
Originally Posted by
seeyoulater
Mga Sir, Tanong lang po. Kasi tumatagas yung langis sa makina ko palagi dati, then i went to buy a replacement(japan) goma na nagse-seal ng oil, na nilalagay sa gitna ng cylinder head at yung lower part ng makina. Nung nilagay nung mekaniko, nilagyan niya ng silicon pandikit sa goma, and i didnt fail to notice na may bits ng silicon na nahulog sa loob, maliliit na silicon stuff na lumalangoy sa langis sa loob ng makina ko. Mga Sir makaka apekto ba ito sa takbo ng kotse ko? Or worse makakasira ba ito? Tinanong ko sa mekaniko okay lang naman daw iyon, pero kasi naisip ko, baka palusot niya lang na nagkamali siya, natatakot lang ako, like every other person, ayaw ko gumastos ng malaki dahil sa overhaul. Mejo nagsisi nga ako e, dapat ata hinayaan ko na lang tumagas langis ko kaysa sa magkaroon nanaman ng bagong pag-iisipan. Kaya hindi ako mapakali e, gusto ko lang ng peace of mind, thats why i had to ask you guys. Btw my car is a hondacity 2000 type z lxi. Paano po kaya ito?
Salamat po.