yun isa naman kakilala namin, pilit na pinaalis ng wife yun asawa nya. kasi yun asawa niya (na kaibigan ko) nalugi sa negosyo, naging bum for so many years, nagpasabong ng gagamba sa kanilang bahay, tapos nagpakarera ng kalapati from Luzon to Mindanao and back ata (hanggang ngaun di ko pa din maintindihan 'to)
yun wife pa yun nagaasikaso ng papeles para umalis siya. ng nakaalis na, sabi sa'min ng wife, ok na daw andun siya para magtino. ang tanong namin: eh kelan naman kayo susunod mag-iina mag-migrate dun? hindi na daw siya susunod basta padala na lang siya ng pera. tapos last election, yun wife active na nangagampanya sa bago niyang boylet na kandidato sa munisipyo nila. nag-iimbita pa nga ata eh, mag-boracay daw kami double-date ngaun lean season Oct, kasama yun pulitiko.
sa'kin ok lang kasi trip ko makipag-usap sa mga pulitiko pero yun nga lang ano na lang iisipin ng kaibigan ko pag nakita niya sa friendster na may kasama kami iba sa bora ... hirap talaga ng ganitong sitwasyon ... damned if you do, damned if you dont go on vacation.
nakakalungkot naman yung experience mo kung totoo man.pero isipin mo na lang na nabubuhay tayo sa magulong mundo ngayon,krimen,sugal,laklak,drugs,pakikiapid,etc.an dyan lahat.at tsaka tama rin si DONT na marami ring bagay na dapat iconsider sa iyo at malay mo na may mas nauna pang nagbalita sa misis tungkol sa iyo na may iba ka rin kaya nagawa ni misis mo yun.no offense, pero kailangang harapin mo yan.may kasabihan nga na kung magpapadala ka ng isang kilong karneng baboy eh pagdating sa may ari nabawasan kasi nga masarap,eh kung magpadala ka naman ng balita kadalasan dinadagdagan kasi nga hindi masarap pag yun lang eksakto.kung ako sa iyo ang pinakaunang target ko dyan ay yung nagbalita na patutuhanan nya kung talagang totoo then si misis mo at pakinggan mo kung anong maging sagot nya saka pag usapan nyo at disisyonan mo kung anong dapat.kung kumakain ka ng adobong baboy na sa panlasa mo ay karneng aso na at kung di mo talaga malunok,pag isipan mo kung kailangan mo pa itong nguyain para malunok mo o iluwa mo na,ikaw pa rin ang magdidisisyon,kasi ang sa amin dito ay nagshare lang ng kanikanilang experience,mga comment,mga advise pero hindi ibig sabihin na yan na ang gagawin mo,gaya ng sinasabi ko nasa sa iyo pa rin ang huling disisyon,at sinasabi rin ng marami dito na huwag na huwag kang gagawa ng action na labag sa batas at sa kalooban mo dahil sa kahulihulihan ikaw pa rin ang magsasuffer,isipin mo na walang nangyari,at fucos ka muna sa iyong trabaho,at alam ng marami dito na hindi madaling gawin ito pero wala kang magagawa nasa malayo ka pray ka na lang na sana hindi yan totoo at sana di ka magpadala sa iyong nararamdaman.
My wife has the same sentiments. Mag-ingat daw sa mga tahimik kasi nasa loob ang kulo.
Nung high school, medyo ilap daw sa kanya yung mga conservative schoolmates niya kasi she can speak her mind, at kaya niyang makipagsabayan sa mga banat ng mga guys.
Years later, kung sino pa yung mga classmates niyang manang at pa-tweetums, sila na yung mga dalagang ina ngayon.
Last edited by Bogeyman; September 29th, 2007 at 11:01 AM.
Hindi lang sabunutan, sarap batukan! . Nagiging ma-arte na nga lately eh because she has lotsa moolah from her hardworking hubby.
It is very hard when I think about it. Her husband and I have been friends since grade school and sometimes he even asks me to look after his only son. One time I invited him to have breakfast at McDo because the mommy was too "busy" to take him. I asked him if he missed his dad, hindi siya umimik but then his tears rolled down very quickly and sure enough I cried a bit too.
Kakainis!
MY GOD BRO!!. talaga?... kakabagbag damdamin naman yan.
sikip tuloy diddib ko...
so the kid has knowledge ha?.. ano sa palagay mo bro?...tssiikk tsssikk.
bigat naman yan.
dapat mabigyan ng isang *#$$#%*# yan baka sakaling matauhan.
bro bigay mo sa akin address ng hubby sa abroad.... ([SIZE=1]joke[/SIZE] [SIZE=1]lang... hirap naki saw saw bro[/SIZE].)
but the reality is we really can't help being affected eh.. wheewww bigat. sana kunin na ng Lord yun malditang yun.
i suggest umuwi iyong OFW ng hindi alam ng misis o kahit sino sa family niya para siya mismo ang mag-imbistiga kung may katotohanan ang ibinalita sa kanya ng kaibigan niya. in this case by his own two eyes mismo makikita nya kung nagloloko nga asawa niya. nangyari na rin eto sa dati kong kasamahan sa saudi at ganoon ang ginawa niya. iyon napatunayan niya na tama ang balita sa kanya ng kamag-anak niya na nagloloko asawa niya at inamin naman ng babae na hindi sa kanya iyong ipinagbubuntis niya. ngayon hiwalay na sila. masaklap tambay lang iyong lalaki at durugista pa. kalimitan etong mga taong ganito na walang magawa sa buhay ang siyang nagiging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa. bobolahin iyong babae hanggang bumigay. that time hindi pa uso txt sulat lang communication di mas lalo na ngayon patxt-txt na lang. lahat ng kinita niya ipinadadala niya noon sa asawa niya. kawawa talaga siya pero nakapag-move on na rin siya after that incident .mahirap talaga sitwasyon namin mga ofw. pero walang magagawa kundi magtiis at makipagsapalaran. "Lord kayo na po ang bahala".