New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Results 11 to 20 of 28
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    484
    #11
    Hyundai Alabang-Dealership na hindi ko na babalikan... Sinira back panel ng starex namin nung kinabit nila plate number.

    Hyundai Makati-Sinira nila clutch namin & hindi nila hinigpitan ang mga turnilyo na kinalas nila : :Kaya sa hyundai san pablo na kami ngayon..

    Hyundai Starex is the best van in terms of Ride Quality & one of the fastest van, but it's not as solid & reliable if you compare it to japanese made vehicle.
    Madami small problem na lumalabas compare to our japanesse cars & van.

  2. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,046
    #12
    yung mga dealer/service dept. experiences, imho, dipende sa dealer yan. di pwedeng i-single out ang dealer ng particular na car manufacturer. mas maganda sigurong sabihin natin na, "yung service dept ng [insert dealer name] sa may [insert name of place] ay di maganda ang customer service."

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #13
    Sinira back panel ng starex namin nung kinabit nila plate number.
    Ibang klase talaga rear plate mount ng Korean cars. Never have them installed at the dealership because chances are hindi nila alam ikabit iyon. Iinit talaga ulo mo lalo na kung pinapanood mo sila.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,382
    #14
    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    Ibang klase talaga rear plate mount ng Korean cars. Never have them installed at the dealership because chances are hindi nila alam ikabit iyon. Iinit talaga ulo mo lalo na kung pinapanood mo sila.
    Ironic, but true. Mga bagito pati yung ibang service staff. That's why I went to my suking tindahan for the license plate installation. The guys there are more resourceful. Plus they've had more experience with all sorts of cars.

  5. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    13,602
    #15
    how about w/ the after sales services of suzuki and kia? are they any good?

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,335
    #16
    Quote Originally Posted by 3kings View Post
    just today, i had my ride checked at isuzu makati. the service guy called me around 1:20pm and told me that the unit is ready and they are just having it test driven. i arrived 3:40pm. my ride is still on the road. it arrived 4:50pm.

    why did it took them so long to test drive my suv? i noticed that the odometer had around 50+km excess. what did they do? joyride?

    that's too much!!!!
    Buti sa NGQA some months ago they informed us that they will have to bring the vehicle to NLEX to bring it up to speed (to find the ugong sound and wind noise which came up at consistent speeds over 120kph)... and they advised us on the delay as it was raining and they did not want to risk anything.

    Ako with Honda Quezon City we already placed down a DP for a new Civic after they advised us that it'll be available at the end of the month. Come end of the month, not a sound from them... i texted the Sales Manager and Sales Exec, walang reply... I had to call them pa and that's when they said they'll get back to me again and when they did, towards the end of the next month pa. We promptly cancelled our order and instead bought a 2nd hand car as a project car. We would not mind the extra wait if they had the decency and professionalism to at least keep us informed on the status of the vehicle availability, kami pa yung nag-abala. Mas ok pa yung treatment nung personnel nila who accompanied us on a test drive.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #17
    sa Ford Quezon Ave.. reklamo ko ang maingay ng sliding door ng E150

    Itinuro naman ang cause, kaso di daw nila pwede galawin kasi. wala daw stock na rivet.


    in 3 months time, wala pa rin... punta ako sa screwmaster shop sa del monte ave., at nagtanong kung meron silang rivet katulad sa ford.. at ang sagot wala, pero may paraan -- washer!

  8. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    703
    #18
    Wala bang mga Customer Relations Officers yan mga dealers na yan? Diretso Service Manager or Sales Agent lang?

  9. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,613
    #19
    Quote Originally Posted by BoEinG_747 View Post
    50 K + ...saan kaya nag road test iyan ?
    baka nag swimming with the family hak hak!

    in my case inteco q. ave. under warranty pa ng nag leak ang

    power steering. pinabayaran pa sa 'kin yung atf. kups din

    hirap na lang makipag talo lumaki pa diprensya. :seesaw:

  10. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    186
    #20
    eto faulty service ng isuzu manila...

    nung nagpa 45,000 km service ako ng isuzu hilander doon, ok naman ang service nila.

    pero after 2 weeks and dagdag 800+ kms sa odo, pumutok yung oil cooler hose & naubos lahat ng tubig sa radiator! nawalan ng power yung engine & namatay agad. lam ko nag overheat na yun kahit hindi tumaas yung temp gauge sa red line!

    buti na lang may nahanap akong mekaniko sa tabi-tabi, at nilagyan nya ng temporary hose. nakauwi pa ako sa bahay.

    kinabukasan dinala ko agad sa isuzu manila yng hilander ko. tinatanong ko kung bakit hindi nila na-check yung hose, lalo na katabi nya lang ang oil filter na pinalitan noong nagpa 45,000 km checkup. ang sabi ba naman sakin "natural na bumibigay ang mga hoses pag 5+ years old na ang sasakyan". since white smoke na ang lumalabas sa muffler at sobra hina na ng power ng engine, pina-check ko ang compression ng pistons -- patay, may singaw ang 2 pistons dahil sa pagka-overheat! ayaw naman nila sagutin yung engine overhaul dahil nangyari daw ang overheat 'outside' ng casa. sa inis ko, inuwi ko na lang sa bahay yng hilander ko (at maraming naiinis na drivers dahil sobra baho ng puting usok).

    sinulatan ko agad ang supervisor ng isuzu manila -- kinuwento ko mula sa pagservice hanggang sa inuwi ko sa bahay (after visiting their casa). after 3 days may dumating na tow truck sa amin, at kukunin na daw yung hilander para i-overhaul yung engine FREE OF CHARGE!

    after 6 months ... binenta ko na yng hilander ko, hindi dahil 'nabuksan' na yung makita, kundi problema ko naman yung frequent na nababasag na bearings!

    -------

    lesson: wag 100% umasa sa casa sa pag-service. mas maganda, after lumabas sa casa, i-check nyo pa rin kung may leak, crack, or anything na suspicious sa engine, brakes, etc.

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Bad experience with others besides Toyota