Ang pinakaunang dapat alamin sa sandaling magdesisyon na gastusin ang natipong salapi para ibili ng inaasam na sasakyan ay sukatin muna ang kaya ng iyong budget gastusan sa sandaling mag-may-ari na ng tinatarget na kotse, van o utility car.

Kung ito man ay second-hand o car loan plan, mahalagang isaalang-alang ang buwanan mong nakatokang budget para sa car expenses sapagkat magiging pabigat imbes na makatulong ang sasakyan sa sandaling bumili ka ng hindi mo naman kayang i maintain

Ihiwalay ang parte sa budget para sa kotse ang para sa gasolina, maintenance at loan amortization kung ito’y car loan.

Matapos itugma ang budget, alamin naman ang model na nararapat sa iyo.

Ikaw ba’y pamilyado o single? Saan mo ba gagamitin ang sasakyan, papunta ba sa trabaho, pandala ng mabibigat na gamit o sa malayuang pagbibiyahe?

Ayon sa car buying tips ng www.tipsandtreats.com, personal ang pagpili ng ibibiling sasakyan.

Kung pampamilya, praktikal ang uso ngayong vans at utility vehicles gaya ng FX, Adventure at Hi-lander. Dito’y maaaring magkasya ang dose hanggang 18-katao na bagay na bagay sa mga Pinoy na karaniwan ang extended families.

Kung gamit naman sa biyaheng pansiyudad kung saan papasok sa ‘di kalayuang trabaho, swak ang mga compact cars. Madali na imaneho, matipid pa sa gasolina ang mga bagong modelo.

Mainam naman sa praktikal na paggagamitan ng sasakyan ang pickups at maliliit na trucks. Puwede itong gamitin sa mga negosyo bilang pangkarga sa deliveries.

Itong dalawang hakbang ang una parte sa dapat gawin bago bumuli ng sasakyan. Ang sumunod na isasakatuparang proseso ay mas mabusisi sapagkat dapat ka nang maghanap ng tamang car dealer at mekanikong tutulong sa iyong inspeksyunin ang napili mong pagkakagastahan.
************************************************** *******

nabasa ko lang , share ko lang dito .kung ano man ang kulang ay dagdagan na lang natin at kung meron kapareho na thread or tips ,
mga MOD plis pakidelete na lang po