New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    Apr 2014
    Posts
    231
    #1
    Nang umuwi ako ng madaling araw kanina nakalimutan kong magpa gasolina habang isang araw nang nka orange light yung fuel gauge ko ..

    Nung pina-andar ko na yung kotse kaninang tanghali, one minute pina idle ko tpos pumunta ako sa gas station malapit sa bahay namin .. habang tumatakbo yung kotse, ok naman yung ilang mga sandaling takbo,tapos bigla nalang nag je-jerk yung takbo, yung tipong papa ubos na talaga yung gasolina .. pero umabot pa rin ako sa caltex ..

    Pag tingin ko sa wallet ko, P80 lng pala yung dala ko .. So yung nalang ang pina-gas ko, at tutuloy ako sa atm para mag withdraw at magpa gas uli ...

    Pagkatpos ng P80 lang na gas ( 1.6** Litres) lng yata yung nakarga sa halos empty na talaga na tanke ... Ito yung nagyari ..

    -Unang start, ayaw umanda, pero malakas yung ignition ng starter .. pinatay ko agad yung key ignition after ayaw umandar ..
    -Pangalawang start, ayaw pa rin magstart, pinatay ko na naman agad ..
    -Pina standby ko ng 1minute ..
    -Pangatlong start, pina-andar ko muna yung ignition ng starter ng mga 3 to 5 seconds para cguro maka higop ng gasolina yung fuel pump tapos pag start ko ayaw pa rin umandar ...
    -Pina standby ko ulit ng cguro sobra 1minute ...
    -Sa Pang apat ng start, pina-andar ko muna ulit yung ignition ng starter ng mga 3 to 5 seconds din baka sakaling maka higop na talaga ng gasolina yung fuel pump .. Pero nung pina-start ko na at sinabayan ko ng pag apak sa acceleration pedal .. Ayon !! umandar na ..
    -After 5 seconds na andar, pinatay ko ang standby ng 30seconds ..
    -Pina andar ko ulit, 1click andar na .. Punta ako atm at balik sa gasoline station ..

    Ang tanong ko:

    -Posible bang masisira yung fuel pump ko sa nagyari sakin kanina ?? Nabasa ko kasi dito sa tsikot dati na madali lng mag overheat yung fuel pump ng EFI engine pag pina start ng sobra na wala nang gasolina .. Kasi gasolina lng daw ang ngpapa lamig sa fuel pump para hindi mg overheat ...

    PS:

    -Hindi ko inapakan yung accelerator pedal sa mga unang start attempt kasi nabasa ko dati na yung mga EFI engines hindi na kailangan itulak pag naubusan ng gasolina kagaya ng mga karburador na sasakyan .. Kusang hihigupin nalang daw nag electronic fuel pump yung gasolina para mka start agad ..

    -Hindi naman talaga ako naubusan ng gasolina, muntik lng maubosan .. At ngpa-gas nman ako, yun nga lang, 1.6xx Litre lng kasi P80 lng yung dala ko ..

  2. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    278
    #2
    What car/engine yan?

    With return or return-less fuel rail?

    Try mo munang kargahan ng medyo madami-dami... Malamang wala namang effect sa fuel pump kung sandali lang naman na-run dry...

  3. Join Date
    Apr 2014
    Posts
    231
    #3
    Quote Originally Posted by EssB View Post
    What car/engine yan?

    With return or return-less fuel rail?

    Try mo munang kargahan ng medyo madami-dami... Malamang wala namang effect sa fuel pump kung sandali lang naman na-run dry...
    Corolla GLi 1.6 4afe engine po sir ...

    Gaya nga ng sinabi ko sa itaas sir, saka lang umandar sa ika apat na try .. yung concern ko lang ay hindi ba nasira o nag overheat yung electronic fuel pump ko sa previous 3 attempts ko na pagpa start ???

  4. Join Date
    Oct 2013
    Posts
    2,537
    #4
    Quote Originally Posted by Dezaremos View Post
    Corolla GLi 1.6 4afe engine po sir ...

    Gaya nga ng sinabi ko sa itaas sir, saka lang umandar sa ika apat na try .. yung concern ko lang ay hindi ba nasira o nag overheat yung electronic fuel pump ko sa previous 3 attempts ko na pagpa start ???
    masyado konti kase kinarga mo gasolina kaya nag kaganyan... may baso sa loob yan kung saan naka submerge yong pump sa gitna, yung P80 mo na gasolina di man lang naka dating dun sa baso at syempre nag bubbles yon nung kinargahan mo kaya naka higop ng hangin...

    di naman agad agad nasisira yan, kaya lang naman sinabi wag hahayaan na matuyuan ng gasolina ang EFI kasi matindi labor and parts cost yan pag na sira due to non-cooling and lubrication effect ng gasolina...

    next time be responsible at lagi 1. may pera pang 1/2 tank or full tank... and 2. wag i risk ang fuel level, you never know whats ahead, not unless may pang gastos ka ng labor at replacement ng fuel pump assembly...

    - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

  5. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    278
    #5
    Walang long-term effect yan...

    Normal na medyo matagal bago mapaandar ulit dahil nagkaroon ng hangin sa fuel rail... so the pressure still had to push the air out of the injectors or sa fuel pressure regulator return line...

  6. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    1,711
    #6
    Remember na lahat ng tanke ay nagkakaroon ng latak (dumi) sa bottom. Kung ang latak ang nahigop ng fuel pump (or dumikit sa fuel filter), magkakaroon ng obstruction sa volume ng fuel na pwede mahigop. Less fuel sa engine less responsive. Kaya iwasan ang maubusan o mababa ang laman ng tanke.

  7. Join Date
    Dec 2015
    Posts
    6
    #7
    Thanks for sharing this article,great way of bring this topic to discussion.
    Keep up the excellent work !interesting one,Chartered Accountant Firm in Islamabad
    i saw your article in google,very interesting to read.Chartered Accountant Firm in Faisalabad
    I have seen this forum,its really nice to read and has more informative information..

Tags for this Thread

What are the Signs of Fuel Pump Damage ?????