add ko na din pag magpapa change oil ka na rin lang isama mo na din yung oil filter, air filter tsaka fuel filter, haping-happy car mo nyan!![]()
Madaling masira ang spark plugs sa mga sasakyan na contact point ang ignition system dahil sa mababang boltahe kayat madalas mapunde ang plugs noong araw.Nasolve ito ng paggamit ng electronic at computer ignition.Dahil sa electronic at computer ignition,kayang-kaya ng isang nasa tamang kondisyon na makina ang umabot ng 30k kms na di magpalit ng spark plugs dahil sa napakataas na boltahe ng koryente.Sayang lang ang pera kung lagi kayong magpalit ng plugs.
Electronic ignition na yan kayat siguradong mahaba na ang buhay ng spark plug.Hwag kalimutang icheck ang resistance ng mga plug wires kung nasa specs pa at palitan ang buong set kung out of specs na.Orig ang bilhin mong plug wires para tama ang resistance.Mahihirapan ang ignition coil kapag masyadong mababa ang resistance ng plug wires.Linisan mo rin paminsanminsan ang apat na contacts ng koryente sa may ilalim ng cover ng distributor cap.Nagkakaroon ng carbon build-up dito in a certain period.Check ignition timing when you change your spark plugs to obtain optimum performance and good fuel consumption.Nice day
Much better to buy original filters....Filter lang naman yan.
I'm using Champion spark plugs, NAPA contact points and Purolator filters on my in-law's restored willys jeep. so far so good. Inorder pa sa US kaya may kamahalan compared sa mga available locally.