Kaya ko lang natanong kasi andami kong kilalang matitigas at astig, mga walang inaatrasan sa laban, handang mamatay at pumatay ika nga, kaso nung nag asawa,
Tupi, tiklop, bahag ang buntot pag tumawag si kumander
Meron pa isang tropa, bago pa ikasal pinagmamalaki samin nagusap na daw sila ng mapapangasawa niya na pag Friday, di daw pwede makialam si misis pag may lakad siya
Siya daw ang masusunod. E ayun nung kinasal, pag kami kami lang magkakasama ang lakas ng boses pabida sa kwentuhan, pag nag ring cellphone, biglang humihinay ang tono, sige dear pauwi na ko, pinilit lang nila ko uminom isang bote lang naman
Nung inalaska namin ang sabi, pre buntis si misis bawal magalit, dire diretso na yan tas manganganak, aalagan siempre si baby, masusundan, yun na. Wala na ang tigas at kaastigan.