I think gipit din lang siya kasi he mentioned wigo lang sasakyan niya at di siya well off kaya gusto niya ma "compensate". Pero kahit marami siya pera, still the proper thing for the colleagues to do is to offer to share. Sa family ko, kahit gaano ka close we always offer like when I drive my Tita (sister ng Dad ko) to Laguna, she would always offer to pay for gas. I refuse pero papadala yan ng food or something after. It's not about being makwenta but more on pakikisama.
Sent from my SM-N960F using Tapatalk
Makwenta nga yung ganyan, up to the last cent gusto bilang.. Hehehe [emoji16] Kung pupunta sya na gamit sasakyan may kasabay man o wala same pa din ang gastos.. Di niya kailangan maningil, magkukusa naman sigurado yung makikisabay..
Kapag kakilala mo na, automatic yun.. Bihira lang yung makapal ang mukha..
wala ka kasi nakaka salamuha na gipit sa buhay :P I posted this story several times na, yung officemate ko na at that time was driving a brand new FD civic pero nung nakasama ko mag merienda nagtaka ako bakit yun lang kinakain niya and he said maliit lang budget niya for food Then another occasion he told me kailangan na niya magpalit battery pero wala siya pambili. I am just shocked there are people that earn a good salary and yet sagad ang sweldo
Siguro ganun din si guy, see, Wigo nga lang binili niya, baka 20% down pa yun :P
Unfortunately based on stories I read and watch on social media, mas maraming walang etiquette at makakapal na mukha ngayon. Even sa office namin dami mga hindi marunong makisama
Wigo, I'm assuming mga tipong call center team na yan. Mga ilan lang sa member ng team may sasakyan. Usually yan either they will rent a couple of vans or yung may sasakyan ang transpo in which paghahatian ng mga driver yung fund para sa rental van.
Yung team ng may ari ng wigo mukhang hindi ganun usapan, malamang "kayo kayo na mag usap".
If gas and toll are not covered by company expenses, then this is the correct way. Split talaga yan. Kahit sa aming matagal nang magkakaibigan laging may ganyang alok kapag gusto na sa van sasakay at hindi kanya-kanya.
But if covered by company car, help the company and more importantly the environment and accomodate as much as possible hehehe