New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 17
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    si Ronald "Mac" Cuan, point guard ng Sta. Lucia Realty. (PBA),DLSU (UAAP)

    Madaling araw, halos 1:30 ng umaga nang lumabas si Mac sa kanilang bahay sa Quezon City upang kunin ang ilang magasin na naiwan niya sa sasakyan. Habang ginagawa niya ito, may Toyota na dumaan, at dahan-dahang pumarada. Nang maisara na niya ang pinto, bumaba ang isang nakasakay, at daglian siyang tinutukan ng kalibre 45 sa mukha. Hiningi ang susi ng kanyang Honda CRV.

    "Tinitingnan ko kung tutoo yung baril, salaysay ni Cuan. "Nung aabutin na niya yung susi, tinaas ko pa yung kamay ko, kasi baka tripping lang siya. Tinutok sa noo ko yung baril."

    May bumaba pang kasama ang magnanakaw, at nakuha nila ang sasakyan, pati na rin bag ni Cuan na may dalawang cell phone, ATM card at credit card.

    Pinatalikod si Mac, at iniwanan. Daglian niyang ginising ang mga magulang niya.

    "Gusto ko sanang manlaban, e," alaala ng biktima. "Kasi, maliit sa akin. Pero, naisip ko, kung makuha ko yung baril, baka pati yung kasama sa kotse, meron din, e di dalawa pa rin sila. Balewala rin."

    Ayon kay Cuan, ilang araw nang nagrereklamo ang kanyang ina na nagigising siya ng ganoong oras. Kumakahol daw ang mga aso sa kapitbahayan, at may di-kilalang kotse na umaali-aligid. Marahil daw ay inaabangan ang kanyang nakababatang kapatid, na karaniwang umuuwi ng madaling araw ng Sabado.

    Katunayan, sa gabing iyon, wala pang tatlumpung minuto ang dumadaan nang umuwi nga ang kanilang bunso.

    "Shocked kami lahat," dagdag niya. "Hindi namin akalain o naisip na mangyayari sa amin iyon. May kaibigan din akong ninakawan ng ganyan. Iniwan sila sa madilim na lugar."

    Dalawa o tatlong buwan ang hihintayin ng insurance company bago palitan ang sasakyan. Samantala, nakikisakay si Cuan sa mga kakampi, at ilang payo rin ang ibinigay sa mga kaibigan.

    "Just don't go out at night," payo niya. "Hindi naman ako palalabas talaga, e. Natiyempuhan lang talaga ako. Sana huwag lang mangyari sa ibang tao."

    Marahil ay nagamit na sa iba pang krimen ang sasakyan, o kaya't kinarne na para magamit ang mga piyesa. Ano pa man ang nangyari, iniisip na lamang ni Cuan na mapalad siya't hindi siya nasaktan.

    "Sabi ng mga kaibigan ko, malas ko daw, dahil nanakaw yung sasakyan ko. Sabi ko, masuerte na rin ako. I could have died that night. Parang pangalawang buhay ko na ito."

    Sana naman, may magawa ang mga awtoridad. Pero malabo nang mabawi pa ang sasakyan.

  2. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,317
    #2
    no garage? delikado talaga kng sa street lng nakapark ang sasakyan. 1 of the advantages of having a private garage.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,825
    #3
    mukhang street parking nga yan.

  4. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #4
    delikado nga yan..

    kinabahan tuloy ako ngayon.. nakapark sa side ng office namin ngayon ung patrol

  5. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #5
    Quote Originally Posted by odell
    delikado nga yan..

    kinabahan tuloy ako ngayon.. nakapark sa side ng office namin ngayon ung patrol
    cguro lagi mo na paikutan sa security guard..para kahit paano mailang ang mga carnapper..tutal alam naman nila di hawak ng guard ang susi ng auto mo

    at lagi mag masid sa paligid kung meron..nag monitor ng daily routine nyo

  6. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    1,488
    #6
    saan kaya siyang village nakatira?walang guard?delikado na talaga panahon ngayon,talagang extra ingat tayo kahit saan dapat palaging listo lalo na magpapasko na dadami mga MOs sigurado...buti hindi siya binaril...

  7. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    381
    #7
    Quote Originally Posted by odell
    delikado nga yan..

    kinabahan tuloy ako ngayon.. nakapark sa side ng office namin ngayon ung patrol
    i thought you lost your patrol to car thieves this year? did u bought a new one? or recovered yan?

  8. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    787
    #8
    Saan sa QC kaya ito?

  9. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    516
    #9
    yong ngang friend ko sa loob mismo ng BF paranaque , paggising niya ng umaga wala na yong isuzu sa garahe nila.
    Sa ngayon may garahe ka o street parking dapat ingat pa rin sa carnaper.

  10. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,317
    #10
    hanep naman, i assume binuksan pa gate para makalabas

Page 1 of 2 12 LastLast
Ex-La Salle Player nanakawan ng Honda CRV