New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 21 to 30 of 38
  1. #21
    Quote Originally Posted by pup2 View Post
    Second time, sa paanan ng Kennon road. Last week lang! Nakakita siya ng prawns that looked really, really good and after haggling with an ill-toothed old woman agreed on a price about 30%-40% less than in manila. Bili siya ng madami -- 5 kilos yata. Sabi ko konti lang bilhin mo dahil naka experience na tayo ng masama diyan. Extra careful naman daw siya -- Pinakita pa sa amin yung timbang. Then binalot, nilagyan ng ice, at sinakay sa car -- libre na daw yung cheap timba. Ang catch, pagdating sa bahay yun pala puro ice yung laman ng timba at less than 1 kilo yung prawns!

    Itong second time na ito, feeling ko halos pro na yung nagtitinda -- as in pro na kawatan. Kasi para ma distract kami, nung pasakay na yung tinda, kinuyog kami nung mga katabing vendor screaming ever lower and lower prices! While that was happening, biglang naglaho yung matanda! Sumibat na ako dahil feeling ko kung minalas pa kami baka holdap pa abutin. At worst, feeling ko all of those people would've cheated us one way or the other -- hindi man sa timbang, baka sa sukli, or sa addition. You get the point.

    Kaya payo ko, kung bibili kayo sa roadside, as much as possible dun sa may puwesto kahit semi-permanent lang. Kung wala kasi, palipat lipat lang ng lugar at produkto ang mga iyan at manloloko ng taong inaasahan nila ay hindi na babalik for quite a while.

    naku sir kami nga na taga baguio di bumibili sa mga yan e..

  2. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    250
    #22
    Last holy week lang dami ko nadaanan na nagbebenta galing kami baguio sabi ko sa wife ko na wag bumili kasi di mo alam kung saan galing....

  3. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    675
    #23
    Since I was a child, my parents always told me na mandaraya yung mga nagbebenta sa kalye ng seafoods na ganun. I always see them in my drive to and from tagaytay... I tell my girlfriend "Wala namang dagat na malapit dito, saan galing ang crabs nila?"

    At least now someone sent me confirmation of what my parents always used to tell me about them.

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    622
    #24
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    nagtataka lang ako significant naman ang difference ng dami ng 5 kilos to 1 kilo..hinde niyo ba napansin?

    in our case, hindi naman 5 to 1 kilo.

    from 5 to 3 kilo naman, pero obviously, noong nasa bahay na kami na kulang sa timbang.

    buti na lang haggle to the max mother ko kaya hindi masyadong masakit.

  5. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    658
    #25
    heads up lang din. dito sa dampa (original) sa may paranaque. lately lang namin na diskubre na may mandurugas din na tindahan, nalaman lang namin pag dating namin sa paglulutuan dahil kinikilo bago lutuin. ayun kulang ng 2 guhit yung sugpo. maliit ito kumpara sa 5 kilos na naging 1 kilo, pero nakakab*rat lang pag nakakakita ng ganitong mandaraya.

    buti na lang inunahan ako ng tindahan kung hinde nakatikim sa akin yung tindera. mukang mas maganda nga magdala ng portable na timbangan maski na tag 2 kilos lang.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #26
    nakapagtataka naman kung paano tumatagal sa ganyang negosyo ang mga yan ... those vendors have been there for decades!

    nakakalungkot isipin na madaling maloko ang pinoy noh?

    biktima rin ako ng mga yan ... yung mga dried fish vendors sa damortis (la union) ... benta sa akin nung maliliit na espadang isda P600/kg, akala ko tama lang yung presyo nila kasi ganun din benta sa dagupan market ... yun pala, pwede mong mabili ng P350! (nakabili sister ko kahapon) ... mga letse ... antagal nila akong pinagloloko

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #27
    Quote Originally Posted by webmiester View Post
    "Wala namang dagat na malapit dito, saan galing ang crabs nila?"
    yung mga talangka hindi naman kinukuha sa dagat

    OT: mga utak talangka marami dito

  8. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #28
    Quote Originally Posted by n5110 View Post
    heads up lang din. dito sa dampa (original) sa may paranaque. lately lang namin na diskubre na may mandurugas din na tindahan, nalaman lang namin pag dating namin sa paglulutuan dahil kinikilo bago lutuin. ayun kulang ng 2 guhit yung sugpo. maliit ito kumpara sa 5 kilos na naging 1 kilo, pero nakakab*rat lang pag nakakakita ng ganitong mandaraya.

    buti na lang inunahan ako ng tindahan kung hinde nakatikim sa akin yung tindera. mukang mas maganda nga magdala ng portable na timbangan maski na tag 2 kilos lang.

    Matagal na kaming hindi nagagawi riyan sa Dampa.... Malimit ay sa G-Squared kami nagpapaluto (at kumakain).... So far, kapag kinikilo nila ang napamili namin,- tama naman sa timbang.... Pero tama ka bro.,- kahit saang lugar may ahas.....

    5707:tumbleweed:

  9. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #29
    Quote Originally Posted by n5110 View Post
    heads up lang din. dito sa dampa (original) sa may paranaque. lately lang namin na diskubre na may mandurugas din na tindahan, nalaman lang namin pag dating namin sa paglulutuan dahil kinikilo bago lutuin. ayun kulang ng 2 guhit yung sugpo. maliit ito kumpara sa 5 kilos na naging 1 kilo, pero nakakab*rat lang pag nakakakita ng ganitong mandaraya.

    buti na lang inunahan ako ng tindahan kung hinde nakatikim sa akin yung tindera. mukang mas maganda nga magdala ng portable na timbangan maski na tag 2 kilos lang.


    Naku! Malaking bagay ang 2 guhit sa timbangan, 200gms kaya yun at halos ¼ kilo!…. Lalo na sa mga mamahaling bagay gaya ng hipon or suahe – ilang piraso na rin yun. Dapat magkaroon sila ng timbangan ng bayan…tulad sa Farmers market.

  10. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    2,326
    #30
    Quote Originally Posted by fourtheboys96 View Post
    yung experience mo sa crab, imho, you are partly to blame. you should have known that any organism subjected to stress will lose some weight. in the case of the crab, it will be the fats and meat.

    yung sa shrimp, manloloko lang talaga yung nagtitinda.
    Unnatural yung payat nung crabs bro -- kumpara sa bigat nila sa timbang. I've seen crabs na na-stress na. These are about 1/4 their size! Palagay ko nga may kasamang tubig yun nung binili.

Page 3 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Beware of Roadside (seafood) vendors!