No offense, bro, please bear with me...
Sa mga tasks sa preparations na iyan, sa tingin ko lang, ha, tinatamad ka lang kaya ka nagkakaganyan. Hindi ka naman nawawalan ng gana or what. Ganyan kasi ako noon, e.
Maraming nagsasabi, kapag medyo hindi kasundo ng isang tao ang mga potential in-laws niya, na "hindi naman sila ang pakakasalan mo, iyung siyota mo lang." Technically, they're right. But in reality, they're veerrry wrong... Lahat talaga ng miyembro ng pamilya niya, kailangan mo siyempreng pakisamahan. Kaya dapat talaga, kasundo mo sila lahat, or at least kaya mong sikmurain, hindi iyung gustung-gusto mo silang sikmuraan.
Now, if you're really having second thoughts, I suggest na huwag mo na munang ituloy. Kaso, sa ganitong postponement, kahit gaano pa ka-valid at ka-considerate sa pag-iwas sa isang hinaharap na masalimuot ("love, mabuti nang i-postpone na muna natin, kesa naman magpakasal tayo tapos lagi na lang tayong mag-aaway o lagi na lang kaming mag-aaway ng nanay mo/baka maghiwalay lang tayo, <insert your noble reason here> etc..."), masasaktan pa rin ang GF mo. You're in between a rock and hard place, bro.
Siguro naman nawawala naman ang mga agam-agam mo tuwing masisilayan ng mga mata mo ang love mo... kapag ganun, haaay, huwag nang mag-alinlangan pa...