ako ng Precint 6 sa Ayala para mareport ko ang incident. Nireklamo ko din nga walang tao sa lugar na yon. Di na ako tumuloy sa office after that.
    modus operandi nga yan ng mga mandurukot. alam mo na mautak din ang mga yan kahit konti. alam nila ung trade line of work nila. syempre sinurvey muna nila ung lugar na walang pulis/mmda, kaya doon sa banda na un nila ginagawa ung operation nila.

    ot:
    ang nanyari naman sa amin noon: sinundo namin ung kamag anak namin sa nai airport mga 11:30pm na noon. marami syang dalang kahon siguro mga 6 na malalaking kahon(pasalubong) galing sa abroad. tapos noong napadaan kami doon sa ,madilim na lugar at walang tao', doon kami hinabol nung mga pulis. tapos pinahinto nila kami at hinihingan ng registration ung jeep ng driver na kasama namin. syempre meron din kaming mga legal documents doon sa sasakyan. kaya lang marami pang ke-keburetse ung pulis. so ginawa na lang namin binigyan na lang ng pang toma,para wala ng maraming sat-sat.

    alam ko operasyon ng mga lokong pulis sa atin un para lang makakuha ng pang toma or pang meryenda.

    next time kung magsundo kayo ng relatives nyo galing sa abroad at meron silang maraming dalang box. huwag na huwag kayong dadaan duun sa madilim at walang taong daan, kung nagkataon na late ung sinusundo nyo. kung pwede dumaan kayo doon sa busy area o maliwag na area.

    sigurado ako doon sa airport palang nag papatrolya na ung dalawang gagong pulis na yon,at tinitingnan kung sinu ung me dalang maraming kahon na pasalubong. tapos bago kayo susundan; tapos hoholdapin kayo mismo doon sa madilim at walang taong lugar. modus operandi ng mga pulis sa atin ito.

    alert kayong umuuwi next time pag galing kayo sa airport, lalo na sa gabi. maraming huli-daper na extortionist na pulis jan.

Page 4 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Hugot Pantalon Modus Nangyari Sakin Sa Magallanes!!!!