New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 21 to 30 of 39
  1. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    196
    #21
    ako naman po ay natutuwa sa aking mga nabasa, para akong bumalik sa panahon ni florante at laura...at para naman po sa nag simula ng thread (ipagpaumanhin nyo po at hindi ko alam ang tagalog nito) sana po ay maayos na ang inyong suliranin, kung hindi naman po ay sana naman ay mapanatag na ang inyong kalooban sa pagsisiwalat sa amin ng inyong nararamdaman...talos po namin lahat na mahirap ang buhay, sadyang ganyan lamang dito sa mundong ibabaw...minsan makakatagpo ka ng isang mapagsamantalang tao na di marunong tumupad sa isang pangako...ngunit pakatandaan lamang po na hindi sa lahat ng pagkakataon ay sila ay makakapangloko, makakatagpo din sila ng isang katoto na maggagawad sa kanila ng leksyon...






    nosebleed:headache:

  2. Join Date
    May 2007
    Posts
    2,640
    #22
    Kuyang Bulits, ako rin po ay nakikiramay sa inyong balitaktakan dito sa Tsikot. Pilit bang niyuyurakan ang pagkatao mo nitong mokong na ito? Susmarosep! Yang mga ganyang tao ay mga peste at impostor!

    Tama ang ating mga katotong Tsikoteers na ipagpasa-Dyos mo na lang ang pagyayaring ito!

    Naway bigyan ka ng lakas para makaalpas ka sa ganitong sitwasyon!

    ==================================================

    But seriously, minsan talaga hindi mo maiwasan na may mga mokong na ganito lalu na pagdating sa mga aksidente... And to top it all politician pa sya sa Calookan! Kakahiya sya!

    Kung kaya pang pigain pa ng kaunti para magbayad sige lang, pero if you think its straining you and giving you headaches, tantanan na lang ninyo... Hirap lang talaga kase nakakahinayang minsan pero sometimes you have to let go na lang para ma free ka na lang from worries...

  3. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,455
    #23
    charged to experienced na lang...4k lang pala eh. pero may panggastos ka sa internet para mag-post. peace

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    109
    #24
    labis labis ang aking kagalakan at marami sa inyo ang nakikisimpatiya sa aking hinagpis. malaking bagay na sa akin ang inyong mga tinuran. para baga akong nabunutan ng tinik sa aking lalamunan at ang aking pagdadalamhati ay naibsan. muli maraming salamat sa inyo mga katoto.

  5. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    733
    #25
    pagpapalain ka lagi nawa ng Puong Maykapal!

    seems like florante and laura! :faint:

    :peace:

  6. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,542
    #26
    Kapatid, Ipag-paubaya mo na lang sa Maykapal ang lahat. Sigurado ka namang lahat ng iyan ay may karampatang balik sa kanya (karma).

    Singilin mo na lang sa iyong Karanasan (Charge to Experience - tama ba? )

    Politiko ba kamo? Ay naku, huwag ka nang umasa. Magaling lamang ang mga yan kung sila ang may kailangan pero pag sila ang may kasalanan, ay nakupo

  7. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,456
    #27
    Kinailangan ko pang manghagilap ng balarila para lang maintindihan ang mga pinagsasalita niyo. hehehe

  8. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,976
    #28
    Mga damuhong ire!

  9. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,743
    #29
    kapatid na bulits. sadyang kalunos-lunos ang iyong sinapit. mabuti na lamang at ikaw ay nakapagtimpi. sa ganyang kapalaran kadalasay hindi maganda at kaaya-aya ang nagiging resulta ng ating mga aksyon. lalo na't nasa rurok ka na ng galit at muhi.

    naway dapuan ng kunsensya ang buwitreng iyon at umabot sa sukdulan, ng sa gayon ay maibalik pa din sa iyo ang karampatang halaga.

    ituloy ang pakikibaka!

  10. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    2,615
    #30
    kaibigan/kapamilya/kapuso,

    nais ko sanang imungkahi na ihabla mo ang taong nangloko sa iyo upang mabigyan man lamang siya ng leksyon. subalit alam kong hindi ito magiging praktikal para sa iyo.

    bahala na ang langit sa kanya.

Page 3 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
09202069411 ayaw ako bayaran