hi! newbie po ako, need your help po! nag pareplace po ako ng timing belt, pagkuha ko ng sasakyan tumatakbo naman po after ilang kilometro parang may kaibang ingay ako na naririnig then nung nasa hiway na ako hirap na akong umarangkada. kelangan ko pang tapakan ng husto yung gas. until parang usad pagong na. then bigla na lang tumaas yung temperature gauge. i turned off the engine. then may narinig ako pumutok. nung binuksan hood. sumabog yung hose ng radiator. then i contacted who replaced my timing belt. wala daw kinalaman yung pag replace ng timing belt sa scenario. pero i insisted na tingnan nila. pinapalitan yung hose. yung valve cover gasket at yung spark plugs kasi nag karoon na daw ng oil. gastos ko lahat ng parts. then try nila on engine. tumataas pa din ang temp gauge. binuksan nila uli makina para ichek yung timing belt. then yun pala mali pagkakabit nila ng timing belt. inayos nila. hindi na nai-road test kasi gabi na. pina-idle lang nila. ok nasa gitna yung reading ng temp gauge. ok na daw yun. nung ginamit ko na yung car nag overheat uli. pinatay ko uli yung engine. pinatingin ko uli sa kanila. butas naman daw yung radiator. may kinalaman ba ito sa maling pagkakabit nila ng timing belt? anu pa kaya yung mga naapektuhan nung pagkakamali nila? i need help technically.... please help me....
sorry to be harsh pero masasabi ko - grade 1 lang lang ba natapos ng mekaniko na gumawa?
di ba nya sinet ang mga markings prior to belt installation?
i pa back-job mo yan at dapat lahat ng incurred damages sa engine mo due to improper setting ng t.belt dapat sagutin ng shop. kasalanan ng mekaniko yan naghahanap butas lang yan para gatasan ka.
hi thank you... panu ko i-proove na incurred damages yun? sa kasa ko pa naman pinagawa yun, thinking na expert sila sa mga sasakyan nila. ayaw nila sagutin yung mga damages kasi ala daw kinalaman yun. i need to prove daw na may kinalaman yun... malamang daw incidental daw yun... panu kaya? may textbook ba yan o kaya illustration para maipaliwanag sa kanila? pati vp kina usap ko na regarding sa pagkakamali nila pero incidental lang daw yun kaya ayaw nila sagutin. panu kaya?
mag demanda na ako? may evidence ako na nagkamali ng kabit yung mekaniko ng ford. may pinirmahan sya. enough na kaya yun? may iba pa bang way na panagutan nila yung mga pagkakamali nila? sobrang perwisyo at malaki na nagastos ko. thanks a lot....
Posibleng tama ang pagkabit nila ng timing belt. Mukhang overheating ang problema mo ngayon. Bumibigat ang andar ang overheated engine dahil sumisikip ang piston sa cylinder.
Ito lang ang guess ko:
Natanggal o nakalimutan nila ikabit ang wires sa coolant temperature sensor switch kaya hindi nag o-on ang cooling fan.
Kulang ang coolant sa radiator dahil hindi nila na-bleed nang husto ang hangin sa cooling system.
once the car experienced overheating, assume that all engine parts were damaged. An engine was not designed to absorved such heat. I agree that running 1st gear might result to overheating. The thing that you can do is not give business to ford otis anymore. inform all your friends not to send their cars to ford otis.
since they admitted that they have a fault at their recent repair and caused an overheat. that overheat you had inflicted other damages then it is still their responsibility. that is because of their PALPAK na timing belt replacement.
paanong mali ang pagkakabit ng timing belt? aside from maluwag at nagskip ang timing, pwede rin siguro na hindi nila nakabit sa water pump. afaik, yung timing belt din nagpapaikot ng water pump. baka kaya nagkaroon din ng pressure sa hoses and radiator mo. IMO
Dec 2008 pa itong thread. Binuhay ni sir Pinkpanther.
In think its not the wrong installation of the belt but rather the aligning of the timing marks is the problem.