New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 21 to 30 of 34
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #21
    Quote Originally Posted by CVT View Post


    I agree with you bro....

    I think the most endearing quality that our mother imparted on my siblings and me,- is to learn how to live within our means.

    Maliit lang baon ko ng HS and College,- just enough for my transportation fare + very little extra... Baon lang ako for merienda and lunch.....Pero, I never asked them for money outside of that, because I knew that my parents were barely trying to make ends meet... At the end of the school year, I have money to buy my textbooks, and school supplies pa...

    Pahiya nga ako kahit hangga ngayon pag nabubuksan ang kuwentong ito: She's an elementary Math teacher and was trying to augment what I learned from my Math teacher during my elementary days...Lesson was on modulo, and she found out that my teacher was teaching the lesson wrongly,- I did not believe her but instead stuck with what my Math teacher(God bless his soul) was telling us... That was the only time she tried to help me in my studies,- as I was very independent academically....Found out later,- mali nga!... Pahiya talaga ako....

    So much pride kasi ako noon....

    19.8K:sailor:
    naalala ko pa hanggang ngayon noong tinuturuan ako nang nanay ko noong elementary ako... kabisote kasi ako... saka mabagal pick up ko... sa sobrang galit sa akin nang nanay ko hinahampas sa akin ang libro minsan sa mukha pa at para daw maintindihan ko... nauuwi lalo sa iyakan.

    minsan pa nga nilaga yung libro at papakain sa akin para matuto akong mag aral. wala epek tamad talaga kasi ako mag aral puro laro lang ginagawa ko,

  2. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    56,753
    #22
    Quote Originally Posted by chrismarte View Post
    Kahapon may inorganize na party yung bunso ko na utol and yung sis ko na SC. one week before tumawag sila na may organize silang party for my mom na mag 60 na today patak patak daw kaming apat magkakapatid. Nag ok ako but with condition na hindi nya sasabihin sa kuya ko at ermats ko na kinontak nila ako.

    So yun nga, ok nmn daw kinalabasan. Kagabi after the event naka received ako nang tawag galing sa ermats ko at nagpapasalamat, di pala nakatiis yung 2 sisters ko na hindi sabihin na nag share baka daw kasi masamain ng kuya ko pag ang alam eh wala akong paki sa ermats ko. from time to time nagpapadala din naman ako pang arthro pinapadaan ko sa sister ko at di ko pinapasabi na galing sakin


    Happy Birthday mudrakels! ang hindi ko makakalimutan sa kanya na bilin sa akin noon ay" Magkaroon lang ako ng HIYA, marunong na akong magpakatao"
    Why wouldn't you want your Mom to know that you shared in the expenses for her party?

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #23
    Clavel, ok lang yun.... at least, accepted nya weaknesses mo.
    Ako maski nakapasa, pero below of what my mom was expecting, ginugulpi pa ako.....

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #24
    Quote Originally Posted by 1D4LV View Post
    Clavel, ok lang yun.... at least, accepted nya weaknesses mo.
    Ako maski nakapasa, pero below of what my mom was expecting, ginugulpi pa ako.....
    yah...pero noong bata tayo hindi natin naiintindihan yun... alam lang natin kawawa tayo...

    kaya ang pumapasok sa utak ko ang BOBO ko... kaya ayun wala akong ganang mag aral.

  5. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #25

    Masyado pa kasing mura ang utak natin noon,- kaya mahirap maintindihan mga bros...

    At natural na mga rebelde tayo noong bata...

    Suwerte lang natin that they really care for us,- they want us to be the persons we are now....

    Thanks Mom!

    19.8K:sailor:

  6. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #26
    Quote Originally Posted by CVT View Post

    Masyado pa kasing mura ang utak natin noon,- kaya mahirap maintindihan mga bros...

    At natural na mga rebelde tayo noong bata...

    Suwerte lang natin that they really care for us,- they want us to be the persons we are now....

    Thanks Mom!

    19.8K:sailor:
    isang bagay lang ang maiipagmamalaki ko sa nanay ko... kahit kailan hindi ako nagrebelde sa kanila kahit napakagulo nang family environment na kinalakhan ko.

