New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 41
  1. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #1
    nakakainis na itong mga delivery bikes ng pizzahut,

    one time sa wilson, going towards greenhills, pagdating sa cardinal santos may humps, so menor lahat. nung paakyat na ako nung hump bigla na lang from my left side sumulpot isang PH bike, cuts me deretso lang papasok ng cardinal santos, buti na ipreno ko.

    yung second time naman sa wilson din, ang mercury drug at pizzahut magkatabi dun. Meron isang galant na paatras sa parking ng mercury medyo masikip ka ingat yung babaeng driver. so intay ko sya mag park ako yung natapat sa pizza hut. nagulat ako nung biglang tinumbok ako ng PH bike tapos binusinahan ako at ang sama makatingin... eh wala naman ako magawa kasi nga nakaharang yung galant... ang ginawa nung PH bike.... rev ng todo sabay pinilit sa side ko lumusot... sa inis ko... sinugod ko yung opisina nila, yung manager puro sorry lang ang sinasabi... told her na one more stunt like that sa ospital pupulutin delivery boys nya...

    kagabi naman during the sudden heavy rain, sinundo ko bro-in-law ko sa LRT station sa gilmore... yung sandaling ulan na yun baha agad aurora... so one lane lang mga oto near the island... pag tawid ko ng gilmore bigla na lang may motor ng PH walang ilaw at pasalubong sya sa direction ng trafic... think this guy is waiting for an accident to happen


    dapat sa mga ito ipakulong sobrang reckless na sa kalsada...

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #2
    daming mga ogag na ganyan... akala mo eh ikamamatay nung customer nila kapag hindi na deliver agad ung pizza.

  3. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #3
    Quote Originally Posted by mazdamazda View Post
    daming mga ogag na ganyan... akala mo eh ikamamatay nung customer nila kapag hindi na deliver agad ung pizza.
    Negosyo naman nila ang malulugi, sa dami ng mga late deliveries na kelangan nilang tumbasan ng free pizza.

    Hindi naman dapat kasi i-encourage yung mga ganyang klaseng promos eh. Lalo lang nagiging reckless yung mga riders nila.

    Naalala ko tuloy one time, nagpa-deliver kami ng Chickenjoy in bulk, mga 20 orders. Ang tagal dumating, halos isang oras. Yun pala, yung unang rider na nag-deliver ng order namin, sumemplang daw sa daan.
    Last edited by Bogeyman; April 12th, 2007 at 03:30 PM.

  4. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #4
    HATE LATE! Kaya lagi silang nagmamadali. Naalala ko tuloy si Peter Parker (Spider Man).

    I really hate these speeding motorcyclists. Pag sumabit naman sa sasakyan mo, ikaw pa rin ang may kasalanan.

  5. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #5
    in fairness sa riders, kailangan nila talaga ng speed to the extent na pati
    buhay nila eh itaya tsk tsk. either kailangan nila kumota or sundin ang 30 min del time.
    siguro hindi pa nadadala yung isa na yun
    Last edited by XTO; April 12th, 2007 at 03:41 PM.

  6. FrankDrebin Guest
    #6
    Kapag late naman yung Pizza, magagalit naman yung customers at yung manager nila.

  7. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    46
    #7
    Had a similar experience with delivery bikes as well.. pero sa shakeys katipunan branch. As i turned left from katipunan heading the street of shakeys and mcdo sinalubong ako ng head on ng delivery boy. sabay biglang liko sa parking nila. I almost hit the bike. tapos tumigil ako to look at him. pag tingin ko kumakaway pa ang loko na parang naghahamon pa.

    Binabaan ko nga.. gulat sha when he saw me. called the attention of their manager. apparently, kakabalik lang pala ng ulul na yun from suspension due to reckless driving.the manager was very apologetic because of what happened. medyo kups pa mga dahilan nya kung bakit nya nagawa yun. sa pikon ko binigyan ko sha ng left jab sa dibdib. pasalamat sha yun lang inabot nya.:mad:

  8. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    229
    #8
    dapat talagang magkaroon ng law against these idiots,their accidents waiting to happen,ang hirap dito sa mga balasubas ne eto, magagaling sumingit pag nakasabit,nakabangga,nakasagasa wala namang pang bayad,kaya who can blame us kung patulan mo ang eto paminsan minsan,

    mrwordplay tama lang yung ginawa ninyo i'm 100 percent with you on this,dapat lang makatikim tikim lang yung bwiset na yun!

  9. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,119
    #9
    Naku mrwordplay, nakakatakot ka palang makasalubong sa daan

    Anyway, dapat mag-complain tayo sa DTI?! Para ma-stop na yang promotion ng Pizza Hut na yan or boycott their delivery services! Pero actually di ko naman type talaga Pizza Hut, mas gusto ko pa rin Yellow Cab

  10. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    2,380
    #10
    nkakabwisit mga ganyan sana wla nalng yung mga 30 mins. guarantee, for me i don't mind if it takes them up to 45 mins wag lang 1 hour. dati isang beses nasabitan ako sa side mirror ng isang motor pero ndi delivery, tlagang siningil ko siya kahit sinasabi niya na "pasensya na walng pambayad" mga palusot nila kahit meron sabi ko"either bayaran mo pagawa ko nito or bayaran mo ng oras mo sa kulungan" ayun nagbayad yung loko nagkaayos kami sa presinto. at least by that way di nila masasabi na lahat ng driver ay makukuha sa paawa at kamot ng ulo effect. nakatulong din siguro yun para kahit isa ay nadagdag na siguro sa mga magiingat magmotor.

Page 1 of 5 12345 LastLast
balasubas pizzahut delivery bikes