New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 5 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
Results 41 to 50 of 61
  1. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,976
    #41
    Quote Originally Posted by wrcastro_ph
    Kakagaling ko lang dyan last Wednesday afternoon sa Cathedral, di naman ako siningil. ( Oh baka wala lang yung bantay? ). Pero madaming raket na ganyan talaga sa Intramuros area. Eto naman, makwento ko lang experience din ng kaigigan ko dyan sa Parking sa Intramuros. Dyan naman sa may starbucks na malapit sa Beareu of Immigration (tama ba?).

    Habang nasa loob siya ng isang establishment doon ay tinawag sya ng guard at sinabing tino-tow daw yung sasakyan nya. So ang ginawa nya ay dali-daling pinuntahan yung sasakyan para tingnan. Nung makita nya ay kinakabit na yung pang-tow, kaya mabilis nyang tinanong yung nagkakabit kung ano ang problema. Ang sabi ng nag to-tow ay illegal parking daw. Kaya nagtanong yung me ari ng sasakyan kung saan dun sa area na may naka lagay na "No Parking" .... lumalabas ay talagang "wala" at di makasagot yung humihila... at di sya pinapansin at tuloy padin ang pagkakabit ng pang tow habang tinanatong naman ng me ari ng sasakyan kung nasan yung opisyal nilang kasama.

    Dyan na napikon yung kaibigan ko at sinabihan na nya yung nagkakabit ng pang tow. Ang sabi nya ay tigilan na ang pagkakabit at "illegal" ang ginagawa nila dahil wala silang kasamang opisyal. ... sige pa din yung sa ginawa yung kolokoy..... hanggang sa binututan na nya ng baril yung mga nag to-tow at ang sanabihan na tigilan na. At sa sobrang inis nya ay sinampal nya yung nagkakabit at sinabihan nyang papuntahin yung opisyal nila at sasampalin din nya ( pero hawak na nya ang baril during that time). Lumayas ang mga kolokoy sa sobrang takot after nya sinabihan na "ayoko ng makitang rumaraket kayo dito ...... ayusin nyo ang trabaho nyo ... (habang nagmumura) " .

    After that, lumapit yung guard at natuwa sa kanya dahil madalas palang raket pala dun sa area na yun ang ganyan.

    Ang lesson lang dyan ay nakahanap sila ng katapat nila !


    P.S. : Pulis nga pala yung kaibigan ko kaya nya nagawa yon saka alam nya rules ng proper towing ... heheheh

    I dont find this incident funny. Pulis pala yung kaibigan mo, then he should have done the right thing. He should have known na carnapping yun, (that would qualify as carnapping, kahit sinong inquest fiscal alam yan), and he should never have manhandled that stupid tow guy. Tapos binunutan pa ng baril. (Slapping somebody, btw, would constitute a crime, "Slander by deed"). He could have arrested those crooks, and called for back-up. 117 lang katapat nyan. This constitutes abuse of authority.

    Another wrong can never right a wrong. This incident could easily have turned tragic, kung may dala ring bakal or kasamang pulis yung mga nagto-tow. Then your story would have been different.

    I've also been victimized once by those crooks, but I've never resorted to pulling my gun. I can take the high moral road, because I practice it myself. Cool lang tayo dapat. Peace!

  2. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #42
    Naranasan ko na ding mag-park dyan sa Mcdo Intramuros. Meron talagang parking fee. Babae din yung parking attendant na lumapit sa akin, nakita ko namang naka-uniform siya at may hawak na booklet, kaya hindi ko na kinwestyon. Manila Cathedral, meron din bayad. Medyo nainis lang ako one time nung pumarada ako sa gilid ng San Agustin. Hindi ko naman iiwan yung sasakyan, magbababa lang ako ng gamit, may lumapit na parking attendant at siningil ako ng P30. Fine, bayaran na lang kesa mabalahura yung oto. At least nagbigay siya ng receipt. Starbucks Intramuros, nakapag-park na rin ako. Mga 9pm yun, hindi ako nagbayad ng parking fee kasi wala namang lumapit na attendant. Wala namang untoward incident na nangyari.

    Eto lang: pag may lumapit sa inyo na sumisingil ng parking fee, tanungin niyo lang muna kung magkano. Kung kaya niyo rin lang bayaran, lalo na kung flat rate, eh di ok. Pero kung sa tingin niyo mahal, don't alight from the vehicle; just look for another space someplace else. High-handed responses such as questioning the legality send the wrong signals and can be misinterpreted as outright resistance. As afrasay and artpogi said, it's not worth the hassle. Kesa mapalaki ang bayad para lang tubusin yung sasakyan.
    Last edited by Bogeyman; May 11th, 2006 at 08:40 PM.

  3. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    338
    #43
    guys ang style sa mga naniningil ng parking fees sa mga ganitong lugar is bunutan niyo ng buong P1,000 bill. of course wala silang pansukli. after pag paalis na kayo, kung hindi nakatingin, harurot na! :evil:

  4. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    392
    #44
    pede ba ung 1,000 bill na enlarged? para kita ung tatlong ulo?

  5. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    857
    #45
    If there is anyone initiating a move against this towing scam, I'm more than willing to get involved.

  6. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    1,455
    #46
    zeagle: pls read the thread "mga naabuso ng towing sa maniLA"

  7. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    396
    #47
    sa hyatt hotel ganyan din. kahit nka check in ka sa hotel, the parking area right in front is pay parking pa din. sabi sakin ng parking attendant, hindi daw sa hyatt ung parking space, controlled daw ng manila city hall un.

    it will take a lot to complain and do something about this because the people you will be complaining to, are the same ones who cooked up this whole racket in the first place.

  8. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #48
    hindi ako nagpapark dyan sa harap ng mcdo. mas ok dun sa tapat na lang ng manila cathedral. lakad ka na lang....

  9. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,119
    #49
    Basta dapat na lang, maging polite ka sa mga parking attendants. Most of them naman wear uniforms so I guess they're legitimate. Yung sa Aristocrat naman dati wala and naisip ni Atienza na mapapagkakitaan yan kaya may parking fee na, tutal service road naman yung area so it's Manila City Goverment property. Parang ngayon, may parking fee na rin sa Binondo, yung sa may statue ni Lorenzo Ruiz, dati libre parking pero ngayon may mga parking attendants na.

    Mababait mga San Juan parking attendants diyan sa may Club Filipino.

    The trick is..... SMILE

  10. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    24
    #50
    Quote Originally Posted by 3ple4
    Mababait mga San Juan parking attendants diyan sa may Club Filipino.

    Opposition kasi Mayor nila kaya mabait. Pogi points sa masa. Hintayin natin mapunta administrasyon ulit mga yan. Mas mahaba pa pangil ng mga nyan kaysa kay dracula. Panapanahon lang yan.

Page 5 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
Got towed for (allegedly) refusing to pay parking fee!