    Iniiwasan ko mag akyat nang sakit nang ulo sa nanay ko pag may gulo ako napasukan hindi nya ako pinoproblema... Noong nakulong ako hindi sya namoblema na pyansahan at hanapan ako nang abogado dahil ginawan ko kaagad nang paraan yun noong 16yrs old ako at sa tulong nang mga kaibigan ko nagawan kaagad nang paraan yun at hindi na lumalala pa.

  7. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    1,945
    #27
    Kay inay ko nalaman na kahit anung tibay ng walis tambo, nababali kapag pinampapalo.


    Mga Ginintuang Aral Mula Kina Inay at Itay


    TANDANG TANDA NAMIN NI KUYA ANG SAYA AT LUMBAY SA PODER NILA INAY AT ITAY...LALO NA ANG MGA MAGAGANDANG LEKSYON NA NATUTUNAN NAMIN SA KANILA!

    1. Si Inay, tinuruan niya ako ng HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
    "Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas. Mga ******* kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

    2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
    "Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

    3. Si Itay, tinuruan niya kami ni Kuya kung anong ibig sabihin ng TIME TRAVEL.
    "Kung di kayo tumigil ng pagngangawa diyan, tatadyakan ko kayo ng todo hanggang umabot kayo sa isang linggo!"

    4. Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
    "Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

    5. Kay Inay din ako natuto ng MORE LOGIC.
    "Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng sine."

    6. Kay Itay naman natuto ng FORESIGHT si Kuya.
    "Siguraduhin mo na lagi kang mag susuot ng malinis na brief, para pag nakascore ka sa syota mo e di ka hihiya hiya."

    7. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY.
    "Sige ngumalngal ka, kung di bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

    8. Kay Inay ako natuto ng science of OSMOSIS.
    "*******, itigil mo ang kadadakdak at tapusin mong kainin ang inihanda kong hapunan para sa iyo."

    9. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
    "Tignan mo nga yan dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo?!?"

    10. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
    "Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos kainin lahat yan gulay mo!"

    11. At si Inay ang nagturo sa amin kung anong ibig sabihin ng WEATHER.
    "Alangya, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

    12. CIRCLE OF LIFE, ang paliwanag sa akin ni Inay ay ganito:
    "Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

    13. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
    "Tatadyakan kita diyan, huwag ka ngang maguumarte diyan ng parang Nanay mo!"

    14. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.
    "Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?."

    15. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
    "Tangna kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay...."!

    16. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung ano ibig sabihin ng RECEIVING.
    "Uupakan kita pagdating natin sa bahay....!"

    17. Si Inay naman ang nagturo sa aking kung ano ang HUMOR.
    "Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawn mover,
    wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpohin kita!"

    18. Kay Itay naman natuto si Kuya ng HOW TO BECOME AN ADULT.
    "Kung di ka matutong magbati, eh di ka nga tatangkad."

    19. Si Inay ang nagturo sa akin kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
    "Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya."

    20. Kay Inay din ako natuto ng WISDOM.
    "Pag umabot ka na ng edad ko, saka mo pa lang maiintindihan ang lahat."

    21. At ang paborito ko sa lahat na natutunan ko kay Inay at Itay ay kung ano ang JUSTICE.
    "Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, panalangin namin na sana'y matulad sila sa yo... haliparot!"
    Mga Ginintuang Aral Mula Kina Inay at Itay

  8. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #28
    Quote Originally Posted by Cathy_for_you View Post
    Why wouldn't you want your Mom to know that you shared in the expenses for her party?
    balato mo na lang sa akin pero after nung event ok na

  9. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,787
    #29
    Quote Originally Posted by CLAVEL3699 View Post
    ^^^ wag na wag mo hayaan ang ibang tao ang magturo nang masisilan na bagay sa anak mo... ikaw dapat ang magturo at gumabay sa kanya.

    Haha, ako nga dati sir self study lang.

  10. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    56,753
    #30
    ^Kaya ka pala ganyan :peace:

    Sent from my GT-N7100 using Tapatalk 4 Beta

    #retzing

Page 3 of 4 FirstFirst 1234 LastLast

Tags for this Thread

My nanay...