isama ko na sa general appropriations ko ang driving lesson nya. di ko kasi binudget e.
tsaka insurance na rin. dami gastos nito. tsk tsk tsk.
isama ko na sa general appropriations ko ang driving lesson nya. di ko kasi binudget e.
tsaka insurance na rin. dami gastos nito. tsk tsk tsk.
Last edited by robot.sonic; January 22nd, 2013 at 12:18 AM.
kaw na magturo sir, before mag-start explain mo lang lahat ng function dun sa car what makes it move and stop tapos hanap kayo ng open area kahit vacant na parking lot or as in lot na walang distraction muna. if MT un car maganda magpraktis sya sa humps para matimpla nya un gas,clutch and brakes, paulet ulet lang un, basta wag bababa totally un car sa humps hanggan masanay nya timplahin un apak nya, if AT naman mas madali siguro ituro na kasi di nya sya worry mamatayan sya makina kasi ala clutch kaw nalang din magtyaga ituro lahat pati parking saka proper distance basta paunti unti muna ..just show her na you trust her makuha nun un confidence nya sa sarili nya
Last year tinuruan ko yung friend kong babae how to drive. Totally zero knowledge din sa cars. Ang ginawa ko lang inexplain ko lahat ng nakikita ko sa harap ko being the driver. After that tinuruan ko kung paano magstart ng kotse, pinagawa ko sa kanya a few times. Then explained how the MT gears work and para saan yung 1,2,3,4,5 sa stick shift as well as yung pagtimpla ng clutch. I guess nakakatulong din yung inexplain ko lahat clearly and concretely bago ko sya pinaupo sa driver's seat.
Ayun 30 mins lang marunong na syang mag atras abante. Namamatayan syempre pero nagamay nya na agad. Basta wag ka lang magpapanic, trust her kahit papaano para maging confident hehe. Partida sa isang narrow street ko pa sya tinuruan.
Last edited by Chikselog; January 22nd, 2013 at 12:54 AM.
dalhin ko na lang siguro sya sa UP. Sa may college of science (kung yun pa ang tawag don ngayon) medyo may maluwag na space don. worry ko lang kasi kung mag sudden acceleration e. baka di kayanin ng hand brake.
Tama enroll mo na lang sir imho. Baka magaway lang kayo at mawalan pa sya gana magdrive kapag nasisigawan na. Hehe. Yung mga instructor kasi sa driving school mahaba pasensya kasi work nila yun at di naman nila kotse. A/T naman yan so mabilis lang yan. Kapag medyo alam na nya basic dun muna ifollow up. Sa kanya mo muna pa drive everyday para masanay tapos wag mo muna pagawa agad yung mga bangga hanggat di pa sya confident magdrive.
dati,nung tinuturuan ko pa drive si mrs(fiera pa sasakyan noon)
pumupunta pa kami sa labas bayan,para ala masyado tao
nung naka 2 ikot na kami,sabi ko sya na drive pauwi sa bahay
nung lapit na kami,bigla may tumawid na bata,gulat kami pareho,sabi ko preno!!!
buti,di din sya nag panic at preno talaga natapakan,
mula noon,ayaw na nya
pag drive ko na lang daw sya
hay naku!!!
kung mahaba pasensya mo, pwedeng ikaw na magturo.
pero suggestion ko i-explain mo muna kung paano gumagana ang sasakyan. yung basics lang para hindi yung nasa loob na kayo ng kotse tsaka pa siya magtatanong.