2003 Mitsubishi adventure 4G63 Gas
ganito po nangyari nakargahan ng diesel yung car nung pina full tank worth 530 pesos. estimated worth nung dating karga na gasolina ay 1500+ after 2 days nung ginamit ko po sasakyan 2km away from home may makapal na usok na lumalabas na at may tumutulo na langis sa tambutso. ngayun pumunta ako sa mekanik na pinakamalapit sabi pwede pa daw paadarin yun para madala yung sasakyan sa kanina cguro 1km din. pagdating po dun ang ginawa pinalitan lng ng fresh unleaded yung tank at pinaandar ng pinaandar hanggang sa numipis at mawala usok.. after 2 weeks po (total of 256km drive) napansin ko na parang nagbabawas laman ng coolant at may tumutulo na tubig sa tailpipe. kapag matagal na na umaandar meron pa din moist sa tailpipe n kapag naipon tumulo pa din water.( yung pipe po pala meron cover kaya pababa yung labas ng exhaust bumabanga buga kaya naiipon moist sa cover), napansin ko din po na nagbabawas coolant at dumadami kapag mainit na makina at merong bubbles na lumalabas sa coolant reservoir lalo kapag tinataasan acceleration ng engine.
ano po kaya problema mga sir. pa help naman po kung ano gagawin..head gasket na ba agad culprit? ano po mga unang dapat i check bago sa head gasket? thank you.


Reply With Quote
