New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 2 of 2
  1. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    474
    #1
    http://parentswish.com/site01/big.html

    Parent's wish

    Please watch the link above and have your speaker on...

    Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng
    kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa
    hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang
    matanda. Nagse-self-pity ako a tuwing sisigawan mo ako.

    Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,
    huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang
    sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga
    ako.

    Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
    katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

    Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit
    ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako.

    Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan
    mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo 'yong
    sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang
    gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

    Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
    Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling
    magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan
    mo noong bata ka pa? Pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag
    ayaw mong maligo.

    Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito
    ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

    Kapag may konti kang panahon, magkwentohan naman tayo, kahit sandali
    lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong
    busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na
    akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga
    kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong
    pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong
    teddy bear.

    At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig
    ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

    Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,
    pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
    Tutal hindi na naman ako magtatagal.

    Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking
    kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

    At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
    ibubulong ko sa kanya na pag-palain ka sana dahil naging mapagmahal ka
    sa iyong ama't ina.
    Last edited by russpogi; May 3rd, 2008 at 06:30 AM. Reason: added quotes

  2. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    849
    #2
    teary eyed.

Parent's wish