
Originally Posted by
istariray
Hello. Bago lang po ako dito kaya pasensiya na kung napagusapan na ito dati. Tried doing a forum search but could not see any previous posts on this.
Ano kaya ang problema ng kotse ko -- 1993 Corolla XE. Tinirik ako kagabi habang nagda-drive ako. Mga 15-20 minutes na akong nagdadrive nun -- yung temp ay normal naman. Nung nag stop ako sa intersection, bigla na lang namatay ang makina. I had to restart several times. Tinapakan ko yung gas ng husto -- kasi namamatay pag hindi. Ni-rebolusyon ko pero namamatay pag tinanggal ko paa ko sa gas pedal. Tapos napatakbo ko ng ilang meters -- using only 1st and 2nd gears kasi mukhang mamamatay ang makina pag tinaasan ko ang gear. Tapos namatay na naman. I had to do that several times until nakakita ako ng medyo maliwanag na lugar na may guard. (Babae po akong driver kaya you can understand bakit ako praning).
Later tiningnan ng kuya ko yung kaka-replace pa lang na spark plugs (Denso) -- replaced about 2 weeks ago in a Shell station. Nilinis linis niya ng konti -- pero di naman talaga madumi. Sabi niya baka daw may tubig ang gasolina ko kasi daw ganun talaga pag tag-ulan -- nagkaka condensation sa gas tank.
After about 30 minutes, tumakbo na ng matino.
Tinaasan nga pala yung menor kasi mababa masyado. Yang menor na yan eh parati na lang ina-adjust -- tinataas, binababa kasi ewan ba parati na lang either masyadong mababa or masyadong mataas.
Gusto kong dalhin sa mekaniko -- pero since babae ako, at based na rin sa experience ko, gusto ko sanang magkaron ng idea from you guys kung ano kaya ang problema. Madaming lokong mekaniko. At number one yata nilang biktima eh kaming mga babaeng driver.
Salamat in advance sa inputs niyo.