New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 28
  1. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    913
    #1
    pasensiya na sa rant.

    this happened on my way to work around 10am today. kasama ko sister ko sa kotse. nung nasa gitna na kami ng abad santos - tayuman intersection, biglang nag-yellow yung traffic light.

    so here comes this manila traffic enforcer flagging us down. eto yung mga naka-black shirt na may yellow print. so itinabi ko yung kotse paglagpas ng intersection, rolled down my windows and asked what is the problem.

    eto sabi niya:
    1. bakit daw lumusot pa ako kahit yellow na yung stoplight?
    2. dapat huminto na daw ako nung nakita ko na yellow
    3. ako yung huling kotse na tumawid

    here are my counter-argument:
    1. nasa gitna na ako. alangan namang huminto ako sa gitna ng intersection.
    2. marami kaming sasakyan na nasa gitna nung nag-yellow. at kaya naman kami inabutan ng yellow kasi nga mabagal ang andar namin
    3. ako nga huling tumawid. pero saan ba ako inabutan ng yellow light?

    napipikon na ako kasi ipinipilit pa rin niya violation ko. ang sa akin kasi, there is no such thing as beating the yellow light and kaya kami inabutan ng yellow light sa gitna ng intersection kasi mabagal mga sasakyan pagtawid. so he asked for my license. i showed him my license. pero nung akmang kukunin niya yung lisensiya, i moved it away (nasa loob pa ako ng kotse). alam ko kasi na pag ibinigay ko ang license ko, titiketan na niya agad ako. sabi niya kukunin daw niya lisensiya ko (are they allowed to do this? alam ko pulis and yung mapsa yellow boys lang ang pwede. mmda nga di na pwede). sabi ko naman, at ano ang violation ko? again, balik kami sa usapan sa itaas, with me telling him na there is no such violation.

    at this point makikiusap na lang sana ako to let us off kaya lang eto na yung kasama niya na manila traffic enforcer din (naka-dark shades pa) telling me na beating the red light ako. dito na ako nainis sa kanila. sabi ko sa kanya na yung kasama niya na humuhuli sa akin and we are arguing na inabutan nga ako ng yellow sa gitna and i did not beat any red light. sabi nung unang enforcer na kesyo may mga camera pa daw at kung gusto ko daw icontest na lang daw. sabi ko, asan ang camera? sabi nasa city hall daw. at this point i know there are just pulling my leg. kasi wala naman. i even remember him asking me "ilang taon ka na ba? 21?". so eto na, kaya siguro nila ako pinagtutulungan because i look young and baka ma-bully nila (i'm already 29). i also clearly remember them telling me na pwede naman daw nila akong hindi tiketan kung nakiusap lang daw sana ako ng maayos. pero sabi ko nga, hindi naman ako makikiusap kung wala naman akong ginagawang mali. kasi if i do, it's the same as admitting my kasalanan ako. at this point hinihintay ko na lang na humingi ng "lagay" itong mga ito. in fairness, hindi sila humingi ng lagay.

    then i asked for their identification. the first enforcer gave me his id reluctantly. tapos i gave him my license. sabi ko, sige ticketan mo na ako, basta ilalagay mo dyan yung violation ko beating the yellow light at icocontest ko na lang. ayaw naman ako bigyan ng ticket (siguro nga narealize niya na hindi niya pwedeng ilagay na ganun). so he asked for his id. sabi ko sure, basta isoli mo license ko. alam ko kasi once na nauna kong isoli ko yung id niya, di na niya ibabalik license ko. in the end, sabay naming inabot ang mga id namin sa isa't-isa. gusto ko sana ipoint out sa kanila na bakit yung mga puj/tricycles/kalesa na nakahinto sa intersection (kaya kami di makatawid ng mabuti) di nila hinuhuli tapos ako huhulihin nila just because naharang ako ng mga ito. pero i just bit my tongue.

    sa akin lang: first, i wouldn't allow them to give me a ticket for breaking something na hindi naman traffic violation. second, i'm urging them to use common sense to take into consideration kung bakit ako inabutan ng yellow sa gitna ng intersection.

    i would have let it go and makikiusap na lang sana. kaya lang nakakainis ako nung tipong binobola na ako (surveillance camera sa intersection ng abad santos at tayuman? duh!) because i look young and when they showed their ignorance of traffic violation plus their lack of common sense.

    eto yung details sa id niya:

    david matito
    manila traffic enforcer
    id number 0631

    wasn't able to get the other one.

  2. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    187
    #2
    paps, magkakulay na ngayon ang pula at dilaw para sa mga enforcer!

    tama ginawa mo. di ka nagpa-ulol sa mga yan.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,092
    #3
    lahat yata ng traffice enforcers eh basta yellow light na, "beating the red light" sa kanila...

    anyway, isa sa pinakamabilis if not sila pinakamabilis kausapin mga Manila TE...even without bribe...actually kahit meron talagang violation, if you talk to them nicely, more often than not hinde ka titicketan....

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #4
    actually, nadali din ako ng ganyan. intersection from naia road going to coastal. i was accelerating nung biglang nagyellow yung light. eh medyo malapad yung road na yun. pagdating ko sa kabila, pinara ako ng pulis dun, ang sabi, beating the yellow light daw ako.

    since naka barong ako that time, hiniritan ko yung pulis na ipakita sa akin ang batas (feeling lawyer) na nagsasabi na may violation ng beating the yellow light.

    he just let me go.

  5. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    120
    #5
    madalas may huli ng ganun sa ortigas/edsa intersection.. the yellow light duration is simply to short for you to cross the road. most of the time, it turns yellow 1/4 of the way, then 3/4 of the way, red na.. di kaya M.O yan para kumita?

    hindi ba dapat enough time for you to finish crossing the street? since yellow is just a warning that red is coming up.

    i like the idea of timer next to the traffic lights in many countries. it shows you how much time you have left for green light. in some places, they also have a quick yellow before turning green. so the cars stopped at the intersection can be ready to go once green na sya, rather than the usual 3-5 sec delay.

  6. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    171
    #6
    sa edsa rin gnyan sabi saken alam lang daw ng mga driver go ang light

    sabi ko naman ang alam mo lang stop hehe..

    ayun ok na!

  7. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    341
    #7
    yang mga yan e mang-iisa kung makaka-isa sila. along buendia nag beat ako ng yellow light, hinabol ako ng mga mapsa na naka mobile. di ko makuha sa paki-usap, ayun may tinawagan ako pinakausap ko sa kanila tapos bumait.

  8. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #8
    bad trip talaga yung ganyan... hindi pa naman ako nahuhuli nga ganyan, pero at least ngayon alam ko na ano gagawin sa mga lokong pulis na yan.

  9. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,601
    #9
    Reminds me of an older thread here. Sana tinakbuhan mo na lang kung yan lang naman pala ang sasabihin sayo. Kung ako yan kakaripas akong natatawa

  10. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    154
    #10
    Quote Originally Posted by enzo18 View Post
    yang mga yan e mang-iisa kung makaka-isa sila. along buendia nag beat ako ng yellow light, hinabol ako ng mga mapsa na naka mobile. di ko makuha sa paki-usap, ayun may tinawagan ako pinakausap ko sa kanila tapos bumait.
    Hehe. Ako naman early last year nahuli ako ng mapsa about "yellow light" din. 15 mins ako nakipag usap. Dinaan ko nalang sa diplomacy. In the end nag give up din sya dahil alam nya na hindi ako mag bibigay ng lagay.

Page 1 of 3 123 LastLast
Beating The Yellow Light