New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 7 of 7 FirstFirst ... 34567
Results 61 to 67 of 67
  1. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    653
    #61
    hmmm..kung tutuusin seconds lang naman deperensya tapos don sa next traffic light kitakits nanaman kayo..ang masama lang kung di nakayo magkitakits dahil either sumimplang na sya as he overtakes or "mr kamatayan" just had his own way for the guy muttering, "sungkit ka na bata.."

    one less headache on the road..

  2. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,630
    #62
    Got one this morning.

    This was right after the Marikina Bridge going to Cubao. I was on the leftmost lane and a jeepney was picking up passengers on the rightmost lane, so may gap sa gitna na pwede kong daanan. I was doing 15 kph at the time, so pumwesto na ko.

    Nang may isang malaking-malaking UNGAS (not the moderator) driving a white and gray Toyota Hi-Ace Grandia with plate number BRS-333 na biglang sumingit at muntik na akong mahagip. I barely had time to blow my horn as I usually do, just slammed on the brakes. Napasigaw yung misis ko, buti na lang mabagal ang takbo ko nun dahil traffic. He pulls over to the right, kaya sinundan ko, busina ng mahaba sabay alis. I was so tempted to block his way, go over to him and say, "P***** ina mo! Nagmamadali ka? Tignan ko kung makapagmadali ka ngayon, leche ka!!!" Pero I thought the better of it at sayang lang ang oras ko. Umagang-umaga pa naman.

    In fairness, sumenyas naman siya ng paumanhin right after, and he let me go on my merry way to the office. Pero oftentimes cold consolation na lang yun. Paano kung mahina-hina ang puso ng misis ko at inatake? Or worse, ako ang atakihin habang nasa manibela? At pasalamat siya medyo listo ako kanina. Kung hindi, yayariin ko talaga siya sa insurance.

    I can easily have his driver's license permanently revoked with just one call. And when I decide to do that one of these days, it would be for his own good. Imagine kung sa ibang tao niya ginawa yun, malamang patay na siya ngayon.
    Last edited by Bogeyman; November 3rd, 2004 at 03:26 PM.

  3. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    2,329
    #63
    wala talagang aasahan sa mga pinoy drivers. tsk tsk. hindi porque, may gulong e pwede nang humarang sa daan. buti nga sa karamihan na nag-post e panay private vehicle e. ako, sa inaraw-araw na ginawa nang diyos, e panay mga delivery van, PUV ang nakakaengkwentro ko. minsan, gusto kong babain at sapakin nang maturian nang leksyon e. ang hilig nilang makipag-gitgitan wala namang pambayad.

  4. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    2,315
    #64
    ako ay guilty sa turning when the light is still red. Pero ginagawa ko lang ito pag madaling araw na o pag walang sasakyan hehe.
    Galit ako sa may mga wangwang kahit pulis man sila o govt. official kala mo hari ng daan. Ang mga pinagbibigyan ko lang ang mga ambulances.

  5. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    21
    #65
    nabasa ko ung mga replys niyo mga repa... talaga nakakarelate ako sa lahat... sobrang nakakabadtrip na tong minamahal kong bayan... obvious naman eh dami talaga gago sa daan... minsan wala pa pambayad sa pag nabangga... kamot sa ulo ang bayad... sakit sa ulo ang dulot... one time nga eh.. TANGPU INANG JEEP YAN!!! kasi... nasa gitna siya ng daan... 3 lane ung road tapos ung stop light blinking... gitna siya ako sa left... mag uuturn sya wala pa signal light... bale... di ko alam na mag uuturn siya... medyo mabilis pa takbo ko nun... ayun pag daan ko biglang lumiko as in badtrip ung dalwang pintuan sa right side eh wasak!!! ung jeep ni gas gas tangpu ina wala!!! kamot lang... ni piso wala... pero nung nagcommute ako libre... hay.. consuelo.. kwento ko lang... pero siyempre... advice ko lang... kahit may mga gago sa daan... cool ka lang... start with yourself... be a good driver... siyempre pag tayo pa iinit ulo... wala din mangyayari... mag kaka away pa... malay mo... magka problema ka pa diba... pero pag gago talaga... show them the finger pwede na un! with a smile pa hahahaha!!!

  6. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    2,650
    #66
    just last night, was driving along pres. quirino ave..papuntang north na..just after passing by osmena highway intersection..was doing about 50km/h..tapos itong silver na toyota corolla Altis 1.6E plate number XMR-683..busina ng busina sa likod ko, tapos naka-highbeam pa..sa loob-loob ko eh..may three other EMPTY lanes naman for him to pass me by...kakainis..so what i did was i switched lanes para lang makadaan sya..eh di ok na.

    nahabol ko siya just before nagtahan bridge..ayun naipit din siya sa isang taxi (which i reckon was also doing the same speed as i am before, 50km/h) ayun busina pa rin siya ng busina and naka-high beams pa rin..eh yung 3 other lanes eh EMPTY naman..hayy..ang tao talaga ngayon..

  7. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    681
    #67
    share ko lang...
    pag nagbubus ako inoobserve ko behavior ng driver everytime may inuunahan, sinisingitan,sineswerve sya o kaya pag sha yun ginaganon. napaka-natural ng reaksyon nila. meaning - deadma lang. di naiinis lalo na sa kapwa bus na gumigitgit sa kanila. pag biglang may kumat sa kanya, ayus lang reaksyon nya.

    pansin ko ok lang sa kanila na manggulang o magulangan.sanay na kasi sila. kumbaga sa basketball, natural lang sa kanila ang mangbalya. it's like playing dirty. pero pag nasagi na ang sidemirror nila, magrereact na sila.

    kaya naisip ko, kahit anung pagmumura, busina at curse ang gawin ko. di rin pala sila tatablan nun unless batuhin ko ang bus o barilin ko ang driver. gets?

    manhid na sila sa kagulangan kaya try to control your temper nalang and drive safely to protect yourself. pag talagang balasubas at makapal ang muka, well ibang usapan na yun. that's where you really need to break out!

Page 7 of 7 FirstFirst ... 34567
Bwisit na drivers etc.